VI [Fall For You]

2.7K 86 17
                                    


VI. FALL FOR YOU



Linggo ng pagkabuhay ngayon.. or Easter Sunday. Grabe, nakakapagod... ang sakit ng paa ko, ang haba kasi ng nilakad namin kanina don sa prusisyon, pero sulit naman yung pagod ko kasi nakita ko ulit si Will. ^O^ Nasa bandang harapan kasi kami ni Mama pumuwesto, nakasunod kami don sa 'karo na may nakalagay na santo. Nasa tabi non yung mga sakristan, at andon si Will!

Tapos, kanina nakisindi pa siya ng kandila saken! Uwuuaaaaah! Kinikilig talaga ako! How I wish na tumigil nalang sana yung oras nong moment na yun! Goodness! Super buong buo na yung linggo ko for one month! Haha! Ang OA pero basta ang saya-saya ko ngayon! ^__^ once in a blue lang naman kasi mangyari yun no!

Wait.. parang hindi ko yata nakita si Sakris kanina? Uhm.. pero nagtext siya saken na papunta daw siyang church ngayon eh. Mai-text nga yong mokong na yon. Pero bago pa ko pasend yung text ko sa kanya, nagtext na siya. So binasa ko kaagad.

SAKRIS: Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy..

So andon din pala siya kanina? Hindi ko kasi siya nakita.. wait, replayan ko nga muna to.

AKO: Luma na yan kasabihan mo. Alam mo bang may new version na nyan?

Sa halip na kamustahan o tanungin ko siya, yan ang naitext ko sa kanya. Masample-lan nga ulit to ng banat lines. Haha!

SAKRIS: Anong new version?

AKO: Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa bahay pa rin ang pahinga! xD

Natawa nalang ako pagkasend ko nyan. Waley!

SAKRIS: You know what... you made me laugh.

Huh? Parang hindi naman sarcastic yung text nya pero.. hindi nga? Natawa sya don? Seriously? natawa din tuloy ako. Hindi don sa korni kong jowk, kundi sa text nya. Meaning, mas mabenta yung jowks ko kay Pader? xD

AKO: Haha! Waley kaya! But I'm glad na napatawa kita. ^_^

SAKRIS: Actually, you always did. Thanks ha.

Pagkabasa ko nyan sa text nya. Napangiti nalang ako. Kung totoo mang natawa o napatawa ko siya, not once but always.. it makes me feel more happier to know na napangiti ko siya kasi feeling ko.. ang lungkot niya palagi.. and I never see him smiling, hindi ko tuloy maimagine yung hitsura nya ng mga sandaling yan. Ano kaya hitsura nya kapag nakangiti siya....?

..

..

Ngayon, kasama na sa daily routine ko ang pakikipagtext dito kay Sakris. Halos oras-oras na yata kami magkausap, lalo na pag weekend, kahit nga pareho kaming nasa school, nagkukulitan kami sa text. Haha! Palagi ko siyang inaasar, nakakatawa nga kasi marunong na din siya makipagsabayan sa mga banat lines ko. Hindi ko nga maimagine na magiging ganito na kami kaclose.. almost three months na din kaming instant textmate.

Hindi na siya yung dating suplado at masungit na nilalang na una kong nakatext, so far naman.. nagi-enjoy na talaga ako na kausap siya, yung dating vacant time namin sa school dati bored na bored ako dahil nakatambay lang kami sa hallway habang nagpapalipas ng oras, but now.. super useful na saken ng 2 hours break namin na yan! Haha! Dyan kasi kami nagkakatext ni Sakris, lalo na pagsame kaming vacant hours, pero madalas, may klase siya. Minsan, nagrereply pa nga ang mokong kahit naglelecture yung titser niya.

Grabe lang, I can't imagine him hiding his phone under his disk at nagtatype ng message saken, feeling ko tuloy bad influence ako sa kanya. Pasaway din, pinagsasabihin ko nga siya, dahil baka mahuli siya, madetention pa siya ng wala sa oras. Ayoko naman non, mas matanda ako ng 3 years sa kanya tapos ako pa yung nagtuturo sa kanya maging pasaway. Bad Julien!

Mr. SAKRISTAN [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon