“Takbo Para sa Puso”
“Ma, bayad po. Isang Angono galing Santolan. Estudyante po.”
Ayan. Nagbayad na ko agad para di ko na malimutan. Alam niyo kasi, kahit ganito ako kaganda, makakalimutin pa rin ako. Kaya nga minsan, nakakalimutan kong maganda pala ako. Acheche.
Ang init ng byahe. Tanghaling tapat kasi ang tapos ng klase ko.
Minamalas ka nga naman. Sa sobrang init nasusunog na ko. Lusaw na rin make up ko. No wonder kung bakit morena ako. Ay, mali pala. Sa sobrang HOT ko kaya nasunog ako. Palag ka?
Nakakapagod mag-aral. Tumigil na kaya ako? Ano namang future ko kung titigil ako?
Magbote kaya ako? Kung gagawin ko yun, dapat simulan ko na ang pagpapraktis sa pagsigaw ng "Bote! Dyaryo!". Ang panget, di bagay sa kagandahan ko.
Mag-aasawa na lang ako ng mayaman. Hahaha! Yun na yata ang pinakamaganda kong idea. I'm so proud of myself! Palakpakan!
Haay. Nababaliw na yata ako sa sobrang init.
Dahil sa mga naiisip kong kalokohan, ngayon ko lang napansin na may gwapo pala akong katapat sa jeep.
Pasimpleng tingin muna.
Ok, lingon nang bonggabels.
Ang gwapo nga!
Maputi, GWAPO… basta gwapo. Hanglandee ko!
Naka-uniform siya tapos may suot na ID. Pasimple kong tinitingnan ung ID niya kasi gusto kong malaman kung anong name niya pero hindi ako makahanap ng tiyempo.
Kanina pa siya tingin nang tingin. Anu kayang meron sakin? Kasi raw maganda ako. Hahaha
Wait, hindi eh.
Nakatingin sa cellphone ko! Kukunin daw ang number ko.
Pero imagination ko lang yun.
Buong byahe syang palingon-lingon sakin. Tinabi ko na ang cellphone ko sa bag. Nakatingin rin sya habang ginagawa ko yun.
Tsk! Holdaper yata si kuya.
Nung tumingin ulit sya sakin, saktong tiningnan ko rin sya pero nakakatakot na tingin yung sakin.
Rawr!
Medyo natawa ako nung biglang bawi sya ng tingin. Natakot yata sa tingin ko. buti nga sa'yo. Kanina pa ko nagpapakita ng motibo sa'yo pero di mo ma-gets. Teka, hindi ako dapat nag-iisip ng ganito. jusko!
Nakakaparanoid ang byaheng ‘to. Feeling ko may hindi magandang mangyayari. Help me Lord! Sana hindi holdaper si kuya. Ay, sana holdaper pala sya. At sana kunin na lang nya ang puso ko.
Pagdating sa Angono, mabilis na kong bumaba. At laking gulat ko nang bumaba rin si kuya kaya kinutuban na talaga ako. Nagsimula na akong tumakbo. Paglingon ko, tumatakbo na rin siya. So, hinahabol nga niya talaga ako.
This time naghahabulan na kami. Hindi naman ako nagparegister sa kahit anong fun run pero bakit ako tumatakbo nang ganito?!
And I'm not having fun. OMG! Nakakahaggard!
Ako naman, takbo nang takbo na parang tanga.
“Miss!” Sigaw niya habang hinahabol ako. Kahit sigaw ang gawin mo, hindi ako titigil. Ayoko pang mamatay! Ngayon ko napatunayang “Looks can be deceiving.” Tama ba grammar ko? Ewan! Wala akong paki kung mali yan lalo na sa mga ganitong sitwasyon. Tumatakbo kaya ako!
Sige, habulin mo ko kuya, pag naabutan mo ko, ibibigay ko sayo ang puso ko nang buong buo.
Teka, di nya pala ko pwedeng abutan! Holdaper nga pala sya. Konting bilis pa ng takbo!
Hinihingal na ko sa kakatakbo at naiiyak at the same time. Siguro kung nakikita nyo ko iisipin nyong baliw ako.
Kulang na lang ang pagsigaw ng “Crispin! Basilio!”
Huhuhuhuhu. Ayoko nang tumakbo. Tumigil na ko sa sobrang pagod.
“Miss” Parang tumigil ang ikot ng mundo ko nang may kumalabit sa likuran ko. Mukhang katapusan ko na talaga. Lintek na buhay ‘to oh!
“HOLDAPER!” Napasigaw ako sa gulat. Gustuhin ko mang tumakbo, di ko na kaya. Sige kuya, kunin mo na ang puso ko este ang pera ko.
Suko na ko. Bahala na kung anong mangyari ngayong araw na ‘to. Minsan lang naman ako malasin sa buong buhay ko kaso ganito pa ka-grabe.
“All this time iniisip mong holdaper ako?! Miss, hinabol kita kasi nahulog mo ‘tong cellphone mo sa jeep.” Sabay abot niya sakin nung cellphone ko.
Nanghina ako sa sinabi nya. Mukha lang akong engot kanina sa kakatakbo. At oo nga naman, saan ka nakakita ng holdaper na mukhang estudyante at naka-uniform? nakakaloka!
Woohoo! Libre ang katangahan.
“Sorry, maling akala lang pala.”
“Sorry lang? Ganun na lang? Pinagod mo kaya ako kakahabol sayo. Anyway, I’m Marjo.” Inilahad niya ang kamay niya at nakipag-shake hands naman ako.
Ayiee! Hinabol nya ko. Masyado ba akong maganda para habulin? hahaha! Pwede naman nating gawin ulit yun kuya.
Yun nga lang pag naabutan mo ko, kunin mo na ang puso ko.
“So, anong gusto mong gawin ko? Ilibre ka?” Nakakaloko naman ‘tong si kuya. Pasalamat ka gwapo ka.
“Pwede rin pero kelangan mong sabihin sakin ang name mo at ibigay ang number mo.” Pakapalan na mukha 'to. Pinagod kaya niya ako kakatakbo. Dapat may kapalit di ba?
“Naman! Yun lang pala eh.”
5 years na rin ang nakalipas nang mangyari ang habulan namin sa Angono. Yun na yata ang pinakamakabuluhang “fun run” na sinalihan ko. At pinaka-unique siguro dahil hindi para sa kalikasan ang itinakbo ko kundi para sa future ko…namin.
I really had so much fun na makipaghabulan kay Marjo Certeza.
The whole time akong nakangiti at di ko namalayang natahimik ang paligid.
Nakatingin lang sila pati na rin ang gwapong lalaking nasa tabi ko.
Ang tagal ko na palang tulala.
Hinihintay nila ang matamis kong ‘I DO’.
Konting panahon na lang at magiging Mrs. Certeza na ko. yehey!
“I-I do Father.”
“I now pronounce you husband and wife."
At nagpalakpakan ang mga tao. Akala siguro nila hindi na ako sasagot. hahaha. Sino ba naman ang makakatanggi sa kagwapuhan niya? Bukod sa gwapo siya, husband material pa. Mabait, maalaga, responsable. Ano pa?
“Hubby.” Tawag ko sa kanya bago pa man lumapit ang labi niya sakin. Napalayo siya at tiningnan ako na parang nagtatanong kung ano yung gusto kong sabihin.
“Salamat sa pagsama sakin hanggang sa finish line.”
“Takbo Para sa Puso”, a run for a cause.
Ano pang hinihintay nyo? Magpa-register na!
------------------------------------------------------
-ilovemYOUsic
BINABASA MO ANG
Takbo Para sa Puso (one shot)
Short StoryKung napapagod ka nang tumakbo para sa kalikasan, subukan mo namang tumakbo para sa pag-ibig. I'm sure exciting yun. "Takbo Para sa Puso", a run for a cause. Ano pang hinihintay niyo, register na!