Prettiest Friend

554 28 23
                                    

Produkto ng isang buwang walang internet. Tapos text lang ang magawa at magbasa ng kung anu-ano. X) 1st story ko po ito tapos short pa. Haha! Btw. Salamat po ng marami sa mga nagbasa, nagvote, comment, recommend at nagbecome a fan. Kung success, ipagpapatuloy ko. :") 

(PS. Please Play the Video)

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Paggising ko, nakagawian ko nang icheck ang cellphone ko. 

Text message: [AutoLoadMax] 

Aba! May nagload. Si Jim pala. Tae kasi 'tong taong 'to. Nung pumunta kami ni Daddy sa probinsya last year, nanghiram ng 500 si Jim, pinsan ko.

At heto, sa pagloload sa'kin ng 25 kada buwan niya binabayaran ang utang. Haisst! Hayaan na nga.

 Bakasyon naman, tara text! Text niyo ko sa +63917*******. Padaanan niyo na rin ako ng GM. Hihi!

Another Text message: [Good morning! :)] -Vince

Uy! Nagtext siya. Ganda ng araw ko ha! ^__^

Nga naman may load. Syempre nagreply ako. [Good morning din. :))] 

Siya si Vince na prince charming ko este minamahal ko. Pero hindi niya alam na mahal ko siya. Noong elementary kasi ako, crush ko na siya. Matalino, maputi, matangkad, magaling sa basketball, marunong maggitara at palakaibigan. Tapos nung grade 6. Naging magkaklase kami. Naging mag close friend dahil magkatabi ang seats namin at nahawaan ako ng katalinuhan dahil siya lang naman ang Valedictorian sa room. Lagi kaming magkasama sa pagrereview. Minsan sa bahay nila pero madalas sa library lang.

Lagi ko ngang naalala yung mga kakulitan namin noon. Bago kasi kami umuwi, pumupunta muna kasi sa Ministop para kumain, magpalamig at mag-asaran.

Madalas siya ang nanlilibre kaya naman laging large sized ice cream ang inoorder ko. Vanilla flavor, sa kanya naman Chocolate. Bibili rin siya ng Piatos at V-cut para habang naglalakad kami ay may nilalamon kaming pagkain. Busog lusog talaga ako kapag kasama ko si Vince. Bukod sa pagkain, binubusog niya 'ko sa pagma--.

Ah basta. Mahirap kalimutan ang first love. Sobra.

FLASHBACK

"Trixie, may itatanong ako sa'yo bukas ha. Sagutin mo!" nakangiting sabi ni Vince.

Napakunot noo naman ako, "Anong itatanong? Graduation na kaya bukas. Tapos na ang test!".

"Don't worry, madali lang. HAHAHAHA!" 

"TCH. Bahala ka nga diyan. Ewan ko sa'yo. Pinagtitripan mo na naman ako porket matalino ka!"

During graduation, nagtapat ang first love ko.

Tama ang hinala ni Rue na bestfriend ni Vince na iba nga ang pakikitungo niya sa'kin. 

Nakakahiya nga kasi buong school ang nakaalam. Inannounce niya kasi sa last part ng speech pero hindi ako sumagot. Paulit ulit at parang sirang plaka na umiecho sa utak ko. =__=

[I have a question for my special girl. Trixie, if I am to court you, would you allow me?]

Namula ang buong mukha ko at todo tili naman ang mga classmate ko. *__* 

Ewan ko sa inyo, mga taksil ka'yo! Bakit niya naman ako nagustuhan? Wala naman akong pinagsabihan ha. T__T

Kaso nung mga panahon na 'yun, isang smile lang ang niresponse ko sa sinabi niya.

Hindi  ako sumagot ng oo kahit gustong gusto ko. Kasi naman e lubos na nangingibabaw ang lungkot na nararamdaman ko sa kadahilanang iiwan ko rin siya kung sakaling maging kami. Ayokong maging malungkot ang taong mahal ko noh! Ayoko.

Prettiest FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon