The myth of Sisyphus , isa ito sa mga tanyag na myth sa Greek mythology dahil sa labis na katusuhan ni Sisyphus at ang parusang naghihintay sa kaniya.
Kung kaya mong dayain ang kamatayan, gagawin mo ba? Halos karamihan siguro ay gagawin iyon subalit hindi lahat ay kasing tuso ni Sisyphus. Siya ay isang legendary rogue na dinaya ang kamatayan hindi lang isa kundi dalawang beses pa.
Malaki ang naging bayad ni Sisyphus dahil sa kaniyang panlilinlang. Ang kalayaang natamo niya dahil sa kaniyang katusuhan ay saglit lamang subalit ang kaniyang paghihirap na dinanas sa underworld ay walang katapusan.
Family three of Sisyphus.
°Father- Aeolus: hari ng Thesally, ang Ama ni Sisyphus.
°Mother- Enarete
°Brother- Salmoneus
°Wife- Merope
°Sons- Glaucus, Thersander, Almus, Ornytion, Sinon
°Grandson- Bellerophon
Sisyphus and family issues:
Si Sisyphus ay anak ni Aeolus, ang tagapagmana sa trono ng Thesally sa central Greece. Si Sisyphus at ang kaniyang kapatid na si Salmoneus ay kinamumuhian ang isa't isa kaya naman inagaw nito ang trono ng Thesally sa kaniya.
Nakatakda si Sisyphus na maging isang hari subalit kailanman ay hindi siya magiging hari ng Thesally. Ang sorceress na si Medea ang nagbigay kay Sisyphus ng trono sa Ephyra, na kalaunan ay tinawag na Corinth. May mga nagsasabi na nakuha niya ang korona sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng bayan na iyon. Katulad ng pagpaparami ng mga tao roon mula sa mga tumubong kabute. Pinakasalan ni Sisyphus si Merope, ang tanging Pleiades na nag-asawa ng mortal mula sa pitong Pleiades na anak ng Titan na si Atlas at Pleione. Mas ninais niyang maging asawa ng isang mortal kaysa maging babae ng mga Diyos. Nagkaroon sila ng tatlong anak. Ito ay sina Glaucus, Ornytion at Sinon.