Dear Diary,
Nakakainis! Ang sweet nilang dalawa. Nagseselos ako sakanya! Pero sino ba ako para magselos diba? Crush ko lang naman siya at ako, isang hamak lang na acquaintance para sakanya. Pero kasi, ang pogi ni Santi eh >.< Ay ewan!
~Kelly
***
Ganito pala yung feeling nang wala kang kasamang mag-lunch at yung mag-isa ka lang talaga the whole day no? Hindi naman ako loner or nerd tulad ng iba pero kasi hindi ako masyadong nakikipag-usap. Wala lang, trip ko lang.
Bakit mag-isa ako? Ewan ko dun sa bestfriend ko, di nagpakita saakin ng isang buong araw ngayon.
Dear Diary,
Ang lungkot pala talaga kapag mag-isa kang kumakain noh? Kaya heto nagsusulat ako habang kumakain. Bestfriend I hate you! Iniwanan mo ko dito. Pero yae na kasi ang sarap ng sandwich na baon ni mama. Oo nga pala, nakita ko si Santi kanina. AT KINAWAYAN PA NIYA AKO. Grabe yung feels ko kaninaaaa!!!!!! I feel like dying!!! <3
“HOY!!”
“AY MANGGA!”
Omygosh no! Nasulatan ko yung diary ko ng isang mahabang linya! Balak kong sigawan yung gumulat sakin pero nagulat lang ulit ako sa nakita ko.
“Pfft! HAHAHAHA!! Ano ba yan Kelly! Kakaiba ka sa lahat ng ginulat ko ah! Buti nalang di hayop yung sinabi mo”
Omg, is it real is it real? *luwa mata*
“Uh Kelly? Okay ka lang ba? Nagulat ba kita masyado?”
Nilapit niya yung mukha niya pero lumayo ako ng konti. Teka, get back to your senses Kelly! Act normal. “A-Ah hindi naman. Kamusta Santi?”
“Okay lang naman. Ikaw ba? Sorry nga pala kung nagulat kita. Haha. Bakit ka kasi nag-iisa? Ikaw tuloy nakita ko” sabi niya sabay upo sa tabi ko.
Omg, pigilan mo sarili mo Kelly!!! Tumabi lang siya sayo. Kalma ka lang muna dyan. “Okay lang yun. May meeting daw si Elaine eh”
“Ah kaya pala” napatingin siya bigla sa hawak kong diary. "Ano yang notebook na 'yan? Patingin ako"
“Waaah! Bawal, hindi pwede. Masyado ‘tong private noh!”
Balak niyang hablutin yung diary ko pero niyakap ko 'to. Kailangan ko ng full strength para hindi niya maagaw sakin. Lagot na ako kapag nakita niya ‘to! Malalaman niya lahat ng tinatago kong pagnanasa... este pagtingin sakanya at kung anong agenda meron ako.
“Ang daya mo! Parang di tayo magkaibigan!” *pouts* Bakit siya nagpapa-cute sa harap ko hayyys “Kumain ka na ba? Kung gusto mo--”

BINABASA MO ANG
One Shot Collections ♥
Cerita PendekShort Stories inspired by my dreams, my favorite artist or celebrity and the songs I usually listen to. (c) MansDreamGirl aka Mrs. Byun Baekhyun | NO SOFT COPIES | NO SOFT COPIES | NO SOFT COPIES | (Sensya na 'ho, tamad mag-compile si ateng eh. Hihi...