Star's POV
"Star! Star! Star!"
"Tanghali na! Bangon na jan!"
"Huyyyy!"Naalimpungatan ako sa sunod sunod na beep ng cellphone ko. Eto na naman sya. The ever energetic Mandy. Ang bestfriend kong punong-puno ng energy sa katawan. Pinaglihi ata sa kiti-kite yun e. Naputol tuloy ang tulog ko. Ang ganda pa naman ng panaginip ko. I replied to her text messages.
"Makatawag ka! May sunog ba?" I texted her.
"Ang sungit naman! Red days? Hahaha! Labas naman tayo! Last day na ng bakasyon e." she replied.
"Antok pa ko bes. Pwede 5minutes na lang?" I texted her back.
"Hay nako Star, alam ko yang 5minutes mong yan, mamaya one hour na yan!" she knows me so well.
"Kfine! Eto na babangon na! San tayo magkikita?" I answered her.
"Daanan ka na lang namin ni Kuya Steven dyan sa bahay nyo!" she answered. My mood instantly changed when I read his brother's name, Steven.
Steven is one year older than us. Since kababata ko si Mandy, ibig sabihin kababata ko din si Steven. He tried to court me several times. But unfortunately, walang spark! I rejected him so many times but he is so persistent. Sabi nya, sakanya din daw ang bagsak ko. Well, I don't think so.
Bumangon ako sa pagkakahiga at agad na naligo. Kilala ko si Mandy. Kahit alas nuebe pa ang usapan namin ay siguradong nandito na yun 30 minutes before.
Kagaya nang napag-usapan ay nagpunta kami sa mall ni Mandy. At syempre may kasama kaming asungot. We bought some things for school. We played some arcade games. We even do the dance revo. Hanggang ngayon pala, uso pa ito. Bata pa kami ni Mandy nung unang nauso ito sa play station.
And when we're finally worn out from all the stalling and window shopping, we decided to take our lunch.
"You should sleep early tonight bes! 7am first class mo, right?" Mandy told me.
"Yeah right! You are such a sleepy head!" pang-aasar ni Steven.
"Whatever, Steven! Nakikisali ka sa usapan naming magbestfriend! Mind your own business!" tinaasan ko sya ng kilay. That guy is really annoying.
"Buti pa ako, 9am pa first class ko." sabi ni Mandy bago nya isinubo ang huling kutsara nya ng ice cream.
"Ikaw talaga. Nang-inggit ka pa!" pinitik ko ang noo nya.
"Ouch naman! Alam kong malaki ang noo ko, kailangan pa bang dun mo talaga ko pitikin?" pagrereklamo ni Mandy. "Kung sinamahan mo sana ako mag Civil Engineering, edi sana di mo kailangang gumising nang maaga." she continued.
"Math is not my thing bes. Of all people, ikaw dapat ang may alam nyan." I can still remember way back high school. I got a zero, as in zero sa isang quiz namin sa Math. Naging kasing pula ng kamatis ang mukha ko nung inannounce ni Ma'am ang grades namin. And that was the most unforgettable moment in my life. At iyon na din ang last time na naka-zero ako. I strived harder. I asked Mandy's help. Kung ano kasing kinahina ko sa Math ay siya namang ikinagaling ni Mandy. Actually silang dalawa ni Steven. Pareho silang number genius. They are both taking engineering. Si Mandy ay civil at si Steven naman ay mechanical.
Hanggang ngayon ay natatawa pa din ako kapag naiisip ko yon. Biruin mo, kahit isa wala akong naitama. Kahit 1point for effort lang, hindi ako binigyan ng teacher namin. Ganoon kalayo ang sagot ko. Parang kahapon lang ay high school lang kami, bukas college na kami ni Mandy.
BINABASA MO ANG
Behind the Clouds (Published under Viva Books)
Ficção AdolescenteFriendship, love and everything in between. Can death separate two hearts that are destined to be together?