Maling akala, Hindi na tama

12 2 0
                                    

Mahal bakit minsan hindi kita maintindihan?
Minsan masaya minsan nagbabangayan,
Nagbabangayan dahil sa 'di alam na dahilan,
Mahal bakit naman ganyan,
Nagpapaliwanag ngunit ayaw pakinggan,
Tapos, Tapos magagalit ka sa sarili mong katwiran,
Sa dahilan mong ginagawa kasi ayaw mo'ko pakinggan.

Sinasabi mo hindi ka galit,
Ngunit nakikipag-usap ka sa akin ng puno ng pait,
Sinasabi mo ayos lang ang lahat,
Pero pagtrato mo sa akin na mali, hindi dapat.

Mahal bakit ganon?
Bakit kung kailan maayos na tayo tsaka magbabago,
Ano ba ang mali ko?
Ipinaliwanag ko naman ngunit anong ginawa mo?

Ganyan ba ginagawa mo sa t'wing maayos tayo?
Diba hindi? Kaya paano mo nasabi na maayos tayo?
Bago mo sana sinabi ang salitang MAAYOS,
Sinigurado mo muna sana ito sa iyong sarili na kung maayos nga ba tayo.

Ayoko sa lahat yung pinagmumukha akong tanga,
Pumayag na ako pero tinaboy mo pa,
Tapos sasabihin mo na wala akong gana?
Sino ba naman ang hindi mawawalan ng gana kung papunta na nga tinaboy mo pa.

Hindi ako produkto sa supermarket,
Na iiwan mo nalang kapag kulang sa budget,
Hindi ako yung tipong bahala na may susunod pa naman,
Dahil sa bawat pagsambit mo ng susunod nalang,
Ay baka hindi tayo magkita,
Sa susunod nalang.

Hindi ko alam kung sino ang tama,
Ginawa ko lang ang alam kong nararapat,
Nararapat gawin sa sitwasyon na hindi tama,
Hindi tama dahil sa iyong maling akala.

Kaya mahal, sana 'wag mong masamain,
Huwag mong masamain ang isinulat ng aking damdamin,
Isinulat ko ito dahil ayoko ng away at hindi iyon nararapat,
Hindi nararapat dahil makakasira iyon sa pagmamahalan natin na tapat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maling akala,Hindi na tamaWhere stories live. Discover now