LAST CHAPTER
Simula nang umalis kami sa VBL ay samo't saring hearsay at fake news ang narinig namin mula sa mga tao sa aming paligid. Kahit sa kanto, saan mang sulok ng baranggay Munay ay kami ni itay ang pinag-uusapan, ohh di ba famous kami? Ang galing nga ng mga tsimosa sa aming baranggay, akalain nyo yun, wala silang mapagtripan ay buhay ng may buhay ang pinagtitripan nila, kaya mga bes, pabor ako sa sinusulong na batas sa kongreso na anti chismis bill, ang parusa ay ipapakagat sa antik ang bibig ng mga taong napatunayan na kapag sila ay guilty.
At yun na nga mga beshie, araw-araw, gabi-gabi maging tanghaling tapat kung kelan dapat nag tse-tsesta ang lahat ay kami parin ang laman ng usapan na traidor daw kami, spoiler at mukhang pera. Aba'y mga beshie galit much ako sa taong nagpalabas ng fake news na yan, kay sarap lagyan ng sili ang bibig nang mamaga. Kapag yang taong yan na nagpapakalat ng pekeng balita ay nahuli ko, sinasabi ko sa kanya, baka ibaon ko sya ng buhay sa dagat-dagatang apoy, chars!
Nang minsang bumili ako ng ulam sa karenderia ay nagsitihimakan ang lahat ng dumating ako at syang tingin nila sa akin. May isa pa ngang ale na nagsalita na panget na nga daw ako, saksakan pa ng sama ng ugali, aba'y dahil sa inis ko mga beshie ay tinukhang ko nga, pero joke lang. keber nalang ako mga beshie, kunwari hindi ko sya narinig. Alam mo naman ang mga mangmang na mga tao kapag pinatulan mo ay magsasalita at magsasalita yan ng mga walang katuturang mga bagay. Ika nga ni otor sa kanyang facebook post. ' most people judge a person according to what they hear, and what they saw, they did not analyze things thoroughly before imposing judgment'. At isa pa sa post ni otor sa kanyang facebook wall na wala namang likers ay 'its not about what constitution gives to you [to express your thought and opinion] but its how to show respect!
After ko bumili don mga bes ay nag flip pa ako ng aking buhok at syang snob ko sa kanilang lahat. Sinigawan pa nga nila ako na 'panget mo ulol', kaya ang ginawa ko ay nag bigay ako ng dirty finger sa kanilang lahat!
Someday will come, mamatikman din nila ang mga sinasabi nila sa akin, ibabalik ko sa kanila kung ano ang ginawa nila sa akin.
-
Pagdating ko sa bahay namin mga bes ay naabutan ko si itay na nakahiga sa sahig at pinapaypayan sya ni inay Maring. Pa kending kending pa nga akong naglakad papasok at syang lagay ko ng nabili kong ulam sa table namin. Dedma lang ako sa kalandian nilang dalawa, mula kase pag-alis ko kanina para bumili ng ulam ay naglalandian sila, at hanggang sa bumalik ako ng bahay at ganu'n parin ang ginagawa nila.
Nang nailapag ko na ang nabili kong ulam ay narinig ko ang malakas na sigaw ni inay Maring.
"Victorinaaa... Victorinnnaaaa" sigaw nya sa akin, at ako naman ay kunot noong lumapit sa kanya.
"ohhh? Why o why?" pagtataka ko. "ba't nakahiga si itay sa sahig? Ehh ang lapad-lapad ng kama sa itaas? At ang lamig-lamig ng panahon pinapaypayan nyo sya? Aba'y grabeng paglalandian nyan nay ahh!!"
"gaga" hila ni inay Maring sa short ko na kamuntikan na ding malaglag pababa ng sahig. "aba' tumawag ka ng tricycle at dadalhin natin si itay mo sa hospital, nawalan sya ng malay habang naglalandian kami este habang nagbabasa ng dyaryo" pag simulang pagtangis ni inay.
Kinuha ko naman ang dyaryo na hawak ni itay sa kanyang kamay at nanlaki lang naman ang aking mata dahil sa aking nabasa. Hindi ako makapaniwala na laman ng pahayagang iyun ang issue tungkol sa VBL, at tinawag pa nila iyung VBL scandal.
"ano pang tinatayo mo dyan, tumawag ka na ng tricycle" hila ulit ni inay Maring sa short ko.
Agad naman akong lumabas para magtawag ng tricycle, pero di nila ako narinig. Muli akong bumalik sa loob upang ipaalam kay inay na walang lumalapit na tricycle sa akin dahil wala namang tenga at utak ang mga bagay tulad ng motor o tricycle, aba'y mga beshie ehh sininghalan ba naman ako na ang tanga ko daw, kung wala naman daw talaga akong sintido komon ay magtawag daw ako ng tricycle na may nakasakay na driver. Taena kase, hindi kompleto ang detalye kapag nagsasalita, dapat sinabi nyang driver ng tricycle at hindi yung literal na tricycle ang tatawagin ko. Aba eh magtaka ako kung kusang gumalaw ang motorsiklo na mag isa papunta sa akin.
KAMU SEDANG MEMBACA
Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)
HumorChaka ako sa kanilang paningin. Mula nang isinilang ako ay tinalikuran na ako ng mundo at puro kamalasan lang ang napunta sa akin. Siguro nung umulan ng kamalasan ay sinalo ka lahat! OO!! ang hirap maging panget! mahirap kapag chaka ka, lahat na ng...