Nagulat ako ng may ipinasok sa tent si Stacey na isang box na puro lupa. Nagulat ako ng nakita ko ang box na ibinaon ko sa lupa dati.
"Ano yan?" Alam ko naman na box yan ng mga memories namin pero kailangan ko malaman muoa kay stacey kung galing nga doon.
"Nagsimula na kasing mag hukay ng lupa, kaso nakita ito, bubuksan sana namin kaso may lock." Nanlaki ang mata ko dahil tama nga ang hinala ko.
"Pwedeng akin nalang yan?" Nagtaka naman saakin si stacey, kung bakit ko hinihingi ang isang box na ito.
"At bakit naman? Nakakaloka ka ngayon ko lang nalaman na may mga interes ka pala sa mga gantong bagay"binigay naman niya ang box saakin. Dali dali kong nilagay sa sasakyan ang box tyaka bumalik sa tent. Balak ko sana na pagkatapos ko sa project ko kay Gab ay mag papahinga muna ako ng mga ilang buwan. Gusto ko rin kasi mag bonding kami nila mommy. Ipapaalam ko nalang sa company niyan pag okay na ang lahat.
Napatingin naman ako kila Sam at Axell na nagkukulitan sa gilid. Naguguluhan na ako, hindi ko alam kung saan ako mananatili. Bumalik ang isip ko sa realidad ng may tumawag kay Axell kaya naman sinagot niya ito, hindi naman siya lumayo at naririnig ko ang usapan nila ni Monica.
"ANO?! SAANG HOSPITAL?!"agad naman akong napatingin sakanya. Binaba naman niya ang tawag.
Nagtanong naman si Sam.
"Ano pong nangyare? Tito Axell?" Tumingin naman si Axell saakin at kay Sam.
"Dinala sa Hospital si Keoh" napatingin agad ako kay axell dahil sa sinabi niya. Hindi ko maiwasan na tumingin sakanya. Tumakbo siya agad papunta sa sasakyan niya at umalis. Pumunta naman sila Stacey at Ang daddy niya saakin para magtanong.
"Anong nangyari?" Tanong ni Stacey at ang Daddy niya.
"Dinala yung anak niya sa hospital, hindi na siya nakapag paalam dahil sobra siyang nag aalala" sabi ko habang inaayos ko na rin ang gamit ko at nag paalam dahil hindi na rin ako mag stay dito nabigay ko na ang mga designs ko. Nagutom nanaman si Sam kaya pinakain ko muna siya sa bahay, nilaro naman siya ng mga tito niya, habang ako nag iisip kung ano na nangyari sa bata. Isa lang matatanungan ko sa ngayon. Tinignan ko ang mga contact ko, at hinanap sng pangalan ni ate Cath. Nag dadalawang isip ako kung tatawagan ko ba o hindi pero sa huli ay tinawagan ko na siya.
"Hi Ivy, Napatawag ka?" Hindi pa niya binubura ang number ko sa Cellphone ko? Kaya hindi ako matawagan ni Axell dati dahil binlock ko siya sa contact ko.
"Hello Ate, Pwedeng magtanong? Saang hospital dinala si Keoh?"
"Ay text ko nalang sayo, pupunta rin ako e. Sa tingin ko kailangan ng dugo ni keoh eh, kamusta kana. I hope okay kana." Okay naman na ako dati pa.
"Sige po, Thank you" binaba ko na ang tawag, dahil ayoko na makausap pa siya ng matagal. Nahihiya at Naiilang ako na nakakausao ko siya dito sa phone, paano pa kaya pag personal na.
Bumaba na ako sa kwarto ay nakita ko naman ang mga kupals, na text ko na rin si Alex na samahan kami pumunta sa Hospital dahil siya rin naman ang guro kaya pupunta rin siya. Nagbibihis pa lang naman siya.
"Ang lalim naman ng iniisip mo?"napatingin ako kay kuya Justin umiinom ng kape kasama si kuya Ice.
"Baka naman si Ex niya ang iniisip niya?" Nakakalokong ngiti ang pinapakita ng dalawa.
"Alam niyo? Pabibo kayo, as if naman na isipin ko yun" nag roll eyes naman ako at tyaka sila tumawa. Lumabas ako ng bahay nakita ko naman si Kuya Ricky,Von,Math na nakikipag habulan kay Sam.
"Pag yan, Inubo mamayang gabi, lagot kayo sakin." Sabi ko kaya naman napatingin sila saakin.
"Nagtatakbuhan lang, ubo agad?" Pambabara saakin ni Kuya Math.
"Hahaha ganun talaga, Halika kana Sam mag bihis kana Aalis ulit tayo" lumiwanag naman ang mukha ni Sam sa sinabi ko kaya naman lumapit agad siya saakin.
Pagkabihis ni Sam ay inipitan ko ang mahaba at malambot niyang buhok, Sakto naman na dumating si Alex. Sinabi ko naman na siya na mag drive para mapabilis. Sanay naman na si Sam sa mabibilis na sasakyan. Mabilis pa naman mag maneho si Alex. Sumakay naman kami ni Sam,Tinanong pa ni sam kung pupuntahan namin si keoh kaya umoo nalang ako. Hindi naman nagtagal ay nakita naman namin si ate cath sa labas ng hospital at may dalang pagkain. Samantalang kami ay prutas naman. Pumasok kami sa kwarto kung saan makikita namin si keoh na nanghihina. Nakita ko naman si Monica na umiiyak samantalang si Axell ay kalmado na. Pinaupo naman kami ni ate Cath sa sofa.
"Hi Sammy" nanghihina na sabi ni Keoh.
"Kewy, Kamusta kana? Pagaling ka ha. Para laro ulit tayo" sabi ni Sam kay keoh. Naputol ang pag uusap nila ng pumasok ang nurse at ang doctor.
"Good day Mr.&Mrs. Vasquez, Hindi ko na po papatagalin ang usapan. At kaialngan na maagapan ang sakit ng bata. May anemia po ang bata" nagulat kami sa sinabi ng doctor. "Sa ngayon po kailangan ng bata ng dugo"tuloy ng doctor. Nagprisinta agad si Axell na kuhanan soya ng dugo kaso ayaw payagan ni Monica si Axell na kuhanan ng dugo. Bumulong namang si alex saakin.
"Ay taray ayaw matusukan ng karayom ang asaw niya"sinamaan ko ng tingin si Alex dahil nagjojoke pa sa kalagitnaan ng seryosong problema. Tinakpan naman niya ang bibig niya, sa totoo lang hindi mukhang teacher si alex sa sobrang pag ka isip bata minsan.
"Bakit ba ayaw mo?!" Napasigaw na si Axell sa sobrang inis niya pano naman kasi kailangan na ng dugo ng bata pero nakikipag bawalan pa si Monica.
"Huwag na, ako nalang kukuhanan ng dugo! Basta dito ka nalang" pagpigil ni monica.
"ANO BA?! TATAY AKO! KAILANGAN AKO NG ANAK KO! WALA AKONG PANAHON MAKIPAG AWAY SAYO" umalis na si Axell at sumunod siya sa nurse. Naiwan naman kami nila ate Cath,Alex,Sam at Monica dito para bantayan si Keoh pero itong si monica hindi mapakali.
May tinatago ba siya? At sobra siyang kinakabahan ngayon? Ano kaya ang tumatakbo sa isip niya??