Day 11: 'Day I Had A Boyfriend?'

6 0 0
                                    

Zeo's POV

"Wag mo sabihing kinakabahan ka pa rin? Hindi ka na pwedeng magbackout, nakaset na ang lahat para sa pagcoconfess mo" Selene

Nakasuot ako ngayon nang bear na mascot, may tinuro na dance steps sakin si Selene, madali lang naman yung steps kaso nakakadegrade nang pagkatao.

"Anong oras na ba?" Tanong ko

Tinignan ni Selene ang relo niya, mukhang naiirita na siya since pangsampung beses ko nang tinatanong ang oras.

"11:00, 30 minutes bago ang lunch" Selene

I took in a deep breathe, Magsisimula na ang plano namin ni Selene.

"Nakalimutan ko yung sasabihin ko kay Raze" Ako

Binatukan ako bigla ni Selene, hinimas ko ang ulo ko dahil sa sobrang lakas nang pagkakabatok niya.

"Umayos ka Zeo Uy! Ayokong mapunta sa wala ang plano ko, ang laki kaya nang ginastos natin dito"

Umabot nang 15,000 ang binayaran ko para dito, ang dami kasing alam nitong si Selene.

"Correction, ang laki nang ginastos KO dito, wala ka namang ginastos sa kahit na ano" Ako

Inirapan niya ko at nanahimik na lang, napabuntong hininga na lang ako, malalaman na rin ni Raze ngayong araw ang nararamdaman ko.

-

Raze's POV

Pagkatapos magring nang lunchbell, napalitan agad yun nang boses ni Zeo, obviously nasa gymnasium siya kung nasaan ang broadcasting room since rinig sa buong school ang boses niya.

"Raze Elizabeth Gonzales, please proceed to the gymnasium, I need to tell you something, and sa lahat nang estudyante dyan na gustong makapanood nang something interesting, you may as well proceed to the gymnasium" Zeo

Tumingin sakin ang mga kaklase ko bago nagsipagtakbuhan palabas.

"Psh what was that about?" Luke

Pag presidente ka talaga nang student council, lahat nang facilities nang school nagagamit mo.

"Baka may movie na ipapanuod si Zeo, something interesting daw ehh" Ako

Pero seryoso, bakit ba kailangan pang special mention ang pangalan ko? tas kailangan pang whole name talaga ang sabihin niya.

"I don't think so, maybe we should just stay here" Luke

Bigla ko na namang narinig ang boses ni Zeo, di naman ako ganun kahilig sa movies ehh buti sana kung horror or suspense movie yan.

"Raze, wala na bang ibibilis ang kilos mo, pumunta ka na sa gymnasium kundi ipapakita ko sa mga tao dito yung picture mo na akala mo ay tinapon ko na" Zeo

At nung marinig ko yun, kumaripas ako nang takbo papunta sa gymnasium, ilan ba ang kopya niya nang pesteng picture na yun, akala ko nasunog ko na lahat nang kopya dati.

Pagdating ko sa gymnasium, napatingin lahat nang tao sakin.

"Raze!" sigaw nung mascot

Umalis yung mascot sa broadcasting room, at naglakad palapit sakin, tinulak naman ako nang ilang estudyante papalapit sa gitna nang gymnasium.

"S-sino ka? wala kang mapapala sakin saka ano ba yang mga hawak mo" Ako

May hawak siyang white na lifesize na teddy bear tapos sa kabilang kamay naman may boquet of flowers at plastic bag na mukhang chocolate ang laman.

Inabot niya sakin yung teddy bear, flowers at chocolate.

"Sino ka ba? Sakin na ba toh o pinapahawak mo lang?" Tanong ko

Forty Six Days To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon