Intro.
Napaka saya ko ngayon. Araw ko to kaya ayoko maging malungkot. Pinipilit kong wag muna isipin ang kung ano ano.
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa upuan ng reyna. Hindi ko alam tawag kaya ayan nalang naisipan kong itawag. Napaka ganda kasi niya may mga makikinang na nakapaligid dito sa upuan na to. Special na upuan kasi dito naupo ang may mga birthday.
"Ma na c-cr ako." Pag papaalam ko kay mama.
"Magpasama ka kay yaya." Itinuro niya si yaya at saktong napalingon sa amin si yaya medyo malayo siya kaya nagtataka siya kung bakit tinuro siya ni mama.
"Hindi na ma. Diyan lang naman yung cr"
Naglakad na ako papuntang cr. Kaya ko naman sarili ko. At tsaka hindi talaga ako sanay na may yaya.
Papasok palang ako ng cr pero biglang may kumalabit saken na medyo kinagulat ko.
Naka masquerade mask siya at halatang lalake to dahil sa suot niyang toxido.
"Enjoy your day, Ligaya"
Parang pamilyar yung boses niya eh. Kaso medyo paos siya. Pero parang naririnig ko yang boses na yan.
Nagulat ako ng ilapit niya ang mukha niya saken at hinalikan ang noo ko.
Sa sobrang gulat ko hindi ko alam ang gagawin.
Kung gaano kalakas yung sounds sa paligid namin ganon rin kalakas ang pagtibok ng puso ko. Mas malakas pa yata.
DUG-DUG-DUG-DUG-DUG.
"Sino ka ba?"
Hindi niya yata maintindihan ang sinasabi ko dahil sa malakas na tugtug.
Kinuha niya ang palad ko at may inilagay siyang kulay blue na kahon dito.
Ano to?
Mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo hahabulin ko sana siya pero bigla nalang siya nawala na parang bula at biglang dumating si yaya.
May mga taong bigla bigla nalang nadating sa buhay mo. Sa hindi inaasahan na oras at panahon. Pero minsan naisip mo ba na tama bang dumating sila sa buhay mo o sadyang pinapaasa ka lang talaga ng tadhana. Yung papasayahin ka lang ng sandali sabay mawawala nalang bigla.
———————————
