Kinabukasan:
"So nag bunga yang kalandian mo?"
Tanong ni Daemon kay Zac na nakaupo katabi ko at ni Jaythan.
Sinabi na namin sa kanila ang nangyari.
At kung kami nabigla, sila Daemon ata ay inaasahan na iyon."Nakakagulat pa ba yun sa gaya mo? alam mo, ineexpect ko naman talaga na isang araw nalang ay may lalapit sa'yo at sasabihing nabuntis mo sya."
Paliwanag ni Daemon.
"Ang nakaka gulat lang ay bakit sa first love mo pa."
Sabi naman ni Galen.
Hindi naman kami makasagot ni Jaythan dahil iisipin nanaman ni Daemon na pakialamero kami."Kaylan mo makukuha yung bata?"
Tanong naman ni Daemon. Tinignan sya ni Zac saka sinipa ni Zac ang tuhod ni Daemon na napaatras naman.
"Hindi lang yun basta bata. Anak ko yun."
Masungit na sagot ni Zac saka nya inirapan si Daemon.
Si Vicku naman ay nakangiti lang habang pinanunuod ang mga kapatid nyang nag bubugbugan nanaman sa harapan nya."Teka, babae ba o lalaki yung baby?"
Tanong naman ni Jaythan dahil hindi nga pala namin natanong kay Loisa nung nakapag usap kami noon.
Ngayon ay masama ang loob ko sa kanya at ayoko syang makita."Lalaki."
Sagot ni Zac sa kanila.
"Ay bakla yun pag laki."
Pang aasar nanaman ni Daemon, napatayo naman si Zac saka sinuntok sa braso si Daemon.
"T*ngina mo ka! Tumahimik ka nalang pwede?!"
Galit na sabi ni Zac saka muling naupo sa tabi namin ni Jaythan.
Hindi naman kami nakatakas kay Vicku na agad nag tanong."May plano kayong manuod ng sine kahapon diba? Natuloy ba?"
Tanong ni Vicku sa amin.
Nag katinginan kami ni Jaythan saka kami sabay na umiling kay Vicku.
alam naman siguro nila kung bakit dahil kami ang nag kwento sa kanila tungkol sa mga nangyayari kay Zac nitong mga nakaraang araw pati na kagabi."Bakit di pa kayo pumunta ngayong araw? Tutal wala nanamang klase dahil may preperation para sa party this coming saturday."
Muntik ko ng makalimutan.
Wala pa pala akong susuotin at wala manlang akong naitabing pera para maipang bili o renta manlang ng damit.
Ayoko namang umasa sa kanila porke dito ako nakatira.Ngumiti lang ako kay Vicku at naunang tumayo si Jaythan at kinalabit ako para tumayo na.
Si Zac naman ay ngumiti lang sa amin habang paalis kami sa sofa."Mag aayos na kami. Salamat kuya~"
Sabi nalang ni Jaythan saka ako hinawakan sa braso at hinila palakad.
"Daming alam may pa kuya kuya pa."
Habol naman ni Daemon.
Tumingin sa kanya si Jaythan saka dumila.
Si Vicku talaga ang pinaka kuya ng lahat, tahimik lang, matalino, mattured at higit sa lahat laging nasusunod.
Wala talaga sila sa height kung sino ang dapat maging kuya at mag desisyon kundi sa kung gaano ka ka-kamattured.Lumakad kami sa hallway ni Jaythan papunta sa mga kwarto namin.
Nasa mainhall lang kami kanina at nakatambay sa sofa doon."Sa wakas nalaman na nila."
Nasabi nalang ni Jaythan saka nag unat habang nasa kalagitnaan kami ng hallway.
Napangiti nalang ako dahil sa wakas at hindi narin namin kaylangang itago pa sa kanila ang tungkol dito.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...