Chapter 6

31 1 1
                                    

                        Ang hirap naman neto! Kala ko yun na yun eh. Yun pala, mas nawalan ako ng chance. May pa "NO DATING POLICY" pa kasing nalalaman eh. Yung totoo? Pinipigilan nyo kaming magmahal? Anong pagfefeeling yan? -_____- Uso ata bigti ngayon eh.

Hali nga kayo! Damayan nyo ko saking emote slash pagmamaktol session. Eh kasi naman ehhhhh! Pano na kami ni Ace baby ko? waaaaaaaaaaaaaaah T.T

"ARAAAAY NAMAN!" - sakit non. Sino ba tong walang hiyang nangbabatok nalang bigla-bigla?

"Hi bestfriendddddddddddddd!" Goodbye eardrums! Makasigaw tung babaeng to ha.

"Walanjo , ang bait-bait mo naman atang bestfriend? Kita mo na ngang nageemote ako dito eh , nangbabatok ka pa tapos binasag mo pa tung eardrums ko?" 

"Ay nako , i know mabait ko. Tsaka anong emote-emote pinagsasabi mo dyan? Magchika ka na nga lang kung anong nangyari sa meeting nyo. Dali na!"

"Eh yun na nga eh!" para na akong bata ditong nagmamaktol sa harap ng bestfriend ko. Eh kasi naman ehhhhhhhhhhh "Kasi may bagong rule pala sa club na yon, no dating policy daw. Waaaaaaaaah bestfriend , help me." nag pout pa ako nyan ahhh. 

"Eh anong pinoproblema mo dyan? Mabuti nga yon eh, iwas landi ko munang bruha ka"

"Eh shunga ka ba? Pumasok ako dun para lumande kay Ace, fyi. Anong magagawa ko? Nasa dugo ko na ang lumande palihim"- slow naman nitong kausap ko.

"Ay ewan ko sayo! Bahala ka dyan. Lovelife mo yan"

"Ang supportive mo ha! Eh kung mag back-out nalang kaya ako?"

"Naku bestfriend! Asan na ba yang utak mo? Andyan na yung oppurtunity eh para ma discover yang tinatago mong talent, mapupunta pa sa wala."

"Eh pano si Ace?"

"Mag move-on ka na nga lang"

"Yoko no!" pero may point din naman si bestfriend eh. Pero kahit na! 

"Pwede mo pa din namang ipagpatuloy yung plano mo no. Pwede ka pa din namang makipagclose kay Ace , yun nga lang hindi pwedeng maging kayo. Oh ano? Aalis ka eh hindi naman sure na magiging kayo talaga. Ikaw lang naman tung assuming eh" ang awts nun ha! Ang hard din minsan ng babaeng to eh. Pero totoo naman.

"Bahala na. Sige , mauna na ako" Tapos naglakad na ako palayo. Uuwi nalang ako para makapagisip-isip. Ano ba kasi tong napasok ko eh. Haaaaaaaaaaaaaay!

-BAHAY-

"Oy anak andito ka na pala. Nako anak , sumali ka pala sa ano bang tawag nun? Musicals?" Ha? Pano naman nalaman ni mama to?

"Sinong nagsabi sayo ma?"

"Si Jirella. Nagtext siya sakin kanina , naku anak congratulations! Proud na proud si mama sayo" Pahamak talaga yung Jirella na yun ah. 

"Ateeeeee!" pababa na si Sophie sa hagdan para salubungin ako. "Sabi ko naman sayo eh, ang ganda ng boses mo. Congrats ate" tapos niyakap niya ako. Ang sweet sweet talaga ng kapatid kung to.

"Aba't akalain mo yun? Nanghihina na ba ang pandinig ng coordinator ng Musicals dun?" sabat naman nitong Kuya kung napakasupportive talaga. As in -_-

"Heh!" sinapak ko na nga. Palaging naninira ng moment eh

"Pero congrats pa rin sayo ha" tapos tinap nya yung ulo ko. Aba't may pagkasweet ata tung mokong nato ngayon

"Oh sige na nga. Ma, punta lang po ako sa kwarto" 

Ano ba tong araw nato? Kaninang umaga pa nga lang eh excited akong pumasok ng school tapos ngayon, uuwi akong disappointed? Tapos naman , proud yung family ko sakin kasi nakapasok ako sa Musicals. Ano na ngayon yung pipiliin ko? Haay buhay , napaka confusing talaga.

Nagbihis na lang ako tapos nahiga sa kama ko. 

*sigh ano na kayang pipiliin ko?

Pero come to think of it, tama din naman yung sinabi ni Jirella eh. Pwede ko naman siyang maging kaibigan, sapat na yun. Alangan namang maghangad pa ako ng impossible eh andyan na nga yung oppurtunity eh. Sayang din naman kung aalis ako. Yun na nga lang yung daan para mapansin niya ako eh. Eh pag aalis ako, yung relationship namin ay matatapos nalang sa one-chair-apart thingy. 

Proud pa nga sina mama sakin eh. Hindi nila inaakala na maganda pala yung boses ko *ehem 

NAKAKALOKA NATO!! Andami ko na atang kuto kakakamot sa ulo ko eh.

OK OK OK! Hindi na lang ako aalis. Bahala na.

And after that, I fell asleep. Makapanhinga nga nga , kaloka tung araw nato.

****************************

-Aldhea Academy-

Papasok na ako ng gate ng school. Panibagong araw na naman to, ano na naman kayang mangyayari ngayon? 

"AYYYYY! Sino ba to?" may nagtakip kasi bigla ng mga mata ko eh. Walanghiya tong taong to!

"Hulaan mo hahahaha"

"Shut up Dustin" si Dustin pala tung loko-lokong to. Umagang-umaga, nantritrip na eh.

"Aba aba! Seems like kilala mo na yung boses ko. Ang sexy kasi eh no?"

"Seriously? Ang lakas ng hangin oh. OMG! Matatangay na ako" ang confident talaga ng lalaking to. Sarap pektusan ha pero wag na nga lang. Sayang yung kagwapuhan hahaha hanudaaw?

"Tara na nga!" tapos inakbayan niya ako. Bahala na nga tung lalaking to, nagpapahila lang din naman ako. Shunga no?

"Oy balita ko, natanggap ka daw sa Musicals. Pambihira!" 

"Hoy, makapambihira naman tung taong to!"

"Hehehe , joke lang. Eh bat di mo sinabi sakin? Magtatampo na ako niya eh" - nagpapacute pa tong isang to

"Eh uso din naman kasing magbasa ng bulletin no"

"Naks naman! Nalalagay na pala yang pangalan mo sa bulletin ah. Bago yun ah!"

"Ewan ko sayo" binatukan ko na nga!

Ayun , lakad lang kami ng lakad. Ang talaga naman ating naming dumating sa room. Hahahaha ewan ko ba! ayyyyyyyyyyyyyyyy ....

"Hey bro!" OMG! Andito si Ace ♥♥ nag bro fist silang dalawa ni Dustin tapos tumingin sakin.

"Good Morning Cierra" kill meeeeeeeeeeee! 

"Ah eh ano , good morning din hihi" parang monggoloid na ako dito. Pero teka , bakit nakatingin si Ace sa balikat ko? Ayyyy patay! Nakaakbay pala sakin si Dustin.

"Ah Ace , its not what you think. Hindi kami ni Dustin , nakikiakbay lang siya sakin" sabay alis dun sa kamay ni Dustin "Magpapaliwanag ako. Mali tong nakikita mo , wala lang to. Uhmmm , wag kang magalit Ace please , maawa ka na" Naghyhysterical na ako don. 

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" 

And then I realized what I just said ... STUPID MOUTH !

"Ha? Ah wala wala. Practice practice lang yun, balak ko kasing magartista eh hihihi. Sige bye" 

Sabay takbo! Ano ba tong kahihiyan na pinaggagagawa ko. Shemaaaaaaaay with feelings! Wala na akong mukhang ihaharap huhuhubels :'( :3

"Anyare dun?" sabay na sabi ni Dustin at Ace na tumatawa pa. So embarrassing!

This Voice is For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon