▬DARREL'S POV
Bakit ganon? Ang ganda... sobrang ganda ng ngiti niya. Tsk. Maganda naman talaga siya pero parang mas lalo siyang gumaganda sa araw-araw na nakikita ko siya.
Nawala ako sa concentration kanina. Sana wala namang nakapansin.
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko, and wow. I received a text message from the girl I've been losing my mind to these past few days.
From: Trix
Sir, okay ka lang po ba?
(End)
Hindi. Nababaliw na ko sayo.
Tsk. This can't be happening! SHE'S MY STUDENT!
Hindi kaya... hindi kaya kailangan ko lang dumistansya sa kanya? Siguro nga. Hindi na lang ako magre-reply sa text niya. I have to be sure about my feelings.
Kaso baka mag-alala yun. Ayoko naman nun. Ayokong nag-aalala siya. Ayokong may gumugulo sa isip niya. Mareplayan na nga.
To: Trix
I'm fine. Medyo na-distract lang ako kanina.
(End)
Haaayyy. Trix, kelan ka pa naging parte ng sistema ko? Bakit hindi kita matiis? Bakit isang text mo lang hindi ko magawang hindi pansinin? Tinamaan na nga yata talaga ako sayo.
May nag-text ulit.
From: Trix
Ah. Okay po sir. Akala ko may sakit ka. Haha! Sige po sir, magla-lunch na po kami. Mag-lunch na rin po kayo para di kayo nadi-distract. =P
(End)
Haha! Ang cute talaga niya. Kung alam mo lang, Trix. Sayo lang naman ako nadi-distract eh.
I ate lunch with my fellow professors and then we get back to work. Maaga kong idinismiss yung huli kong klase since quiz lang naman ang naka-schedule kong gawain sa lahat ng klase ko today. At may kailangan pang atendan na event ang OP outside the school. Na-invite kasi silang mag-perform. Medyo importante kaya kailangan ko silang samahan.
▬TRIXIE'S POV
Nandito na kami sa OP room. Dito kasi ang waiting place namin ng iba pang members. We are invited to perform sa isang event outside the school. Geeezz. Eto na ang simula ng mga actual performances namin. Eto na rin ang simula ng pagiging hectic ng schedule namin dahil sa sandamakmak na invitations. Perform doon, perform dito na ang magiging drama namin. At hindi biro ang bawat performance kasi we have to sing and dance. Ganun talaga since ang OP, ang org namin ay isang Glee Club. Yes. We are the school's Glee Club.
At ayan. Dumating na si Sir Darrel.
"Trix, sakin na kayong pito sumabay. Mukang di kayo kakasya lahat doon sa service na van eh." Sir Darrel said.
"Sige po, Sir." I replied.
Nakumpleto na ang members kaya lumabas na kami. Tama nga yung sinabi ni Sir. Di nga talaga kami kakasya doon sa service. Kahit bawas na kaming pito sa mga sasakay eh super siksikan na! Buti na lang yung Ford na good for eight passengers yung dala ni Sir ngayon.
After 40 minutes, nakarating na rin kami sa venue. Nagsisimula na yung event nung dumating kami pero okay lang kasi medyo matagal pa naman din kami magpeperform.
Hours passed. Gabi na. Dumating na yung time ng performance namin. We sang "Moves Like Jagger" at "She Will Be Loved" both by Maroon 5.
Okay naman yung performance namin. Maraming pumuri samin at nag-standing ovation pa ang mga audience! Odiba ang taray namin! Haha!
YOU ARE READING
I Don't Wanna Fall In Love
Teen FictionA story of a lady who never wanted to fall in love. But what could she do if loves comes knocking at her door? Will she be ready to let it in? When LOVE is already right in front of her eyes, will she turn away?