Chapter 5: No Title

162 13 4
                                    

FRIDAY na ngayon at last day na na may student teacher kami. Nakakalungkot naman.Pero pang 4th subject pa namin ang Social Studies,ang subject na makikita ko si Michelle.

Hanubayan! Lumalande nanaman ako.

Wala pa naman ang flag ceremony kaya nagkakagulo pa ang mga classmates ko. May mga naghahabulan,kumakain,nagdadaldalan,gumugulong(joke lang,wala namang ganun), at... sina Jerickson naman ay may binabasang magazine.

(0.0   ) Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko yun.Mga bastos talaga sila! Tsk! tsk!

"Ang babastos niyo!",sabi naman ni Kyle na kakarating palang. Nagtawanan na lang KAMI. Aaminin ko,medyo nahahawahan na nila ako ng pagka....alam niyo na....uhmm...medyo bastos.Pero! pero! may kontrol naman ako,nakikitawa lang ako sa kanila,ang kukulit kasi eh.

Pero,walang gaanong nakakaalam na isang bastusing bata 'tong si Jerickson,Venn at Raymond. Kami-kami lang ng top 10.

***Lunch

Lunch na namin ngayon at syempre, nagkakagulo nanaman ang mga classmates ko. Yes! Pagkatapos nito Social Studies na!

Bigla namang lumapit sakin sina Venn,Jerickson at Raymond.

"Crush mo si Michelle Atto, diba?",sabi sakin ni Raymond. Pano nalaman nitong negro na 'to?! Tama kayo sa nabasa niyo,negro siya.hahaha

"H-hindi ah!",sabi ko sa kanila.

Bigla namang humarap si Raven samin."Kunyari ka pa! Kenekeleg ka nga kahapon eh!",aba.... chismoso pa 'to.

"ay,kinikilig? Badeeeng!",sabi ni Venn.Aba? Anong bading sa pagkakaroon ng crush? Porket kayo... Hmmmpp! Puro kasi kayo kabastusan.

At dahil sa sinabi ni Raven,wala na silang tigil sa pang-aasar sakin. Halos pabalik na ang mga classmate ko galing sa canteen,pero... inaasar pa rin nila ako.

"Bakit di ka nagsasalita? Nababakla ka na ba? Duwag ka pala eh!",sabi ni Raven. Aba,nakakailan na 'tong lalaki na 'to ah!

Di na ako nakapagtimpi at tumayo na ako para suntukin siya,pero... may kung anong pumigil sakin at umupo na lang ako.Nakakaasar.Nilagay ko na lang ang bimpo ko,sa bibig ko at minura siya ng palihim,pero syempre...joke lang yun.

"Ano? Iiyak ka naman ngayon? Duwag!",kahit kailan talaga! Nakakaasar na siya!

*PUNCHES!*

Sinuntok ko na siya,nakakaasar na eh.Bagay sa kanya yun.Kapal ng mukha.

*Punch!*

Gumanti naman siya sakin.At nung gaganti ako sa kanya...

"TUMIGIL NA KAYO!",nagulat kami sa bigla niyang pagsigaw.

>>>Liliane's Point of View

Naglilista ako ng noisy ngayon pero,lumabas lang ako. Nakakaasar kasi ang mga kaklase ko,sobrang ingay nila.Mga walang respeto. Tss...

Dumeretso na lang ako sa CR. Lumabas na rin ako pagkatapos kong ilabas ang pagkaasar ko sa tubig dun.

Bigla namang lumitaw si Kyle sa harap ko

"Liliane! Si Raven at Jayson!",sabi niya. Base sa tono ng boses niya may nangyayaring masama.

"Ano?! Bakit di  mo sinabi kay Chrisna!?",sabi ko sa kanya.

"Eh ikaw na ang una kong nakita eh!",sabi niya.

Tumakbo na kami agad,kaso...ambagal niya.Ano ba 'to? Lalaki ba talaga siya? Tss...anlambot niyang kumilos eh!

"Liliane! Lumagpas ka na! ",sigaw sakin ni Kyle.Oo nga noh....hanubayan!

Anshunga ko!

Nakita ko sina Raven at Jayson...Nagsusuntukan na sila.

"Tumigil na kayo!",sigaw ko sa kanila....pero....wala.Hindi sila nakikinig sakin

Kanina pa hindi sakin nakikinig ang mga kaklase ko....

"Tama na...",sabi ko sa kanila.

Ayaw pa rin nilang tumigil...grabe sila...

"TUMIGIL NA KAYO!",sigaw ko sa kanila.Agad naman silang tumigil ng dahil dun,pati rin ang ibang maiingay na estudyante tumigil na din.

Kinausap ko si Jayson at Raven.Napagdesisyonan namin na wag na lang sabihin sa teacher namin,siguradong deretso pa yun sa Guidance Office.

>>>Jayson's POV

Dahil sa nangyaring yun, kumalat tuloy na gusto ko si Michelle.Ano bayan!

Nakakaasar talaga sila.

Atleast,di nakakatakot.Nagulat talaga kami ni Raven kanina kay Liliane eh,biglang sumigaw...

Pagkakita ko sa bintana....wah!!! nakita ko si Michelle.

"Kinikilig ka na naman?",bulong sakin ni Liliane.Tingnan mo,pati rin pala siya mang-aasar.Hayaan ko na lang nga sila,epal lang eh.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Epal Message:

      Okay....so....bakit nga ba "No Title" ang pangalan ng chapter ngayon?Eto ang sagot dyan: Wala kasi akong maisip na title eh! Hahaha! Nababaliw nanaman ako! By the way,thanks sa mga votes kahit 3 palang ata kayo.Pero okay lang! Hahaha! >0<

The Notebook of Math GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon