Simula noong gabi ng prom, palaging may sunflower sa upuan ko sa tuwing papasok ako sa umaga. Walang palya. Tatlong linggo na ang nakakalipas mula noong JS Prom, at hanggang ngayon ay hindi pa rin nauubusan ng bulaklak sa upuan ko. Hindi ko naman matukoy kung kanino ito nanggaling dahil walang kasamang sulat o clue man lang kung kanino ito nanggagaling. Pero sa tuwing makikita ko ito ay hindi na nawawala ang ngiti sa labi ko buong araw. Kung sino man ang nagbibigay nito, kapag nakilala ko na siya, papasalamatan ko talaga siya dahil napapasaya niya ako araw araw. Kahit na nagpapatong-patong na ang stress at pressure dahil sa nalalapit na final examinations at graduation ay napapawi ito kapag nakikita ko na ang sunflower at nailalagay ko siya sa vase sa kwarto ko.
Kinabukasan, sa unang pagkakataon ay may kasama nang sulat ang sunflower na iniwan sa upuan ko. Aamin na kaya siya kung sino siya? Matagal na rin akong nacu-curious kung sino siya dahil isa siya sa dahilan kung bakit nagiging excited ako na pumasok araw-araw, dahil alam ko na kahit na anong mangyari ay may magpapasaya sa akin sa araw na 'to.
Noong binuksan ko ang sulat ay agad kong hinanap ang pangalan niya o clue at ikinadismaya ko ng kaunti ito dahil wala pa rin ito. Gustong gusto ko pa naman siyang makilala. Pero muli na namang natunaw ang puso ko sa nabasa ko. Kung sino man siya, alam na alam niya kung paano ako papasayahin at kung paano ako pakikiligin sa mga simpleng bagay na ginagawa niya.
Special delivery for the most special woman I have met. You make my days brighter, and even these flowers cannot compare to the light that shines from you.
You're so precious and wonderful. I hope you never change that.
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall
RomanceAfter being heartbroken by her boyfriend, Benice struggles to move on. She finds herself building walls to protect her own heart from being broken again by loving someone who will definitely just tear her apart, once again. But will she learn to ope...