CHAPTER 27

80 13 0
                                    

A/N: pasensya na at hindi maayos ang pasok ng Junior Year. Wala kasi akong maisip. Wala na kong utak, kinain na ng mga zombies. Saka, wala na akong masyadong maalala sa mga nangyare. Alleh na-amnesia ako! Pasensya narin sa matagal na updates. May summer job eh! Salamat nalang ng marami….

Jebs POV

“tol, ayokong mawalay sayo!” lubos ang iyak ni Mo habang yakap yakap si Me-an na noon ay panay narin ang tulo ng mga luha.

“its not the end of time… magkikita parin naman tayo diba? Masakit pero, kailangan nating tanggapin ang katotohanan na may mawawala at may bagong darating. Pare, mahal kita, ayoko rin namang mawalay sayo eh! Sa inyo ni Jeb.” Tulo sipong sabi ni Me-an.

“bakit kasi hindi ninyo ginalingan. Dih sana, sama-sama parin tayo ngayon. kayo naman kasi! ang bobobo ninyo! Hindi kayo marunong kumopya sa iba. Hindi sana mangyayari satin to. Im so depressed right now. I cant take it anymore!” drama naman nitong Mo na to! Aba’t sinisi pa talaga kami sa nangyari? Palibhasa long necked siya kaya medaling makakopya. Eh kami kaya, pinaghihirapan din namin ang lahat ng nakukuha namin sa exams at quizzes no!

“ so is this goodbye?”

“ I know we will see each other soon. Farewell my friends. I will miss you.” Isang matinding yakapan ang nangyare sa aming tatlo. Wala nang pakialam kung anong sabihin pa ng ibang mga estujante sa ginagawa namin. Kahit masyado na itong kabadingan.

Nang kaming pumasok na sa aming bagong room, napasulyap ako kay Mo. Aba! Etong ulul na to! Kanina lang umiiyak, ngayon tuwang tuwa nang kausapa ang mga dati naming kaklase! Walang hiya! Akala ko pa naman totoo ang iyak niya! Kainis!

Pagpasok ko palang, tinginan na ang mga bago naming mga classmates. Hay, dito na naman mauuso ang salitang adjustment para saming dalawa ni Me-an. Isama na jan sila Strawberry, Marjorie, Leonaly, Theresa at Rheyca Halos lahat kami na nasa last row nung 2nd year, nademote! Hirap kasi talaga ng walang source. Kaya kami kami nalang yung nagkokopyahan kahit hindi naman sure kung tama yung mga pinagkokopyahan namin. Buit pa si Mo, mga matatalino yung katabi sa harap. Kaya DOS parin siya!

Kailangan nang mag-move on. Wala namang mangingibang bansa sa amin. Kung makapagdrama naman kanina eh, kala mo may mamamatay na! getting to know each other na sa bago kong section…. Ang section three…

Michie’s POV

Wui! Eto ata una kong POV dito ah! BFF kasi nge! Ang tagal akong ilagay. After two years of waiting, ako naman na ngayon ang eeksena. Pakihabaan naman BFF. Para sulit ang exposure. Lagot ka sakin kapag maikli lang…

Junior Year na! yea! Ano naman kayang mangyayari ngayong taong to! Hmm, ilang mga bagong classmates na naman ang pumasok. Yun na nga yung tatlong transferee. Tapos yung mga na-promote naman sa section namin at yung mga nademote sa section one at napunta sa section namin. Madami ding nalagas sa dating DOS. kabilang na dun yung mga barkada ni Mo. Kanina lang nakita ko silang nag-iiyakan nila Jeb at Me-an. Pero matapos umalis nila Me-an, agad nang naging maganda ang mood nito na para bang walang nangyaring iyakan. May topak nga talaga!

Alam ko na kung san ako uupo. Kaya dati na akong nagpunta sa pinakaunang upuan sa harapan. Tumabi naman si Mo sakin. suot parin yung color blue na emo bag niya na halata namang walang laman dahil magaan siyang tignan.

“huy! Ayos ka lang?” nagtanong na ako. Alam kong siya na yung magiging katabi ko dahil magkasunod lang naman kami ng apilido. Kailangang maging close na kami. mukang may utak din naman kasi tong abnormal na to. Hindi hga lang halata!

Ang Istorya ng DOS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon