Kanina pa ako nakahiga.
Pero hindi pa rin ako makatulog.
Time Check .... IT'S 12:51 A.M.
I found a love story,
That month of DECEMBER .
December 1 :
Every December laging may ABUBOOTHS sa school namin. Mas gusto ko pang manood sa kalokohan ng classmates ko kaysa makisali sa mga ganito.
Pero kabaliktaran ang nangyari .. dahil sa kanya .
SIYA na matagal nang may gusto sa'kin at this month of December nagparamdam.
DEDICATION BOOTH:
From: Him
Kim. I Like You and I want to get married with you.
MARRIAGE BOOTH:
Kinaladkad pa ako ng classmates ko na kinasabwat nya para lang ikasal kaming dalawa. Bumili sya ng singsing para sa'min. Inaasar pa nila ako ng kiss after that fake marriage. ASA naman.
KISS MARK BOOTH:
Kaya napilitan akong magpalagay nito sa right cheek ko kaysa magkatotoo ang demand nila.
JAIL BOOTH:
Hinuli lahat ng may singsing. At dahil nga kinasal kami .. Yun.
After that day, I hated him so much. Naaasar ako kasi may gusto pa sya sa'kin . FIRST GUY to like me and my attitude.
December 5:
It was in afternoon in December
When it reminded you of the day
When we bumped into each other
But you didn't say HI 'cause I looked away.
This day, nagkabungguan kami. Nalaglag ang books ko pero agad ko 'yun kinuha without letting him help me. Umalis na agad ako para hindi na dumami pa ang seconds na magka-krus ang landas namin.
That night, dahil nga kasabwat nya ang classmates ko, tinext nya ako.
From: +639143143143
Hi . Uhmm.. I just want to say Sorry if I pisses you off.
But no matter what you'll say or do ...
I STILL LIKE YOU.
Hope you feel the same way too ^___^v
Argh. Nakakaasar. Pero bakit paulit-ulit ko syang binabasa at hindi ko binubura ?
Scrolling through my cellphone for the 20th time today
Reading the text you sent me again
Though I memorized it anyway ...
December 7 :
Nasa school garden kami ng bestfriend ko at tumatambay nang magpaalam syang magsi-CR.
Habang mag-isa ako,lumapit ang lalaking 'yun sa'kin, tumabi at binigyan ako ng bouquet of flowers. I find it sweet.
Pero nung bumalik na ang bestfriend ko,
agad akong umalis at iniwan sya.
Pero bumalik ulit ako at kinuha yung flowers.
At iniwan ulit sya.
December 10:
Nilagyan nya ng balloons 'yung bench sa kanto kung saan ako naghihintay ng bus papuntang school.
Habang nakaupo kami roon na magkatabi, pinapayungan nya ako.
Nang makasakay na kami, sya pa ang nagbayad ng pamasahe.
Hinatid pa nya ako hanggang sa room namin bago sya pumunta sa room nila.
Natutuwa na ako sa kanya pero kapag inaasar na ako ng classmates ko, naaasar ako sa kanila .. at sa kanya bigla.
December 13:
Recess namin. At habang kumakain ako sa room, bigla syang pumasok at binigyan nya ako ng chocolates. As expected, inaasar ako ng classmates ko.
Bigla akong tumayo at sinigawan sya.
"Pwede ba, tigilan nyo nga ako ! Tigilan mo na rin ako. Kasi wala akong gusto sa'yo."
Napayuko sya, inilapag yung chocolates sa desk ko at umalis. Nagsisi ako sa mga sinabi ko dahil simula noon,
Hindi na sya nagpakita sa'kin.
And maybe that was the biggest mistake of my life
And maybe I haven't moved on since that night.
December 18:
Christmas Party. Umalis muna ako sa room namin para puntahan sya. Dapat akong mag-sorry sa kanya. Siguro naman mapapatawad nya ako. Bumili pa ako ng gift for him.
And I'm wearing the RING he bought for us.
Dapat ko na ring sabihin sa kanya na..
I also feel the same way.
MAY GUSTO NA RIN AKO SA KANYA.
Pero bigla ko na lang syang nakitang may kasamang babae. Nakaupo sila, magkaholding hands, at masayang nagexchange gifts sa garden.
Then I saw you with her
Didn't think you'd find another
And the world just seemed to crash
Shouldn't have thought that this would last.
Nang mahuli nya akong nakatingin sa kanila, agad akong tumakbo. Umiiyak.
Diba sabi nya, no matter what I'll say or do, gusto nya pa rin ako. At sana I also feel the same way for him! Pero bakit ganito ang nangyari?
Akala ko magiging madali para kalimutan sya, ang feelings ko para sa kanya, at ang memoies na ginawa nya para sa'ming dalawa..
PERO HINDI E.
December 26, 12:51 a.m..
Kanina pa ako nakahiga.
Pero hindi pa rin ako makatulog.
I read again the text he sent to me that night of December 5,
then pushed the reply button.
Hey. MERRY CHRISTMAS.
I'm thinking of you right now.
Sana maging masaya ka sa kanya.
Sana maging masaya kang nagcelebrate ng Christmas kasama sya.
Ako ... naging masaya rin.
Naging masaya ...
PARA SA'YO.
'Cause it's 12:51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed, thinking of you again
And the moon shines so bright, but I gotta dry these tears tonight
'Causeyou're moving on and I'm not that strong to hold on...
'Cause I'll prove you wrong that I can move on through this song...
So much stronger.
I found a love story ...
BUT ALSO LET IT GO ...
THAT MONTH OF DECEMBER.
*end*
BINABASA MO ANG
That month of DECEMBER (Oneshot)
Historia CortaI found a love story but also let it go, that month of DECEMBER. Sequel: But after a year, will it be the same or the other way around?