August pa lang Crush ko na siya.
Hindi ko nga alam kung bakit ko naging Crush yon.
Ni hindi niya nga ko kilala e. Iba kasi yung dating niya.
Misteryoso.
Tahimik.
Basta.
Pano kaya yun magkakaCrush sakin? Hahay. :( Pero okay lang kahit hindi na.
GaGraduate na naman kami e.
Pero teka lang parang ewan lang. Kwento ko ng kwento hindi niyo pa ko kilala.
:3 Any, ako nga pala si Venice, Ven na lang para mas madali. ^_^
" Ven! Yung Crush mo nanjan na! " Aba naman 'tong si Krystle makasigaw
wagas.
" Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig e. >.< " Ako.
" Wala naman! Neng malapit na Valentines ah. Ilang araw na lang! " Makahiyaw
e. Sakit sa tenga e. :3
" Alam ko! Wag kang sumiyaw. Hindi malayo kausap mo. " Sabi ko nga. Yamot e.
Lakas ng boses. >.<
"Sorry! ^_^V " Si Krystle sabay Peace Sign.
Hay. Oo nga no? Malapit na nga. Tapos malapit na malapit na din yung
Graduation. Pero bakit walang nanliligaw sakin? Panget ba ko? Buti pa si
Krystle may Harry na nga. May nanliligaw pa rin. Pero sakin NGANGA, Zero,
Nada! Hahay. :(
——————-
Feb. 14 ( Valentines Day )
" Krystle ang aga mo ata? Himala! " Pano ba naman ngayon lang pumasok ng
maaga yan. Laging late pumasok.
" Ano ka ba! Valentines Day e. ^O^ " Krystle.
" Ang sabihin mo may date lang kayo ngayon ni Harry kaya maaga kang
pumasok. Excited much e. :3 " Ako.
" Syempre! Ayokong maghintay ang Harry ko! Aray! " Binato ko nga. Talanding
bata. HAHAHA.
" Good Morning Class! " Ayan na pala si Ma'am.
Lecture .... Lecture...
Quiz... Quiz...
Aral... Aral....
Kring!! Kring!!!
Hiyes! Recess na!
" Ven. Mauna na ko ha? Nag-aantay na sa labas si Harry. " Krystle.
" Sige. Ingat kayo! Kwetuhan mo ko pagkatapos ha? " Ako.
" Sige sige. " Si Krystle sabay labas.
Yung babaeng yon. Kainggit e. Buti pa LoveLife nun! Samantalng LoveLife ko
TIGANG. Makapagbasa na nga lang.
Basa... Basa...
" Kyahh!! "
" Emergerd! "
Anong meron bat nag-iiritan mga Classmates ko? Tsk. Bahala sila. Basta ko
magbabasa na lang.
Basa... Bas...
" Hi. " May tumabi saking lalaki.
" Kyaahhh! "
" Hello. " Sagot ko walang tingin-tingin. Kung sino man yon. Tuloy pa rin ako sa
pagbabasa. Aba! E nasa part na ko na nagkakaaminan na yung dalawang bida.
" Hindi ka ba titingin muna. " Lalaki.
" Aba! Nagbabasa ko dito e. Teka lang! B-bakit mo kinu... " Pagtingin ko. O.o S-
si Mateo p-pala!
" M-mateo? Bakit ka n-nandito? A-anong ginagawa mo dito? " Hala! Bakit ako
nagStammer? ^O^
" Happy Valentines! " Mateo. Tapos binalik niysa sakin yung Book. Inabuta niya
rin ako ng Chocolates at Teddy Bear.
" H-happy Valentines din! " Sabay kuha ko ng book, Chocolates at Teddy Bear.
" Para saan 'to? " Tanong ko. Teka? Bakit ako kinakabahan? :O
" Alam ko na. Alam ko ng may gusto ka sakin. Sinabi sakin ni Renz last last week.
Narinig niya kasi kayong nag-uusap ni Krystle about sa Crush mo. Tapos
nalaman niya na ako pala yon. " N-narinig ni Renz?? Teka. Bakit wala akong
matandaan? OMG! Oo nga. Takte! Ang ingay kasi ni Krystle. Waaaaa.
" Nung sinabi sakin ni Renz yon dun na ko nagkaroon ng lakas ng loob para
puntahan ka ngayon. Gusto kita. I mean m-mahal pala kita noon pa. Natatakot
lang akong magsabi kasi baka magalit ka. Grade 6 pa lang minahal na kita gawa
nung pinagtanggol mo ko sa mga bully noon. " Mateo.
Ah. D-dati niya pa kong mahal? Nung Grade 6 palang? So matagal na niya kong
mahal? Anong pinagtanggol sa bully? AHHH! Oo nga. Tanda ko na! Yun yung
time na inutusan ako ng Teacher namin. Tapos nakita ko siyang binubully.
" Pwede ba kitang ligawan? Ay mali pala! Baguhin ko. P-pwede mo bang
suklian yung pagmamahal ko na yon? "
Hala! Bakit siya lumuhod?
" Kyaahh. "
" Oo na kasi! "
" Yes na yan Dear! "
Kantyawan ng mga Classmates ko.
" Tumayo ka na jan. Kakakahiya e. *^_^* Oo na. " Sabi ko.
" Hindi ako tatayo. Hindi ko marinig e. :3 " Aba't ngumuso pa. >.<
" OO NA NGA! Ayan okay na? " Sabi ko. Huwaaa. Ang init ng pisngi ko! *^_^*
" YES! " Sabay talon ni Mateo.
" I Love You Venice! " Mateo.
" I Love You Too Mateo! " Ako.
Sabay kiss niya sa Cheeks ko. Kyaaaaaah...
~The End~
——————————————————————-