ALEXANDER’s POV:
Ilang weeks nalang, aalis na ko dito. Anong araw nab a ngayon? May 14? Bakit ang bilis ng araw? Pwede bang mag extend? Ayoko pang umalis. :( Ngayon pa na napapamahal na ko kay Hanna.
Ayaw ko na siyang iwan, gusto ko dito na ko tumira, gusto ko siya lang nakikita ko araw araw, sa pag gising at tulog ko. Gusto ko siya lang ang nakikita ko. Wala na kong paki kahit masaktan pa ko ulit, totoo na ‘tong nararamdaman ko sakanya. Ano kayang magandang gawin para mapatunayan ko na mahal ko na talaga siya?
May pasok kaya siya ngayon? Mukhang oo e? Sana wala, gusto ko siyang masolo, kahit ngayong araw lang. Teka, tanungin ko muna siya.
“Hanna? Gising ka na ba?” Katok ko.
“Oo, bakit?”
“May pasok ka ngayon?”
“Yup, pero hindi ako papasok. Bakit?”
“Ah, wala naman. Baba ka na, lalamig na yun pagkain.”
“Sige, sunod na ko.”
YES! Hindi siya papasok ngayon! Pwede ko siyang ma-solo. Sana wala siyang lakad. Gustong gusto ko talaga siyang makasama, kahit ngayon araw lang. Oo, araw araw ko siyang kasama. Pero iba pa din yun kaming dalawa lang, yun siya lang kausap ko buong araw.
“Hanna.”
“Bakit?”
“May gagawin ka ba?”
“Hmm?” Sana wala, sana wala. *cross-fingers*
“Hmm, wala naman. Why?”
“May lakad ka?”
“Wala din. Bakit? Kanina ka pa tanong ng tanong ha.”
“Ah, eh, hmm, Hanna, kasi…”
“Ano yun?”
“Pwede ba kitang makasama? Kahit ngayong araw lang?”
“Huh?”
“Kung okay lang, na hingin ko yun buong araw mo ngayon.”
“Bakit? Hindi kita maintindihan.”
“Ah, kasi, ano.”
“Ano?”
“Ilang weeks nalang ako dito, gusto kitang maka-bonding.”
“Sus, haha. Yun lang pala! Sure, sige.”
“Talaga?!”
“Oo nga, kaso…”
“Kaso ano?” Ano ba yan, bakit kaso pa? Tsk.
“Mag grocery lang ako saglit, ubos na yun yogurt ko. May papabili ka ba?” Wew. Kala ko naman kung ano, sige, okay lang, ng makapag prepare din ako kahit papano. ^____^
“Ay, kala ko naman kung ano, haha. Sige, balik ka agad ha.”
“Weird mo ah, haha. Opo.”
YESSSSS!!! Pumayag siya! Hahaha. Bakit kaya ang bait niya ngayon? Baka nga totoo yun nabasa ko sa diary niya nun, na nahuhulog na daw siya sakin. Sana, sa gagawin kong ‘to, tuluyan na siyang mahulog.
May malapit kaya na flower shop dito? Alam ko meron e, dun sa palengke. Sana may roses sila don. Gagawin kong romantic ‘tong araw naming ni Hanna. Gagawin ko ang lahat, para sakanya, para maparamdam sakanya na mahal ko siya.
Oo, mahal ko na talaga siya. Mabilis ba? Ganun talaga, ganyan umatake ang pag ibig e, walang pinipili. Kahit na masaktan ka, okay lang, naging masaya ka din naman kahit papano. Pero sana, itong kay Hanna, sana totoo na ‘to.
BINABASA MO ANG
IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? Pero iniwan at sinaktan ka lang din naman? Susubukan mo pa bang magmahal muli? Kung alam mong walang kasiguraduhan na mamahalin ka din pabalik at hindi ka na masasaktan. Paano kung bigla nalang may dumating sa buhay mo...