Chapter TWENTY ONE

5.1K 141 2
                                    

ASH DRIONNE.

pilit ko pa ring sinisiksik sa isip ko ang lahat ng nangyayari. May anak na ako. Hindi may anak na kame.  Matagal na akong ama.  Nauna pa nga ako kay Chrys. Nauna pa akong magkaroon ng anak kaysa sa pinsan ko. 

Sobrang saya ko.  Ngunit ang kaalamang nawawala ang anak ko ang nagbibigay sakin ng sobrang takot ngayon.

'diyos ko. Kaya na po ang bahala sa anak ko wag niyo po siyang papabayaan. ' mahinang usal ko, bago tiningnan ang babaeng mahal ko. 

Hilam sa mga mata nito ang luhang kanina pa kumawala.

Bigla siyang napatanong.  Kung hindi ba nawala ang anak namin.  Sasabihin niya ba sakin ito? Ipapaalam niya ba na mayroong kaming anak. O ililihim niya na lang.

Parang sa isiping iyon ay unti unting sinasakal ang puso niya.  Oo hindi siya naging mabuting nobyo dito noon.  Ngunit ginawa niya lang naman ang alam niyang tama noon para hindi ito masaktan. 

Kung pinaglaban niya siguro ito ay masaya sila ngayon.  Walang heartache. Hindi ito galit sa kanya.  At wala sana sa kapahamakan ang anak niya ngayon.

Kasalanan lahat to ni hannah kung hindi siya nakinig sa babaeng iyon ay masaya na sana siya.

Napatingin siya sa dashboard ng makitang may tumatawag sa sa phone ni shanaia.

Mabilis naman yung sinagot ng asawa bago inilagay sa loudspeaker.

"Shanaia. We found her." alam niya ang boses na iyon.  Boses ni kelland.

"How is she babe? How's my baby? Is she good? Ayos lang ang anak ko hindi ba? Sumagot ka kelland." umiiyak ang asawa niya.  And seeing her wife cry makes his heart tighten in pain.

Hinawakan niya ang kamay nito.  Telling her na andun siya. Kasama nito.

"Pumunta kayo dito sa ospital ngayon, itetext ko na lamang kung saan." yun lamang bago namatay ang tawag.

Bakit anong nangyari?
Bakit hindi sinagot ni kelland ang mga tanong ni shanaia?

Mabilis niyang iniliko ang kotse.  Matapos matanggap ang text nito.

SHANAIA JIONNE.

pagkarating sa ospital ay dumiretso sila sa reception nang ospital.

"Keryl Ionne Monterial miss, anong room siya? " tanong niya sa nurse na nakatalaga doon.

Iniscan naman agad nito ang mga pangalan na naroon.

"nasa operating room pa po siya ma'am.  Andun po yon sa second floor. Tapos kaliwa po ma'am." saad nito sa kanya.

Mabilis niyang hinila si ash na parang natulala na.

Pagkarating nila doon ay nakita niya doon si kelland.

"anong nangyari babe? Kamusta si keryl? Anong sabi ng doctor." kinakabahan siya sa maaring isasagot nito sa kanya.

Kitang kita sa mukha ni kelland ang hirap at sakit.  Doon niya lang napansin ang maraming dugo na nakakakalat sa damit nito.

Hindi, hindi kay keryl iyan.

"i'm sorry jionne." mahinang saad nito bago sinuntok ang pader doon.

"No, okey lang ang baby ko. Hindi niya ako iiwan. Uuwi pa si Ace magkikita pa sila." umiiyak na siya.  Nang hihina na siya.

Ano bang nangyari ?
Nang iwan niya ito kahapon ay okey pa ito. Paanong nangyaring nakalabas ito sa subdivision ng bahay.

Doon naman dumating si lisa. Umiiyak din ito. May kasama itong guard at pulis. Kaya naman tumayo siya para maharap ang mga ito.

"Ma'am nakita po sa cctv na may kumuha sa anak niyo palabas ng bahay niyo. Babae po iyon. Malamang po ay mamukhaan niyo ito." saad ng pulis bago ipinakita sa kanya ang litrato ng babaeng kahit kailan ay ayaw na ayaw niya ng makita pa. 

"nakuha rin po sa cctv na sinadya pong sagasaan ang bata at basta na lamang iniwan sa park malapit sa bahay niyo, buti na lang po at nakita iyon ng isang guard na parating nag checheck sa lugar. Kaya po nadala agad sa ospital ang bata."mahinahong paliwanag nito.

Tiningnan niya pa ulit ng isang beses ang Larawang iyon.  Bago isinumpa ang babaeng naroon.

Hinablot naman yun ni monterial sa kanya.

At narinig niya na ang sunod sunod na pag mumura nito.

"i know this woman, she is hannah quinion. Gawin niyo ang lahat para lang makulong ang put*ng babaeng yan." saad nito.

Saktong lumabas ang doktor na siyang nag oopera sa anak nila.

Kaya naman dali dali silang lumapit dito.

"kamusta ang anak ko dok? " tanong niya dito.

Ngunit iling lamang ang isinagot nito.

"Bumaba ang vital signs niya.  Bumagsak din ang heart rate niya umpisa pa lang ng operasyon.  Mahina ang puso niya. Pero pilit siyang lumalaban, ilang beses rin niyang tinatawag ang kuya ace niya. Parang yun ang nagsisilbing life line niya.  She's a strong kid.  Nakakabilib.  For now unconscious pa siya.  48hrs siyang imomonitor. Akala ko nga ay mawawala na siya.  Dahil nawalan na ng beat ang puso niya, i already announce the tine of death. But after 3 minutes nag revive ng kusa ang puso niya. Miracle totoo pala yon." saad ng doktor bago sila iniwan.

Hindi siya makapaniwala.  Her baby.  Hindi siya nito iniwan. Lumaban ito para kay Ace.  Sa kuya nito.

Buhat sa narinig ay hindi niya napigilan ang sariling mapaupo doon.  Niyakap naman siya ni monterial.

"She's strong. Hindi niya tayo iiwan." umiiyak din ito tulad niya.

Hindi niya kame iiwan.  Hindi kami iiwan ni keryl.

~
A/N.

Sorry guys sa sobrang tagal ko mag ud ha. Tinatamad ako e hahaha 😂 Sorry na.  May nagbabasa pa po ba?

Anong say niyo sa chapter na to?

-ako kasi umiiyak habang tinatype to e.  Di ko pala kayang tanggalin si keryl sa story na to.  Kawawa si ash e hahaha 😂

Monterial Clan 2 : The Playboy Drummer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon