• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
[A/N: Pimples everywhere. Tss. Pumapangit na talaga ako, kailangan ko nang magpahinga. Sana makapasa ako sa Interview, ipag pray niyo po ako ha. Usap tayo sa Twitter @CoffeeBraker. (^_^)>]
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
Ikasiyam na Kabanata- Mislead
"Master Jill!" sigaw nanaman ng mokong.
At this moment tumatakbo na ako, napatingin ako sa aking likod para tignan yung mokong. Aba! Patuloy parin siya sa paghabol sa akin, kunting distansiya nalang ay maaabutan na niya ako.
"Master Jill! Hintayin niyo po ako." Sigaw nito habang pilit na inaabot ako gamit ang kanyang kanang kamay.
Para na talaga kaming mga uto-uto dito sa Mall. Maghahabulan nalang ba kami dito? Kailangan kung mag-isip kung papaano ko siya madidispatya.
*Bright Idea*
Alam ko na! Biglang huminto ako sa aking pagtakbo. Kaagad na humarap sa aking likod upang harapin ang mokong, nang makaharap na ako ay nagulat ako sa aking nakita. Nakita kung kumakaripas parin ng takbo yung mokong papunta sa akin. Wala ba siyang balak na huminto?
"Uwwwwaaa! Tumabi ka Master Jill! Hindi ko na makontrol yung aking mga paa sa pagtakbo." sigaw nito habang papalapit na sa akin.
Ewan ko ba kung anong nangyayari? Pero hindi ko maikilos yung aking katawan, parang nagulat nalang ako sa aking nakikita. Patay! Heto na siya "Uwwwwaaaaa!" sigaw ko. Nang mag smash na siya sa akin ay tumalsik ako sa aking kinatatayuan. Bumagsak ako sa may eskalator, nagpagulong-gulong ako pababa ng eskalator hanggang sa tumama yung likod ko sa may matigas na sahig. "Aguy-aguy! Ang sakit ng likod ko, aguy-aguy!" reklamo ko habang nakahandusay at pinalilibutan na ng mga tao dito sa Mall. Maluhaluha ako sa aking sinapit, hinimas-himas ko yung aking likod. Nakarinig rin ako ng mga ingay mula sa mga tao. Wala man lang tumutulong sa akin. Tss.
"Kawawa naman yung babae. Mamamatay na yata?" tugon ng isang babae.
"Mamamatay na yata!" tugon ng isang batang lalake.
Punyaterang mga tao toh, kung tulungan nalang kaya nila ako. Sabagay 'Jill The Great' kasi yung look ko ngayon, kaya yata walang may tumutulong. Akala yata nila kaya ko nang bumangon rito ng mag-isa. Mga echoserang froggy! Tss.
Kaagad na may lumapit sa akin "Miss are you okey?" tanong nito in a very masculine voice.
Napatingin ako sa kanya. OMG! Nagulantang ako sa aking nakita, napakagwapo niya, matangkad at chinito. Sino kaya toh? "H-hindi ako makatayo." sabay pacute.
"Ganun ba?" bigla siyang lumuhod at hinawakan ako sa aking tagiliran.
"A-anong ginagawa mo?!" tanong ko habang nakakunot ang noo.
Kaagad niya akong binuhat "May malapit na Hospital dito sa Mall, dadalhin kita roon. Baka kasi may bali ka." ngumiti siya ng nakakaloko, gosh may dimples rin siya.
Iniyuko ko nalamang ang aking ulo, ramdam ko kasing namumula na ako. Nasa lalaking ito yung mga katangian ng ideal guy na pinapangarap ko. Ang bango-bango rin niya, idinampi ko yung aking ilong sa kanyang dibdib para mas maamoy ko pa yung kanyang napakabangong pabango. Uwaa! Lord ipakasal niyo na po ako sa kanya, please.
[Spongebob's Pov]
Napansin kung napahinto sa pagtakbo si Master Jill, at kaagad na tumalikod paharap sa akin. Hihinto narin sana ako sa pagtakbo ngunit di ko makontrol yung aking mga paa, marahil yata ay dahil sa puwersang inilabas ko kanina para mahabol lang siya. Pero bakit kaya tinakbuhan niya ako kanina? May nagawa nanaman ba akong mali? Ilang distansiya nalang ay papalapit na ako sa kanya, bakit kaya hindi parin siya umaalis sa kanyang kinatatayuan? Bakit nakatunganga lang siya? Gusto niya bang mabunggo ko siya? Kahit kailan may pagkaweird pala itong si Master Jill. Tss.
![](https://img.wattpad.com/cover/12398711-288-k795449.jpg)
BINABASA MO ANG
What if Spongebob is real?
FanficThe question is "What if Spongbob is real?". Pano nga ba kung totoo talaga si Spongebob at maka face to face mo siya. Ano ang iyung gagawin? - Matatakot - Hihimatayin - Magugulat - Matutuwa O baka naman kaya ay mahulog ang puso mo sa kanya, na siya...