Science Freak [One Shot]

50 4 3
                                    

Dedicated to zidieee

"Got a perfect score in periodical exam, Amanda Tan." Sabi ng teacher namin sa physics.

Well. Ako na naman. As always. Ewan ko ba. I'm really fascinated about science. Kung bakit hindi lumulubog yung mga barko. Bakit kailangan ng mga melting point. Anong meron sa diamond na tinawag syang hardest mineral. Maraming tumatakbo sa utak ko basta about science. Ang astig kasi na malaman yung mga bagay bagay.

"Grabe! Siya ulit"

"Wala ng bago"

"Baka may bogus pokus na nagaganap"

Rinig kong sinasabi ng mga classmates ko. So, yun. Disadvantage ng pagiging Science Wizard? Paguusapan ka na kesyo gumagamit na daw ako ng spells para perfect, na mayabang kaya wala akong kaibigan kahit meron naman. Tss. Hindi ba pwedeng nagaaral lang talaga ako ng mabuti?

Napayuko nalang ako after kunin yung test paper ko kay sir. I can't help but to smile while holding my paper. Another perfect score another reward *o*

Natapos na ang klase namin sa physics, pero ang issue parin ay yung pagkakuha ko ng perfect score. Aist. Sakit nila sa split ends.

"Bes. Saan ba nagpapaulan si bro ng katalinuhan? Baka pwedeng tumambay there?" Sabi ko sa inyo e. May kaibigan ako, si Michelle Layn. We're friends since second yr highschool until now we're 4th yr.

"Mag aral ka kasing mabuti." Yun lang nasabi ko. E kasi ganoon naman talaga. You need to study to have better results in exams.

"Yan ka na naman sa aral e. Puro ka na lang aral. Magc-CR lang ako ha. Balik me faster. Hihi" tumakbo na siya agad pagkatapos sabihin yun. Why so conyo ng babaitang yun?

"Amanda babe!" Tss. Heto na naman ang mokong na nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

"Babe mo mukha mo" pagsu-suplada ko.

"Alam mo" umupo siya sa katabi kong upuan. "Ang talino mo sa science. Lakas pa naman ng interest ko sa mga babaeng ganyan." Pagpapatuloy niya habang taas baba yung kilay niya.

Bigla namang bilis ng tibok ng puso ko. Bwisit. Bakit ba ganito epekto sa akin ng tao na to? Matanong nga sa teacher ko sa biology kapag nagkita kami.

"Wag mo nga akong pagtripan." Yeah. He always do that. Lalapit sa akin para magsabi ng mga banat na recycled na kasi binanat niya na rin sa iba.

Ouch. Parang may kumurot sa puso dahil sa naisip ko. Bakit kasi sa mokong na'to pa ako nagkagusto eh.

"Amanda. Amanda. Amanda. Sige lang, tarayan mo ko. Tandaan mo, 2nd to the highest palagi score ko sa physics. *smirk* wag kang magpabaya baka matalo kita." Umalis na siya after sabihin yun. Is he threatening me? Hindi naman sa natatakot akong mahigitan niya ko. Pero, sayang perfect streak ko e. Tas mapupunta lang dun sa mokong na yun.

Btw. He is Gabriel Café, matalino pero chick magnet. Kaso, parehas kami ng pole kaya hindi kami napagsasama. Marami kaming pinagkapareho, isa na dun yung pagiging science freak. Pero ako lang yung may nickname na freak kasi cool daw si Gab. Discrimination.

And, Amanda Tan is Inlababo kay Gabriel Café. Kainis.

---
"Bes. Patulong. Dumudugo na ilong ko oh." Sabi ni Michelle. Yan kasi inuna pa yung Facebook bago nag review sa physics. May quiz kasi ngayon, ngayon lang din siya magr-review.

Science FreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon