Chapter 34 Finally

579 22 0
                                    

Caylee’s POV

Halos dalawang aaraw na rin ang lumipas mula nung magising si Clark. At sa halos dalawang araw na yun ginawa ko ang lahat para bumalik yung dating pagtrato niya sa akin.

Hindi na nga muna ako pumasok sa school eh pinasabi ko na lang kina Colz yung nangyari at buti pumayag naman sila. Kahapon nga ang daming bumisita kay Clark. Yung mga classmates niya kasama na dun yung mga teachers tsaka yung principal. Akala nga ng adviser niya boyfriend ko na si Clark. Todo iling pa si Clark nung sinabi yun. Ako naman ngumiti na lang ako kahit pilit. Sinabi din nila na nahuli na daw nila yung mga sumaksak kay Clark. Mga addict daw talaga ang mga iyon kasi gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamut.

Sa totoo lang parang pinagsilbihan ko na nga siya eh. Sinusubuan ko siya ng pagkain, tinutulungan ko siyang tumayo, inaalalayan ko siya sa kapag gusto niyang magCR tapos binibili ko pa siya ng iba’t ibang klaseng mga prutas. Hindi naman sa nagsasawa ako or binibilang ko yung mga ginagawa ko sa kanya. Hindi rin naman ako nagrereklamo dahil sa totoo lang gusting-gusto ko yung mga ginagawa ko sa kanya. Masaya ako kapag ginagawan ko siya ng pabor.

Nakakalungkot lang isipin na yung mga ginagawa kong iyon sa kanya ay binabalewala lang niya. Ramdam ko yung aloofness niya sa akin eh. Though kinakausap naman niya ako pero alam ko sa sarili ko na ginagawa niya lang iyon bilang respeto sa akin at sa dati naming pinagsamahan.

Alam mo yung ganung feeling? Sobrang sakit! Putek! Pero gayunpaman, hinding-hindi ako titigil sa pagpapaamo sa kanya. Kahit masakit sa pakiramdam kapag hindi niya ako pinapansin, kahit maiiyak na ako sa tuwing hindi niya maappreciate yung mga bagay na ginagawa ko sa kanya, lahat titiisin ko kasi alam ko namang ako ang may kasalanan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.

Pinagmasdan ko na lang muli yung natutulog na mukha ni Clark. Ngayon ko lang narealize na sobrang gwapo niya pala talaga. Ang tanga ko kasi talaga eh!

(-____________-)

Pero hindi naman yung kagwapuhan ni Clark yung una kong nagustuhan sa kanya. Wala akong naging dahilan kung bakit minahal ko siya basta pagkagising ko na lang isang araw, boom! Mahal ko na siya. Kapag daw nagmahal ka dapat walang dahilan. Kasi nga daw kapag nagmahal ka ng may dahilan hindi pagmamahal yun. Paano na lang daw kapag nawala yung dahilan kung bakit mo siya minahal, ibig sabihin daw ba nun hindi mo na siya mahal? Parang ganun, basata ang weird talaga no?

When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Caylee's Heartbreak)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon