Nami POV
Dalawang araw na ang nakakalipas at so far ok na naman.. wala namang nangyayaring kakaiba.. ehem! Ngayon na din pala yung balak ni Jirou about dun sa pagtatapat niya kay nami pero bakit parang bigla akong kinabahan? Hay ewan basta happy ako para kay saki.. yiii alam ko kasi yang si jirou matagal nay an inlove kay saki..
“Nami ok na ba ang lahat?” –ryu
“Oo ok na kami ni haru, yung sainyo ok na ba? Wag kayong papalpak huh! Kundi patay kayo samin ni haru.. matagal na hinahantay to ni jirou” sabi ko kay ryu..
“Oo ok na din kami.. ang tanong na lang pano natin magagawang dalin si nami dun na hindi siya nakakahalata?” hmm? Napaisip ako sa sinabi ni Ryu ah..
“Hmmm? Sige pag uusapan namin ni haru yan o wag ka na maingay padating na sila jirou at saki baka mabuking pa tayo” at tuluyan na ngang nakalapit samin sila Jirou..agad ko naman niyakap si saki.. naku kahit cold yan sa iba samin hindi na siya cold hahaha..
“Besy Saki hahaha cute cute talaga ng pisngi mo” sabay tusok tusok ko sa pisngi niya at nakita na naman namin yung once in a blue moon smile niya hahaha.. minsan lang yan ngumiti ng alam mong tunay at hindi peke..
“Aw! Besy ang dapat smile ka lagi para---“ hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi bigla naman sumingit tong si shin..
“Wow! May anghel akong nakita, mukhang aagawin na kita kay ji----ARAY!” hahaha buti nga kay shin nakatanggap ng batok..
“Gusto mong ihagis kita sa pinanggalingan mo?” sino pa nga bay an kundi si Jirou hahaha pag dating talaga kay saki napaka possessive niya..
“Joke lang naman yun Jirou, alam mo naman kung sino ang gusto ko at inaantay ko siya” –shin
Hay naku kahit kelan talaga tong mga to oh.. oo nga pala si besy may naisip na ako para mapapunta namin siya dun mamaya na ng hindi niya nahahalata hahaha.. pasimple kong siniko si ryu at alam na niya ang gusto kong iparating kaya nag thumbs up lang siya..
*fastforward*
Jirou POV
Natapos ang klase namin at nag nagtext ako sakanila kung ok na ba ang lahat..
To : Nami, Haru, Shou, Taki, Ryu, Shin
Ok na ba lahat guys? Wala na bang problema?
Kahit na magkakalapit na kami hindi ko sila pwedeng kausapin dahil kasama ko si saki at ayaw kong malalayo siya sakin dahil baka kung ano na naman ang mangyari ang hindi ko na naman maagapan..ayoko na dagdagan pa yung mga bad memories niya hindi pa ganon ka ok si saki..
Shin : ok na bro..
Taki : naka handa ka na ba?
Ryu : Ito na jirou ang inaantay mo
Shou : take care of her
Haru : may plano na si nami para mapapunta namin si saki sa place
Nami : kami na bahala ni haru sakanya
Hindi na ako nagreply sakanila.. naka ngiti na lang ako.. hindi ko alam kung ano pwedeng mangyari mamaya pero sisiguraduhin kong bago matapos ang araw na to magiging girlfriend ko na siya at wala ng pwede pang lumapit sakanyang kahit sinong lalaki..

BINABASA MO ANG
White Blood Prince's and Ms. Lonely
Romance(currently editing each chapters) 5 years old ng iniwan ako ng first love ko.. 10 years old ng bawiin ng dyos ang magulang ko.. Ano pang silbi ng buhay ko kung ang mga taong mahahalaga sakin ay iniiwan ako.. hanggang sa onti onti ko ng dinidistansya...