IV [Crossroad]

2.8K 83 13
                                    

Hi Cai! This is for you! Alam ko makakarelate ka sa story na to, TITLE palang! (alam na..) Miss yah! :'D



IV. CROSSROAD



Days had passed... naging instant textmate na kami ni Sakris Enzo a.k.a WHO U. Hahah! Ewan ko ba, habang tumatagal, feeling ko nag-enjoy nakong kausap sya kahit ang tipid-tipid nyang magtext. Palagi ko syang kinukulit, infairness naman, medyo humahaba na yung text nya, at sumasagot na din siya ng maayos kahit medyo masungit pa din. Pero yun nga, ako ang dami ko na yatang naikwento sa kanya, sya hindi pa din nag-open up ng tungkol sa kanya. Hindi ko tuloy, matanong si Sakrisan Will sa kanya. Mas lamang kasi yung pagkacurious ko sa pagkatao niya.. to think na pwede ko sya makilala o makita ng hindi niya nalalaman.

Until.. one time, I didn't expect na malaman ko kung sino talaga siya. Nasa bench ako non, nakaupo.. katatapos lang ng mass, hinihintay ko si Mama dahil pinuntahan nya si Kuya don sa tambayan ng mga sakristan. Hindi ako sumama kasi nahihiya ako, for sure andon si Will. Tama na yung nasulyapan ko siya kanina.. buo na ulit ang buong linggo ko. Pero habang hinihintay ko si Mama, nakita ko si Will. Hala! Natakbo siya, papunta sa direksyon ko. Napayuko tuloy ako nang wala sa oras. To think na malapit lang si Will sa saken..uwuaah! >//<

"Enzo!"

Natigilan ako bigla pagkarinig ko sa pangalang tinatawag ni Will. Tinatawag nya si Enzo? Si Sakris yun ah? At dahil sa kagustuhan kong makita at makilala yung Enzo na katext ko. Dahan-dahan akong nag angat ng tingin at bumalin sa direksyong pinuntahan ni Will. Nasa gate na sila nong kasamahan nyang sakristan.. hindi ko pa masyadong maaninag yung mukha nya dahil madilim na din. Second to the last mass kasi yung ina-attenand namin ni Mama sa evening mass. Since, medyo malayo naman ako, hindi ko na inalis yung tingin ko sa kanila. Napansin kong pabalik sila sa loob ng simbahan, so I pretended to looking around, sakto naman nakita ko si Mama. Papalapit na saken.

"Hi Tita!" nagulat pa ko nong binati ni Will si Mama. Ngumiti naman si Mama sa kanya.

Napatingin din tuloy ako sa kay Will pati don sa kasama nya. At mas nagulat ako pagkakita ko sa mukha non kasama niya. Sumulyap lang siya sa gawi ko tapos naglakad na ulit sila pabalik sa simbahan. Ako naman, medyo shocked na hindi makapaniwala. Eh? Di nga? Siya si Enzo?? As in siya talaga? O_O

..

..

Nakatitig lang ako sa phone ko. Hindi ko alam kung ite-text ko pa ba tong si Sakris.. to think the fact na si irap boy na feeler at siya ay iisa lang. Naku, paano kaya pag nalaman nyang ako yung katext nya? Nyeak. Iisipin na talaga non na 'admirer nya ko. Duh! Hindi ko naman inakalang siya 'yon eh. Sa dinami-dami naman kasi ng mawrong send ako, sa kanya pa. Sana, kay Will nalang! Ayst!

Pero.. para sure na hindi niya ako makikilala.. dapat i-delete ko yung number ko sa phone ni Kuya baka kasi accidentally or intentionaly, makita nya pa yung number ko sa phone ni ng Kuya ko o pwedeng si Kuya yung makakita. Hindi imposible yun dahil magkasakristan sila. Maghiraman sila ng phone. Uwuhaaaaa! No! No! Hindi pwede! :| Hindi ko pa nga nagagawa yung hidden agenda ko! Kaya yun, hiniram ko ulit yung phone ni Kuya, and I deleted my number there. Bahala na.. hindi naman kami madalas magtext nitong si Kuya. Memorize din naman nya ang number ko. So okay lang. Bwahahaha!

Pagkatapos kong malaman kung sino talaga si Sakris Enzo, wala naman nagbago. Except nga don na alam ko na kung sino siya. Everyday pa din kami magkatext, usual tipid at ang sungit nya pa din katext. Well, actually.. familiar naman talaga saken yung totoy na 'yon eh. Kasi yung subdivision na I think kung saan sya nakatira, katabi lang ng terminal ng jeep papunta sa school ko. Kaya madalas, nakakasalubong ko siya kapag papasok siya ng school. Oo, alam ko yung school nya dahil yung uniform nya, same don sa Catholic School kung nasaan kami nagsisimba. Walking distance from the terminal kung saan ako sumasakay. At ewan ko.. kung ako pamilyar din sa kanya, mas mabuti na yung hindi para clueless sya na ako yung katext nya.

Then, the next other day.. nagkasalubong na naman kami.. I saw him nong palabas na siya ng subdivision nila. Habang ako, naglalakad at malapit nasa terminal. This time, nagchin up ako at diretso lang yung tingin ko hanggang magcross yung way namin.

Yung totoo?


Ayoko talaga napapatingin sa mata nya even before kasi ang sama nyang makatingin. Nakakatakot. He has a deep rounded eyes. Although, hindi ko naman totally natitigan yun, pero kakaiba talaga sya makatatingin tapos palaging ang serious ng mukha nya, galit ba sya sa mundo? Tsk. Nadagdagan na naman tuloy ang pagkacurious ko sa kanya. Ang hirap nya din kasi basahin.. kahit Psychology pa ang course ko, para kasing sinasadya nyang itago yung totoong personality nya, kahit nga lang sa text. Hindi pa masyado open pagdating sa kanya, kahit palagi ko syang kinukulit sa text. Hahah!

Minsan nga, naiisip ko, naiinis na din siguro siya saken. And I don't know to me.. silent type kasi talaga ako, pero kapag katext ko siya, nagiging madaldal ako, kahit hindi siya nagtatanong.. ako pa yung kusang nagopen ng topic. Infairness naman sa kanya, kahit ang tipid nyang kausap, binabasa pa din nya yung nobela kong mga text sa kanya, kunbaga sa personal.. alam kong nakikinig sya saken kahit tahimik lang siya. :)


AKO: Good morning Enzo!

Tinext ko kaagad siya pagkasakay ko ng jeep. Wala pang 2 mins. Nagreply naman kaagad siya.

SAKRIS: Good morning too Jhassy.. :)

Napakurap ako tapos binasa ko ulit yung text nya. What the? Himala? Hindi na sya naka caps lock ngayon ah? at take note! With smiley pang kasama? Hahah! Akalain mo? Marunong naman pala siyang gumamit ng emoticon eh.

AKO: Wow! Good mood yata tayo ngayon tsong ah? Anong meron? ^_^

SAKRIS: Nakita ko kasi yung crush ko kanina.

AKO: Ah, kaya naman pala. Uy, binata na siya. Haha. Ayos yun tsong! Sana pala palagi mo nalang nakikita crush mo, para good mood ka palagi. ^_^

SAKRIS: Yeah, yan din wish ko. Haha.

Uy, with 'Haha pa? Good mood talaga sya ah. Hindi ko tuloy mapigilan matawa. Napatingin pa saken yung katapat kong pasahero sa jeep. Kahiya tuloy.. >.<

Naramdaman kong nagvibrate ulit yung phone ko. Nagtext ulit siya. Maganda yata talaga ang gising niya. Ano kayang inanmusal nito? Infairness naman, medyo improving na siya ngayon huh. xD

SAKRIS: Do you believe in love at first sight?

Huh? Ano daw?

AKO: Ha? Bakit?

SAKRIS: Oh gusto mong dumaan ulit ako?

Binasa ko ulit yung text nya habang naglalakad papasok ng campus namin. Ang weird nito ah. Hindi kaya nawrong send lang sya? Maya-maya nagtext ulit. Grabe.. himala talaga to!

SAKRIS: Okay ba? Banat lines ko yan para don sa crush ko. ^_^

AKO: Ah, okay. Haha! Ang corny tsong pero pwede na. ^_^v

SAKRIS: Tss.. ge na, simula na first class ko.

Tingnan mo tong batang to. Ang pikon! Todo pigil ako wag matawa. Ang weird din pala ng isang yon. Haha.

AKO: Okay, nasa school na din ako. Aral mabuti. ^_^


Hindi na siya nagreply. Pero parang nakakakita na ko ng liwanag! Hahah! Unti nalang Julien! maisasakatuparan mo din ang hidden agenda mo sa kanya! :p

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Sakristan Will on the media box🔝

Mr. SAKRISTAN [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon