“Matagal ka pa ba diyan Marco?”
“Saglit na lang ‘to. Minsan lang to mangyayari kaya dapat gwapo ako.”“Ikaw pa ngayon nagpapahintay sakin. Lagi ka namang gwapo.”“Patience, Anthony. Syempre dapat gwapo ako for you.”
Nilapitan ako ni Anthony at niyakap. “Ok na nga. Tayo na, naghihintay na sila sa labas.”
Five years ago…
“May ginagawa ka?” Tumawag sakin si Anthony. Mukhang may problema na naman ‘tong lokong ‘to.“Saan?”“Dun sa dati.”
High school pa lang, magkaibigan na kami ni Anthony. Classmates kami simula first year. Dati ay marami kami sa barkada pero mula ng pareho kami ng pinasukang school sa college, mas naging close kami. Ngayon ngang second year college students na kami, lalo pa tumibay at mas lumalim pagsasamahan namin. Usually pag tumatawag yan sa disoras ng gabi at gusto makipagkita, may problema yan. Sanay na kong bigla na lang siyang tatawag at mapipilitan naman akong iwan kung anuman ang ginagawa ko at puntahan siya.
“Ano problema?” Pagdating ko sa lugar kung saan kami madalas magkita, nandun na si Anthony, nakasandal sa puno.“Nakipagbreak siya sa akin,” mahinang tugon ni Anthony.“Sino?”“Sino pa ba? Para namang ang dami kong girlfriend. Marco naman eh. Inaasar mo pa ko,” mangiyak-ngiyak na sagot ni Anthony.Inakbayan ko siya at tinapik ang balikat niya. “Ito naman, pinapatawa lang kita. Ikukwento mo ba?”“Masyado daw akong maloko. Parang hindi ko daw kaya magbago para sa kanya. Feeling niya hindi ako nag-aaral ng mabuti at walang plano sa buhay.”“Pinaliwanag mo ba side mo?”“Para saan pa? Eh ayun na ang tingin niya sa akin. Ang nakakainis lang, nakilala na niya akong ganito tapos ngayon bigla siyang magrereklamo.”“Pano yan? Hindi ka na makikipagbalikan?”“Alam mo namang hindi ako nakikipagbalikan kapag alam kong wala naman akong ginagawang masama.”Hindi na ko sumagot pa at tumabi na lamang sa kanya. Humiga siya sa balikat ko at nagsalita ng marahan. “Mukhang ikaw na naman ang mag-aalaga at magtitiyaga sa ‘kin. Unless hanapan mo agda ako ng bagong girlfriend.” Medyo ngumiti siya habang nagsasalita.“May choice pa ba ko?”“Eh kung tayo na lang kaya?” Tumayo si Anthony mula sa pagkakahiga niya sa balikat ko at humarap sa akin.“Gago ka, sinabi nang wag kang magloloko ng ganyan eh. Papatulan kita.” Naiinis kong sabi sabay palo sa braso niya.“Joke lang. Hoy ikaw Marco, subukan mo kong iwan, ipagkakalat ko sa campus na bading ka.”“As if naman hindi pa nila lahat alam. Kulang na nga lang sumali ako ng beauty contest para may proof na bading ako,” natatawa kong sabi.“Pag sumali ka dun, promise ako escort mo kahit ano mangyari.”“Natouch naman daw ako dun. Ano malungkot ka pa ba?”“Syempre naman. Pero ayoko ng magdwell dun. Dito tayo matulog,” sabi ni Anthony sabay higa sa damuhan.“Baliw ka ba? Gusto mong mamatay tayo sa kagat ng lamok?”“Syempre prepared ako. May dala akong kumot at Off.”“Prepared ka nga. Eh hello may pasok ako bukas. Tsaka may tinatapos akong paper kanina nang bigla mo kong pinapunta dito.”“Sa inyo na lang kaya ako matulog? Wala naman akong pasok bukas eh. Buong araw lang ako hihiga sa kama mo.”“Bahala ka.”
Sumakay na kami sa kotse ko para bumalik sa bahay. Nag drive-thru muna kami sa Jollibee dahil hindi pa pala siya kumakain ng dinner.Pagdating namin sa bahay ay pumasok na agad si Anthony sa loob. Nadatnan niya doon si Mama na nanood ng TV. Hinalikan niya si Mama sa pisngi at umupo sa tabi nito at nanood din ng TV. Ganyan na kaclose si Anthony at si Mama. High school pa lang kasi madalas na siya dito sa bahay. Parang anak na ang turing ni Mama kay Anthony.
“Mama, dito daw matutulog si Anthony,” sabi ko kay Mama matapos ko siyang halikan sa pisngi.“Oh ok sige. Ayusin ko ba yung guest room?”“Ay hindi na po Tita. Dun na lang ako sa room ni Marco matutulog,” sagot ni Anthony.“Sige ikaw bahala.”
Umakyat na kami ni Athony sa kwarto ko. Umupo siya sa computer chair ko at binuksan ang laptop ko. Dumiretso naman ako sa closet at kumuha ng pamalit kong damit. Kinuhanan ko na din ng damit si Anthony at ibinato ito sa kanya.Nagpalit na ko ng damit sa kwarto. Nagpalit na rin ng damit si Anthony. Gwapong gwapo ako dito kay Anthony. Sobrang amo ng mukha nya at ang pupungay ng mata. Medyo payat lang siya pero hindi namna pangit tingnan. Kung hindi ko lang talaga ‘to kaibigan matagal ko na ‘tong pinatulan.