Bawat tao ay may kinakatakutan. Pero sa mga takot na 'yon ay puwedeng maging inspiration kung ito'y iyong malalagpasan.
Tulad ko, takot ako sa isang hayop na nagbago sa buhay ko. Isang hayop na nagbigay inspiration sa akin. Hayop man ituring, natutunan ko sa kanya na malagpasan ang takot ko.
Takot ako sa aso, kapag nakakarinig ako ng tahol o nakakasalubong ng aso sa daan. Hindi ko maiwasan na huwag kabahan. Simula pa ng bata ako ay takot na ako sa aso dahil nakaganat ako nito sa binti kaya naospital ako. Kabutihang palad ay wala iyong rabis. Simula no'n ay iniwasan ko ang ang aso.
Pauwi ako galing sa paaralan. Naglalakad ako patungo sa bahay namin. Natapat ako sa isang bahay ng biglang - "Aw! Aw!." Isang aso ang tumahol.
"Sh! Sh! Lorie tumigil ka."
Lumingon ako sa bahaging 'yon. Nakita ko ang isang matandang babae na may katabing aso. At hinihimas himas 'yon para patigilin ang alaga. Napatingin ako sa aso na kulay brown. Tila may something sa mata ng aso na hindi ko kayang tignan. Ang nagpapaalala sa akin ng nangyari ng bata ako.
"Pasensya na Ija, masyado lang siyang protektado sa akin." Sabi ng matandang babae. At hinihimas himas ang aso na wumawagayway ang buntot sa kanya.
Yumuko ako para magbigay galang sa matandang babae. At dahan dahan ako naglakad at sinusundan ako ng tingin ng kanyang alaga.
_
Kinabukasan...
Naglalakad ako para pumasok sa paaralan ng muli akong matapat sa bahay kung saan ko nakita ang matandang may alagang aso.
Dahan dahan akong naglakad at tumingin sa harapan ng bahay at doon ko nakita ang aso na nakaupo sa harap ng pinto.
"Aw! Aw!." Tumahol 'yon at tumayo sa kinauupuan at tumakbo sa kasamaang palad ay nakabukas ang kahay na gate nila.
Tumakbo ako habang hinahabol ng aso. Natapilok ako at malakas na puwersa ang humatak sa akin para madapa sa matigas na lupa. Nakita ko ang aso na humahabol parin sa akin.
"Lorie!! Tsk tsk tsk!." Tawag ng matanda sa aso kaya tumigil ito para lingunin ang amo. "Ikaw talaga!." Sabi nito at kinakausap ang kanyang alaga. May hawak siyang tali at tinali sa leeg ang kanyang alaga.
Tumayo ako at linapitan ako ng matanda hawak ang tanikala ng aso na nakasunod sa kanya kaya napaatras ako.
"Nako! Ija pagpasensya mo na alaga ko." Sabi nito. Napatango nalang ako at yumuko para magbigay galang sa sa matanda.
Sa sumunod na araw ay....
Naglalakad ako at ng matapat ulit ako sa bahay na ayaw ko nang daanan. Ay nakarinig ako ng huni ng ambulansya. Nakita ko ang matanda na nakahiga sa stretcher habang tinutulak palabas ng bakuran ng bahay. Ang nakaagaw ng pansin ko ang aso na parang pinipigilang ang stretcher at nakaangat ang dalawang paa sa harapan na nakapatong sa stretcher parang gustong umakyat sa stretcher para lapitan ang amo. Pero tinaboy ito ng nagtutulak.
Nakasunod lang ulit ang aso habang tinutulak ang stretcher palapit sa ambulansya ng mailagay na sa loob ang matanda at sinarado ang ambulansya. Umupo lang sa lupa ang aso habang nakatanaw sa papalayong ambulansya.
Dahan dahan akong naglakad para lagpasan ang aso ng mapatingin ako dito. Rinig ko ang mahihinang ingit nito at parang lungkot sa mga mata nito na para bang alam ang nangyayari sa palagid niya.
Gusto ko man yung lapitan pero 'di ko magawa dahil sa takot ko na baka makagat ulit ako.
Isang araw ang nakalipas...