Chapter 37
Nang matapos ang klase, nagpaalam na ako kay Leslie dahil pupunta pa akong principal's office. Tulog kasi ako ng tulog, eto tuloy napapala ko. Tapos after ako pagsabihan ng pricipal at teacher ko, agad akong umalis para hanapin si Adrian dahil nakalimutan ko pala na sabihin sa kaniya na medyo malalate ako.
"Adrian." tawag ko sa kaniya ng makarating akong sa may gate ng school na medyo hinihinga-hingal pa.
"Nakauwi na ata lahat ng estudyante. Ang tagal mo naman." pagrereklamo ni Adrian sakin.
"Sorry na." Sabay peace sign ko sa kaniya. " Natulog kase ako sa klase kaya napapuntang principal's office."
"Puyat kasi ng puyat." Tapos tumawa siya. " Tara na nga."
Biglang hinawakan na naman niya ako sa kamay ko na dahilan para mapatigil ako sa sobrang kilig.
"Bakit Eunice?" Nagtataka niyang tanong sakin.
"Wa-wala." Sabay ngiti ko sa kaniya.
"Kinikilig ka lang na hawak-hawak kita no?" napabitaw naman tuloy ako sa kaniya kasi for sure iinisin niya ako. Hindi ko naman kasi kasalanan na tuwing hahawakan niya ako, parang may kuryenteng nakakapagpakilig sakin.
"Tara na nga." Yaya ko sa kaniya para maiba yung topic.
"Aminin mo muna na kinikilig ka." Sabi niya sakin. Pero tinignan ko lang siya ng masama.
"Sige na nga. Tara na." Tapos hinawakan na naman niya ako sa kamay ko at nginitian ako ng isang nakakalokong tingin.
Nanahimik na lang ako baka sakaling marinig niya kung gaano niya nagagawang patibukin ang puso ko. Baka sakaling maramdaman niya na matagal na matagal ko ng inaasam na makasama siya ng ganito. Bakit kasi kung kailan nahulog na ang loob ko sa kaniya, kailangan pa namin isikreto.
Biglang tumigil si Adrian. "Isasama kita ngayon sa bahay. I have a surprise for you." Napangiti naman ako ng bongga sa sinabi niya kaso may biglang sagabal sa isipan ko.
"Paano 'yung parents mo?" Syempre, gusto nila kay Daisy diba? Tsaka akala ko ba isisikreto muna namin.
"Nasa trabaho sila. Lagi na,an sila gabi na umuwi kaya don't worry." Sabi niya sakin. So, pareho pala kami. Laging gabi na umuuwi parents niya katulad ng akin. Wala na silang panahon para sakin.
"May problema ba? Hindi ka ba masaya?" Tanong niya kaya umiling-iling na lang ako. " Wala. Okey lang ako. Mali. Masaya pala ako dahil sayo."
Nagcommute kaming dalawa papunta sa bahay niya. Pagdating namin sa tapat ng bahay niya, kulang na lang lumuwa 'yung mata ko dahil ang laki ng bahay niya. Ang lakas siguro ng company nila kaya ganito sila kayaman.
" Pasok na tayo. " sabi niya kaya pumasok na kami.
Nang makarating kami sa loob ng bahay nila. "Goodmorning master Adrian." Napatingin tuloy ako kay Adrian na parang gulat na gulat.
"Bakit?" Nagtataka niyang tanong.
"Master? Ang yaman niyo naman. Sobra." Bulong ko sa kaniya.
"Hayaan mo na lang. Si mommy may gusto na tawagin nila ako ng ganun." Paliwanag niya. Pero nakakagulat talaga, sa school Primce siya tapos sa bahay master.
"Tara dun tayo." Sabay hinawakan na naman niya ako sa braso ko. Hinatak niya ako papunta sa kung saan, basta ako sinusundan ko lang siya. Hanggang sa nakarating kami sa likod ng bahay nila, may malaking pool at matataas na puno. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong piringan.
"Trust me." Bulong ni Adrian tapos dahan-dahan niyang tinuturo sa akin 'yung daan.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya. Lagi ko na lang ata siya tinatanong nito. Paulit-ulit pero alam ko namang wala siyang gagawing masama. I give my full trust in him.
"Secret." Sabay medyo tumawa siya. "Konti na lang."
Hanggang sa tumigil na kami sa paglalakad at dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakapiring ko. Dahan-dahan ding tumambad sakin ang isang lamesa na may napakagandang ayos. Mga kandilang nakasindi. Mga rosas na pulang-pula.
"Para satin ba talaga 'to?" Di ko makapaniwalang tanong sa kaniya. Parang isang panaginip lang lahat. Hindi ko talaga ineexpect na may gagawa sakin ng ganito.
"This is all for you. I wanna show you how much I love you and how I will do anything just to make you happy." Tapos bigla niya akong hinalikan sa noo ko. Agad naman tuloy akong napatingin sa baba. "Pangbawi sa paghalik mo sakin kanina."
Pinaalala pa niya. Tsk. Kinakalimutan ko na nga 'yung paghalik ko sa kaniya sa pisngi kanina sa school. Bakit ko pa kasi ginawa 'yun? Ano ba kasing pumasok sa isipan ko at ginawa ko 'yun?
"You're blushing." Pang-iinis niya sakin sabay hinawakan niya ako sa dalawang pisngi ko.
"Hi-hindi kaya." Sabay angat ko ng ulo ko at nakatitig pala siya sakin. Ibabaling ko ulit sana sa iba 'yung tingin ko kaso pinigilan niya ako.
"I love you." Halata sa mga mata niya ang sincerety.
"I love you too." Sagot ko naman. Nag-iinit talaga ang pisngi ko at sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Kulang na lang sumabog ito. Dugdug.
"What's the meaning of this?!" Paglingon namin, tumambad ang parents ni Adrian. Kulang na lang ata ay umusok ang ilong at tenga ng mommy ni Adrian ng makita niya kami.
--
vote and comment po kayo.
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Aventura"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED