"YOU ARE THE REASON"

15 1 0
                                    

Ikaw? Mahal kamusta kana?
Kay tagal na kitang hinahanap at
Kay tagal na din ng huli kitang makita, Mahal? Mahal mo ba talaga ako?

Sa araw-araw na ginawa ng diyos
ikaw lang ang iniisip, alam mo ba yung tipong bawat kilos ko kailangan iisipin ko muna ikaw?

Nakakasawa na kasi Mahal
Ikaw ang naging buhay ko
Ikaw lang ang pangarap ko pero anong nangyari?

Mahal, bumalik ka nga pero ibang iba kana Mahal, anong nangyari dahil nandito ka nga sa aking piling pero ang hirap mo abutin

Ang sakit sakit isipin na Mahal, ikaw ang mundo ko pero siya ang nais mo Mahal, kailan ba ako susuko Dahil sa bawat oras minuto araw na dumadaan ikaw pa din ang iniisip ko

Mahal, ikaw ang buhay ko at siya naman ang mundo mo
Ang saya naman mahal kasi mahal nyo ang isa't isa pero sa katunayan ako ang nasa tabi mo

Mahal, tama na dahil ikaw ang rason kung bakit ako nandito pwede bang ako na lang ulit?
Mahal, ikaw pa din ang rason kung bakit nagsusulat ako

Mahal, Salamat ikaw ang rason kung bakit nasasaktan ako at patuloy na lumalaban
Mahal, katabi lamang kita pero ang layo layo mo
Mahal ikaw ang buhay ko Paalam.

Loving You Was ColdDonde viven las historias. Descúbrelo ahora