Chapter Fourteen

1.8K 368 3
                                    

Magulo at makalat ang bahay ni Mark ng datnan iyon ni Elaine. At nang hanapin niya ito'y nadatnan niyang nakahiga na naman ito habang nanonood ng TV gaya ng huli niya itong bisitahin.

"Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo ng ganyan. " Ani Elaine sa nakahilatang si Mark.

"Elaine I am fine." Mahinang sabi nito sa kanya.

"Give me a break, tingnan mo nga 'yung hitsura mo, bagsak na bagsak na yung katawan mo."

"You know what, I am trying to be alright, pero hindi ko yata kaya." Pagtatapat ni Mark.

"Then try again. Kailangang huwag mong tigilang subukan, dahil kung hindi, mahihirapan kang mag move-on."

"I think, moving on is really hard for me. Totoo nga, mahirap nga talagang pakawalan ang isang bagay na mahalaga sa'yo. Elaine, kung maipaparamdam ko lang sa'yo kung gaano siya kahalaga sa'kin.."

"Hindi na kailanagan, alam ko na. Kitang-kita ko sa mga mata mo kung gaano mo siya kamahal. Pero, sana maintindihan mo rin yung reason niya kung bakit niya ginawa sa'yo 'to."

"Naiintindihan ko naman. Ganoon nga talaga ang buhay, kung hindi para sa'yo, hindi talaga ibibigay sa'yo." Napabuntong hiningang sabi ni Mark. "Pero, bakit ipinaramdam pa sa 'kin ng Diyos 'yung saya ng umibig, pero sa bandang huli, babawiin Niya rin pala.

"You know God has a plan for everybody. And be thankful, at least you experienced the joy of loving someone."

"Thoug she never return the love back...?" mahina at nangiting sabi ni Mark. "But I admit, I am still hoping na babalik siya, and we'd be together, maybe not now, maybe someday. In God's time." Pagtatapat ni Mark na patuloy pa ring umaasa na babalik si Anna at makaksama niyang muli.

"Yeah, in God's time. Kaya cheer up. Lumabas ka, get back with your life. Marami pang magagandang bagay na naghihintay sa'yo. Hindi lang si Anna ang kaligayahan mo sa buhay. Isipin mo, may magulang at mga kapatid ka pang nagmamahal sa'yo. Ipakita mo sa kanilang kaya mong harapin ito."

"Nagkakamali ka Elaine, si Anna lang ang kaligayahan ko."

Matapos ang kanilang usapan ay parang nakaramdam ng awa si Elaine sa kaibigang si Mark. Hindi rin niya masisi ito masisi kung bakit nagkakaganito ito. Ang tanging kasalanan lang naman kasi nito sa pagkakaalam niya ay ang umibig ng lubusan kay Anna.

Maganda ang gising ni Anna nang Linggong iyon dahil na rin sa napakasayang pangyayari kahapon. Si Elaine, iyon ang unang pumasok sa kanyang isipan. Gusto niyang malaman kung ano na ang nangyayari sa kanila, at iyon nga ang kanyang ginawa. At ikinuwento naman ni Elaine ang nangyayari sa pamilya, na halos itakwil siya ng kanyang ama, at ang paga-aalala ng kanyang mga kapatid gayun din ang mga sinabi ni Mark tungkol sa kanya kagabi.

Nang ibaba ni Anna ang telepono ay nakaramdam siya ng lungkot Hindi niya akalaing kaya siyang tikisin ng kanyang ama. Gaano man ang tapang niya na labanan ang problema, hindi niya pa rin napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Upang saglit na malimutan ang problema, naisip niyang puntahan si Adrian sa simbahan, ang lalaking nagpapasaya sa kanya sa mga ganitong panahon.

"Aba iha, hindi kita nakita sa simbahan kanina, may dinaramdam ka ba?" tanong ni Padre Gabriel sa kaniya ng makitang papalapit ito sa kanya.

"Wala po," ani Anna, na noon lamang naisip na nakalimutan pa la niyang magsimba. "Naisip ko pong misa na lang sa hapon ang aking dadaluhan." Pagtatakip niya.

"Ang mga kabataan nga naman ngayon, mas inuuna pa ang ibang bagay kaysa sa pagsisimba." Mahinahon ngunit malamang sabi ni Padre Gabriel. "Sino nga ba ang sadya mo rito, Si Adrian ba?

"Opo." Mahina niyang sagot.

"Kung siya, ay naku, kaaalis lang, pupuntahan daw ang kaibigan niya galling Maynila at inutusan ko na ring puntahan niya iyong kapatid ko malapit rin lang naman sa pupuntahan niya, diyan lamang naman iyon sa kabilang bayan." Ani Padre Gabriel.

"Ganoon po ba."

"Ganoon nga, mabuti'y bumalik ka na lamang." Payo ng pari

"Sige po," ani Anna at nagpaalam na ito sa pari.

Gaya ng ipinangako kay Padre Gabriel, dinaluhan ni Anna ang panghapong misa. Iniligid niya ang mga mata upang hanapin si Adrian, ngunit indi niya ito makita doon. Sa isip-isip niya, marahil ay hindi pa ito dumarating. Ngunit hindi pa rin siya mapalagay, kaya ng matapos ang misa'y nilapitan niya si Padre Gabriel upang tanungin.

"Naku iha, hindi pa dumarating, nawili yata sa pakikipaglaro sa pamangkin kong bata." Ani Padre Gabriel.

"Sige po, sakali pong dumating na siya pakisabi pong hinahanap ko siya." Malungkot na sabi ni Anna.

Tumango ang pari at ngumiti. "sige iha, sakaling dumating siya, ipapaalam ko na hinahanap mo siya."

Hindi pa nais ni Anna na umuwi ng bahay kaya naisipan niyang pumunta muna sa may parke di kalayuan sa may simbahan. Doon, nais muna niyang tanawin ang mga usbong ng nagagandahang bulaklak at kalimutan pansamantala ang problema. Doon, pinagmasdan niya ang mga batang masayang naglalaro. Hindi niya namalayan ang pagtakbo ng oras.

Nasa magandang konsentrasyon si Anna ng maramdaman niya ang patak ng tubig sa kanyang kamay. Tumingin siya sa itaas at nakita ang makulimlim na kalangitan. Alam niya, ilang minuto pa ay darating na ang malakas na ulan. At hindi nga siya nagkamali. Naisipan niyang sumilong sa isang cottage na naroon.

"Anna!" sigaw ng isang lalaki sa kanyang bandang likuran

Lumingap si Anna, at hinanap ang lalaking tumawag sa kaniya. Nakita niya ang isang lalaking nakatayo sa kabilang cottage hindi kalayuan sa kanya. Inaninag niya ito. Pamilyar ang mukha nito sa kanya. Ilang minuto pa'y nakita niya itong papalapit sa kaniya, kasama ang isang lalaki at isang babae.

"Natatandaan mo pa ba ako?" ani ng lalaki.

"Oo, ikaw si....." ani Anna na nakalimutan ang pangalan ng lalaki sa kanyang harapan.

"Paul, Paul Torres," pagpapakilala nito. "Ako iyong sa simbahan, noong kasal."

"Ah, oo." Naalala ni Anna. "Kamusta na? Ano? Kakanta na ba ako sa kasal mo?" pagpapa-alala niya.

"Hindi pa nga, eh." Ani Paul. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito, mag-isa ka lang ba?" pag-uusisa nito.

"Wala, lumalanghap lang ng sariwang hangin, tiyaka nagmumuni-muni," ani Anna. "Ikaw anong ginagawa mo rito?"

"Ah, galing ako doon sa golf course. Nag golf kami ng barkada. By the way this is Gladys and Andrew." Pagpapakilala niya sa kasama.

"Anna." Pagpapakilala niya sa sarili sa mga kasama ni Paul. "So naggo-golf ka pala?" sabi ni Anna.

"Pampalipas oras lang, wala kasi akong magawa sa bahay kapag ganitong Sunday. By the way, tutal eh mag-isa ka lang naman, at mukhang wala ka namang gagawin, would you like to join us, we're going to the bar. Birthday kasi nitong si Andrew."

"Actually kahapon pa, ngayon lang namin ice-celebrate. Ani Paul.

"Really, birthday ko rin kahapon." Pagtatapat ni Anna.

"Well, happy birthday to both of you." Ani Paul.

"No kidding, tingnan mo nga naman oh. why don't you join us. Para each of us have partners." Ani Andrew.

"Sorry, but I can't." tanggi ni Anna sa alok na sumama siya.

"Sige na, Anna. Ikaw naman, hindi naman kami masamang tao." Ani Gladys.

"Please." Ani Paul, habang nakangusot ang mukha nito na waring nagmamakaawa.

Ayaw mang sumama ni Anna, ngunit dahil sa nahihiya siya kay Paul at sa mga kasama nito, at kailangan niya rin naman ng kausap, napilitan na rin siyang sumama. Isa pa, totoo namang mga hindi mukhang nakakatakot ang mga ito, ang totoo nga ay may ipagmamalki si Paul, mula sa hitsura hanggang sa kakisigan.

A Summer To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon