CHAPTIE: 1

318 2 0
                                    

Napa balikwas nang bangon si Vianica ng Marinig niya ang pinakamalakas na alarm clock sa pandinig nya. Agad nya itong pinatay dahil hindi ito magandang pakinggan.

Humiga sya ulit ng maka bawi sa pagkabigla.

Tumayo na sya upang maligo. Pag katapos nyang maligo ay nag bihis sya ng plain white V-Neck T-shirt. At saka jeans na pinarisan ng doll shoes.

Itinali nya muna ang buhok na Messy bun at nag apply ng kaunting pulbo sa mukha.

Pagkatapos nyang pagmasdan ang kanyang sarili sa salamin ay nag tungo sya sa kabinet nya kung saan naka tago ang pera nya para sa pamasahe at baon nya.

Laking gulat nya na wala nang laman ang kahon na pinaglagyan nya ng pera.

"Mukhang mag lalakad na naman ako ngayon ah." Pabulong nyang sabi. Alam nya kung sino ang kumuha nito pero ayaw na nya ng gulo kaya ipag sawalang bahala na lang nya ang galit sa mga Magulang nya.

Ang totoo may ipon sya para makapag aral uli dahil gusto nya taposin ang pag aaral nya. College na sana sya pero tumigil sya nung ninanakaw  na ng magulang nya ang pang baon, pamasahe, pang bili ng project nya.  Itinago nya iyon sa pinaka matagong bahagi ng kwarto nya.
Pero nahanap parin nito ang pera at walang itinira para sakanya.

Bumaba na agad sya at nag saing.

Pagkatapos maluto ang sinaing ay kumuha sya ng kaunti at inilagay iyo sa supot para sa baon nya mamaya sa paghahanap ng bagong i dadagdag sa kanyang trabaho para kumita sya ng malaki-laki.

Pag katapos nya ilagay ang kanin na binalot sa supot ay nakarinig sya ng sigaw sa sala.

Agad nya  itong pununtahan. Hindi na sya nagulat nung nakita nyang lasing na naman ang magulang nya.

Dating mga negosyante ang kanyang mga magulang. Kung bakit ganito ang kalagayan ng buhay nila.

Pero ang mas nakakagulat ay ang dahil kung bakit miserable ang buhay nila ngayon.

18 years ago.

Nag lalaro si vianica sa bahay ng kanyang kaibigan dahil naaliw sya sa mga laroan sa bahay nito hindi na nya napansin na gabi na pala. Agad syang nag paalam dahil baka pagalitan na naman sya nang nanay nya.

Pag dating nya sa bahay laking pasasalamat nya na hindi pa ito nakakauwi kung saan man ito galing.

Hindi na sya nag abala pang maghanap ng pagkain sa kusina dahil alam nya namang wala pagkain na makikita dun.

Aakyat na sana sya para itulog nalang ang pagkagutom nang biglang may bumukas ng pinto at ang lasing na ina ang pumasok doon.

Tumingala ito sakanya at nakita ang galit sa mga mata nito. Naguguluhan man nilapitan nya ito para alalayan patungo sa kwarto nito at makapag pahinga.

Laking gulat nya nalang ng pag lapit nya dito ay hinablot agad ang buhok nya. Napahiyaw sya sa sakit.

"Ma-ma ma-sakit p-po" maluha-luha nya sabi.

"Ikaw na bata ka simula nang dumating ka sabuhay namin ni berto minalas na kami!!" Pasigaw nito habang hawak parin nito ang buhok nya.

"Alam mo bang hiyang-hiya ako kanina sa dati kong mga kaibigan na ngayon ay asensado na  tapos ako walang-wala!!" Patuloy sa pag sigaw sakanya habang sinasampal-sampal sya pero tahimik lang syang humihikbi.

"Ma-" hindi na nya ntuloy ang sasabihin ng muli na namang sumigaw ang nanay nya.

"Wag na wag mo akong tatawaging Mama!! Wala akong anak na salot!!"  Sigaw nito at tinulak sya sa sahig sa lakas ng pagkakatulak nito ay na subsob ang mukha nya sa sahig.

Akala nya tapos na ang pananakit ng mama nya. Ngunit hindi pa sinipa sya nito sa tyan ng ilang ulit. Hindi sya nito tinigilan hanggat hindi nakikita nito na miserable ang mukha nya.

Simula nung araw na yun iniintindi na lang nya ang galit ng mga magulang sakanya dahil alam na nya ang dahilan kung bakit ito na gagalit.

Inalalayan nya ang mama nya pa punta sa sofa dahil naka higa na ito sa sahig.

Nang makahiga na ito sa sofa may sinabi syang salita na kahot sino ay ma-ta-touch sa sasabihin nya.. maliban nalang sa mga magulang nya.

"Mama mamahalin ko po kayo ni papa hanggat sa nabubuhay ako. Mamahalin ko po kayo ng boung puso kahit na malabong mang yari na mamahalin nyo rin ako ng boung puso."

_____________________________________________________________________________

Sa chapter 1 and chapter 2 ay about po kay Vianica.

THE KING'S QUEEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon