CAN'T HELP MY SELF
==============
Kapag umiibig ka, dapat walang bounderies. Mapababae man sya o lalaki. Mamahalin mo pa rin sya. Kahit na may deperensya sya hindi mo sya pandidirihan. Sya ay isang dyamante sa iyong paningin kahit na isang tanso lang sya para sa iba.
==============
ika-labing syam na kabanata
-Can't help myself
pagkawasak ng pusoRosalia Lynna's PoV
Naging kakaiba para sa akin ang araw kahapon. Ika-anim na araw na ngayon. Natutulog pa rin si Wendyl at nagbalik na si Aldrin sa kanyang tunay na katauhan. Ipinaliwanag niya sa amin ang lahat. Ginawa daw nya iyon dahil na din sa kagustuhan ni Necean. Sumang-ayon si Necean sa sinabi nito at inako nya lahat ng kasalanang kanyang ginawa. Noong una, akala ko magagalit lalo si Rhianna pero nagkamali ako.
"Okay lang. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang malaman kung may nararamdaman ka rin sa pangga ko." Nakakalong si Rhianna ngayon kay Al at nakayakap naman si Al kay Rhea.
"Hindi, wala akong nararamdaman sa kanya isa pa.." namula sya ng maisip yung hindi niya maituloy kaya ako na lang ang nagtuloy para sa kanya.
"Mahal nya si Hayme Patricio." Nakasandal lang ako sa dingding malapit sa binta habang nakaupo naman si Necean sa bangko malapit kay Wendyl.
"Uh-Ah,(OoO) Bakit mo sinabi?? ( >.< )" Sobra ang pamumula nya ngayon at nakakatawa lang kasi bumalik nanaman sya sa pagiging bata.
"Tsk, sabi ko naman sa'yo ligawan mo na lang si Hayme Patricio. Isa pa hindi ko naman talaga gusto yun e. Puro pera lang ang gusto noon at swak na swak marami kang pera sa bangko." Nakapikit kong sinabi. Wala lang. Totoo namang maraming pera yang Necean e. Nagtatrabaho na lang yan dito just for fun. Awan ko na nga kung bakit nya ginagawa ito. Ah, oo nga pala, yun nga pala ang dahilan. Ang red heart.
Muntik ko ng makalimutan yun ah. Hehehe..
Anim na araw na kami dito at nagsisimula na ang intramurals ngayong sandaling ito. Sa isang bukas na ang marathon na sinalihan namin. Nakakainis mang isipin pero siguradong matatalo kami kapag wala si Wendyl sa amin.
"Kamusta~" napamulat ako ng may nagsalita. Nakita kong pumasok sina Diamond, Tiffany at si Ma'am Johan. Tulad ng dati may dala silang pagkain at bulaklak.
Inilapag nila ang mga dala nila sa lamesa nina Al at Wendyl. Maya-maya'y nagkwentuhan nanaman kami at may kumatok sa pintuan. Bumukas iyon at nagulat ako sa pumasok.
"Anong ginagawa mo dito?" napa-ayos ako ng tayo ng makita ko ang taong ito, bakit sya naririrto balak ba nyang patayin si Wendyl dahil sinuntok siya noon nina Al?
Nakita ko kung paano nainis ang mukha ni Al. Kahit na nakabalik na sya sa totoong siya alam nya ang nangyayari noon at tingin ko, gusto pa niyang patayin si Hayme Patricio.
"Huwag kang tumingin sa akin ng ganyan. Hindi ako nagpunta dito para sa iyo." Sabi niya kay Al at nakita nanaman ng mata ko ang paghawak ng madiin ni Rhea kay Al. Paano ko nga ba hindi makikita ang mga kilos nila e narito ako sa dulo at kitang-kita ko sila mula dito.
Maging sina Diamond, Tiffa at ma'am Yohan ay nainis din sa presensya ni Hayme Patricio.
"Narito ako para sa kanya." Itinuro nya si Necean at nakita ko kung paano sya mamula at kiligin. "Pwede ba tayong magusap sandali?" napatawa ako at inudyok ko pa sila.
"Ayeee.. Necean, date daw oh. Hahaha..." Biro ko at nabigla naman si Hayme Patricio dito.
"H-Hindi ha. Kakausapin ko lang sya." sabi nya na sobrang defencive.
BINABASA MO ANG
Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)
Teen FictionSi Wendyl isang lalaki na gagawing ang lahat makita lang muling tumakbo ang babaeng sobra nyang minamahal. Ika nga mga sinaunang mangingibig. "Gagawin ko ang lahat masunod ka lamang." Kaya naman sumunod nga si Wendyl. Sa pambabae nga lang na Eskwela...