Pag-uwi ko sa bahay, naglinis ako at humarap sa computer. Check muna ako ng notifications ko sa Facebook at ng mga mentions sa Twitter. Syempre hindi ako papaahuli pagdating sa mga ganyan noh. At BOOOOM! May friend request ako.
Ken Meneses? Teka, si Ken? May Facebook siya? Ang alam ko kasi wala eh. Alam niyo naman na ako ang dakilang stalker ni Ken diba. Bago lang yung account kasi wala pang picture. Bwahaha!
*diiing*
Ken Meneses
Hey!
Nikka Danghel
Hey ka din!
Ken Meneses
Haha! Ang kulit mo talaga.
Nikka Danghel
Hala? Anong nakakatawa dun? Baliw ka na?
Ken Meneses
Oo. Baliw na ako sayo
O/////O
Alam mo yung kinikilig? Ako yun eh! Kanina pa siya ako pinapakilig ah! Una doon sa sulat tas ngayon sa chat naman. Grabe, haba ng hair ko ^__^
Nikka Danghel
Baliw ka na nga. Follow mo ko sa Twitter :p Please?
Ken Meneses
Tapos na kanina pa
Tapos na daw? Check ko nga. Scroll scroll. Ayun! Finallow nga niya ako. Tinignan ko yung twitter account niya. Okay? Bago lang din? Atsaka wait. Isa lang ang fina-follow niya. O___O
Nikka Danghel
Bakit ako pa lang yung nasa Following mo? Wala kang friends?
Ken Meneses
Kaya lang naman ako gumawa para makita ko yung account mo eh. Babantayan ko may iba kang ka-tweet atsaka pag may mga nag-cocomment, like at share na lalaki sayo
Nikka Danghel
Ows? Di nga?
Ken Meneses
Oo nga. Sorry pero possessive ako eh. Ang akin, akin lang. Ang sayo akin padin kasi akin ka na eh
Nikka Danghel
At kelan naman ako naging sayo aber?
Ken Meneses
Don’t tell me, magpapakipot ka pa at pahihirapan ako
Grabe siya magsalita. Possessive nga! -___- Pero kiliiiiiig >//////< Gusto ko nang magwala sa super kilig dito kaso bawal kasi pagagalitan ako ni Mama eh. Magpapakipot pa nga ba ako?
Nikka Danghel
Strict ang parents ko :P
Ken Meneses
Yun lang ba? Sige. Baba ka na, papakilala ko na sarili ko sa parents mo
O_____O
Tumakbo ako sa may binata. Shoooot! Nasa labas nga siya, nakasandal sa kotse yata niya at nakangisi. Hawak din niya yung phone niya at nung nakita akong sumilip sa bintana naglakad palapit sa gate. Hala takboooo! Bumaba ako ng hagdan.
“Niks, wag kang tumakbo! Baka mahulog ka pa niyan eh!”
“Sorry kuya, wait lang may bisita ako eh”

BINABASA MO ANG
One Shot Collections ♥
Cerita PendekShort Stories inspired by my dreams, my favorite artist or celebrity and the songs I usually listen to. (c) MansDreamGirl aka Mrs. Byun Baekhyun | NO SOFT COPIES | NO SOFT COPIES | NO SOFT COPIES | (Sensya na 'ho, tamad mag-compile si ateng eh. Hihi...