CHAPTER TWO

25.7K 762 26
                                    

"Leigh, si Ysay?" tanong ko agad nang makitang bakante ang upuan niya.

"Hindi ko alam. Baka nandoon sa upisina ni Boss. Bakit ba?"

"Pinapatawag nga siya ni Boss, e. Lagot na naman ang babaeng iyon kapag naunahan siya ni Evil Twin," sagot kong pailing-iling.

"Baka hinatinggabi na naman sa tinutyuturan niyang Krungkrung. Susko, dapat na niyang idispatsa iyon. Napapahamak siya lagi," sabi naman ni Leigh. Nagligpit na ito ng mga papeles sa mesa at nilagay sa iilang folders. Mayamaya'y tumayo na rin ito at umalis na. Bababa raw ito saglit sa second floor kung saan ang copier.

Prente akong humihigop-higop ng kape nang biglang may marinig na papalapit na tunog ng parang nagdadabog na tao. Dali-dali kong pinatong sa coaster ang mug at nagbisi-bisihan. Kunwari'y subsob ako sa trabaho. Hindi ko na kailangan pang mag-angat ng tingin para malaman kung sino ang dumaan.

"Ano ba'ng natapos mo, ha?" narinig ko kasing sita ng mabagsik na boses sa kasama. Hindi na ako nakatiis. Nag-angat ako ng ulo. Saktong lumampas na sila sa working area namin. At nakita kong parang basang sisiw na bumubuntot kay Evil Twin si Mina. Mukhang sumisinok-sinok ito. No'n naman dumating si Ysay. Dahan-dahan itong pumasok sa working area namin. Ingat na ingat na hindi makagawa ng ingay ang sapatos niya dahil hindi pa nakakapasok ng office niya ang bruha.

"Ba't ngayon ka lang?" anas ko sa kanya.

"Na-traffic, e. Tsaka ang haba ng pila sa biometric station. Ang dami ring late."

"Puntahan mo na agad si Boss. Kanina ka pa pinapatawag."

"Bakit daw?" tanong naman niya habang nagsusuklay-suklay ng buhok.

Hindi na ako sumagot. Sa halip ay pinagulong ko na ang rollers ng upuan pabalik sa desk ko. Nag-about face kasi ang reyna at ang talim ng tingin sa area namin. Pasimple kong nilingon si Ysay. Nakasubsob na rin ito kunwari sa trabaho. Nakita kaya kami ng bruha na naghuntahan saglit? Nakupo, lagot if ever! Kasama pa naman niya ang kanang kamay niya sa kamalditahan. Baka lalo kaming idiin.

Hindi na ako halos humihinga nang bumalik si Evil Twin. Kabuntot pa rin niya ang namumula ang matang si Mina. Lalong bumagsik ang mukha ng bruha nang tumingin sa amin ni Ysay.

"Oh, Leigh!" sabi nito. Pagsulyap ko sa bandang kanan, nakita kong humahangos ding dumating si Leigh. Inabot nito sa reyna ang mga dala-dala. "Ano? Ako pa ang pagdadalhin mo niyan sa upisina ko?"

"Ay! Ano po kasi, ma'am, I mean Architect Ramirez. Pinapakita ko lang po sa inyo na tapos na po ang inuutos n'yo sa akin. Sige po at dadalhin ko na ito sa office n'yo." At dali-dali nang tumalikod si Leigh papunta sa upisina ng bruha.

"Sandali lang," pigil nito kay Leigh. "Pagkalapag mo niyan sa table ko, pakisamahan itong engot na ito sa storeroom at pakituruan kung paano maghanap ng files do'n. Napaka-slow, e!"

Napayuko si Mina. Napasulyap din kami ni Ysay sa kanya. Ibang Mina ang nakikita ko nang mga oras na iyon. Parang ang hirap paniwalaan na ang kasamahan naming nagpapahirap din sa aming tatlo paminsan-minsan ay bahag ang buntot sa reyna ng kasungitan.

"Ano'ng tinitingin-tingin n'yong dalawa?" baling naman sa amin ni Evil Twin. Napatingin ako nang deretso sa computer screen ko. Si Ysay naman ay tumayo at may inabot na papel sa bruha. From the corner of my eye, parang inagaw lang iyon ni Evil Twin at tumalikod na rin. Tutuluy-tuloy na siguro sana siya sa upisina nang may dumating na blond guy. Sumikdo ang dibdib ko. Akala ko no'ng una si Lukas. Iyon pala, ibang anak-araw na naman. At guwapo rin!

"Engineer Bjornsen!" magiliw na bati ng bruha. Nag-iba kaagad ang eskpresyon sa mukha niya. Wala na ang bagsik. Napalitan na iyon ng kaaya-ayang pagmumukha. No'n ko lang naisip. Charming din pala ang bruha kung gugustuhin niya.
Pagtingin ko naman sa unahan, nakita kong parang na-tense si Leigh. Kaagad itong tumalikod at nagtungo na sa upisina ni Architect Ramirez. Si Mina naman ay naghintay pa sa tabi ni Evil Twin. At napansin kong hindi lang ang reyna ng kasungitan ang may interes sa lalaki kundi maging ang understudy niya. Kung sa bagay, ang pogi naman kasi ng tinawag na Engineer Bjornsen. Susko! Nakakalaglag panty kung tumingin-tingin! Ang ganda ng mga mata niya! Tila nangungusap. Sumabay ito kay Architect Ramirez na pumunta sa upisina nito.

WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon