Chapter 50 (Salvation)

619 34 7
                                    

Chapter 50

Salvation

I have never imagined being in this situation.Maski sa mga palabas ay bibihira kong makita ang mga bidang lalaki na ginagawa ito.Mas prefer nila na makipagsuntukan na lang,and so am I.

Across the table was my brother looking straight into my eyes.Ni hindi man lang nangimi.Kung makatingin sa akin ay para bang wala siyang kasalanang nagawa.He looked all proud and that.And above all,he seemed oblivious of the people staring at us.

Of course,people would look.Halos isang buwan lang ang nakakaraan nang napabalitang nagsuntukan kami tapos ngayon ay makikita nila kaming magkaharap na nakaupo sa isang restaurant.At sa restaurant ko pa.Marahil iniisip ng mga tao kung ano ba talaga ang dahilan ng pagsusuntukan namin.At pwede namang ang iba ay namumukhaan lang kami ngunit wala naman talaga silang ideya kung sino kami.

"What is it?," I asked impatiently.

Mula sa proud na hitsura ay bahagya siyang ngumiti at yumuko.Malambot na ang ekspresyon ng kanyang  mukha nang bumaling sa akin.

"Sorry," aniya. "I just love her so much."

"Okay," walang gana kong sagot. "You can have her," dagdag ko.

"And Caleb," he said.

"Hindi ko maintindihan kung bakit pati anak ko ay gusto mong kunin.Nasa sa'yo na si Cea,hindi pa ba sapat iyon?," I gritted my teeth as I spoke in a low voice preventing others to hear us.

"We both know,he is my son," him putting emphasis on every word.

"Similya lang naman ang naiambag mo," I mocked him.

"Can't we make arrangements on this?," buntong-hininga niya.Ano? Siya pa ang may ganang umaktong stressed at nahihirapan?

Arrangement,my ass!

"No," sagot ko sabay tayo.Dire-diretso ang aking lakad patungo sa cold kitchen ng restaurant.

Hindi naman siya sumunod o nag-amok.Atleast iyon,ipinagpasalamat ko.Pero kahit ano pa man,hindi ako papayag sa kahit anong arrangement na gusto nila.

Wala pa akong maayos na tulog at masakit na ang ulo ko kaya wala akong lakas para makipag-usap sa kanila.Ang oras na mayroon ako ay para sa trabaho ko lang.

Hindi ako lumabas ng cold kitchen hanggang hindi siya umalis.Kahit nga hindi ko na dapat ginagawa ay inagaw ko sa mga empleyado ko para lang makita niyang naghihintay lang siya sa wala.

Nang may mga nakakilala sa kanya at nagsimula nang makipagpicture at magpa-autograph ay saka niya lang naisipang umalis.

Sa wakas!

Buhat nang umalis siya ay saka naman ako nawalan ng gana kumilos.I tried to work but I couldn't get my concentration back.Kailangan ko pa ngang mag-isip ng recipe na ipapakita ko sa audiences sa show next week.And I have to sign a contract to be a judge on an upcoming televised cooking contest.

So I have a life to live by.But maybe not for today.I just can't.

Sinira na ni kuya Gareth ang mood ko.Polluted na ang araw ko dahil sa kanya.

And so I ended up going home.And slept all day.When I woke up that afternoon I've already received a news from my attorney that Cea already filed for child custody.

I tried to call Atty. Santillan back but I couldn't seem to think of what to say or ask him.Para bang gusto ko munang takasan ang mga problema ko sa ngayon.

At iyon nga ang ginawa ko.

Sinundo ko lang si Caleb sa school,sinabayan siyang kumain at nakipaglaro lang ako sa kanya hanggang sa makatulog siya.Nang makatulog ay saka ako nagbihis at pumunta sa bar.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon