Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, Una kong nakita ang kulay itim at puting kisame at ang malaking polaroid sa taas nito. Napaunat nalang ako dahil pakiramdam ko ang sarap ng tulog ko pero agad din akong napabangon ng makitang tanging kumot lamang ang nakabalot sa katawan ko, lumingon ako sa tabi ko pero wala akong katabi. Wala si Devin...
Napangiti nalang ako ng maalala ang nangyari samin kagabi. Isang masarap at matamis na gabi ang pinagsaluhan. Wala yun sa plano ko kaya naman nakakagulat lang na naging ganon ang reaksyon niya sa'kin.
Lalo yata akong nahuhulog sa'yo...
Natauhan lang ako ng may sunod-sunod na katok ang narinig ko mula sa pinto. Sa pagmamadali ay dali-dali kong pinulot ang mga damit ko at mabilis ko 'yong sinuot pero agad akong napaupo ng makaramdam ng sakit sa pagitan ng mga hita ko. Ilang segundo pa 'ko huminto dahil sa naramdaman pero agad din akong tumayo at dumiretso sa pinto.
Halos mapanganga si Yumiko ng makita ako sa kwarto ni Devin, hindi ko naman yun napaghandaan. Ano'ng sasabihin ko? Na may nangyari samin kaya nandito ako? Damn.
"W-What are you doing there?" Nauutal niyang tanong habang binibigyan ako ng ekspresyong hindi makapaniwala. Hindi din ako nakasagot agad, tila nag-iisip pa ako ng magandang idadahilan.
"U-Uhm..."
"Don't tell me dian ka natulog?!" Bulalas niya kaya naman nagulat ako.
Oh boy.
"K-Kasi... Ano, n-nakatulog ako dito. Oo tama." Hindi siguradong sagot ko. Wala naman nagbago sa itsura niyang hindi pa rin makarecover.
"Biatch." Biglang sambit nito. Nabigla nalang ako nang bigla niya akong higitin sa braso palapit sa kanya, "Did you temp him? Tell me." Madiin nitong sabi.
Hindi ko naman alam ang isasagot. Kung sasabihin ko bang may nangyari samin anong magiging reaksyon niya? Pero bakit nagdo-doubt ako.
Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at hinarap siya. "Hindi ko siya inakit."
"Really? Ako pa lolokohin mo eh kitang-kita ang ebidensya!" Aniya sabay turo sa leeg ko. Dahan-dahan naman akong napahawak rito. "Hindi ugali ni Devin ang makipag-talik. Ano'ng ginawa mo?!"
So ibig sabihin, first time namin ang isa't-isa? Nakakatuwa naman isipin.
"Wala akong ginawa. Pede ba?!" Inis na sabi ko rito.
"Inakit mo siya! Malandi ka rin talaga eh 'no?"
Nagulat naman ako sa sinabi niya at nakaramdam ng matinding inis. Ako? Malandi? Wow. Judgemental speaking.
"Woah, hinay-hinay ka nga. 'Siya' ang unang humalik sakin, malay ko bang siya mismo ang naakit sa karisma ko??" Taas kilay kong ani kaya naman hindi siya nakasagot. Bwisit 'to. "And to tell you frankly, gusto ko nang umuwi kagabi pero bigla niya akong hinalikan. Kaya kung may dapat kang pagalitan rito hindi ako 'yun, kuha mo?" Naiinis na sabi ko kaya naman tumalikod na 'ko at kinuha ang sapatos at bag kong nagkalat sa sahig.
Bago ko pa man siya malagpasan ay nagsalita na siya.
"Well..." Huminto naman ako sa gilid niya munit hindi ko na siya tinignan. "If my hunch is totally right, then I'm giving you a chance." Mababang litanya niya kaya naman kunot noo akong tumingin rito.
"What?" Tanong ko.
"Siguro naman kilala at alam mo na ang pagkatao niya, right? Kung tama man ang hula ko, sana nga may magbago. That's why I'm giving you a chance."
YOU ARE READING
CRIMINAL [Under Major Editing]
Mystery / ThrillerA legendary heartless devil who will appear in Queenie's hapless life. A love that can give him supcremacy and domination... but there's one way to gain this strength...