When Fiction meets Reality

520 20 10
                                    

Yung mga pinakamamahal at kinaiinlaban nating anime character eh adik na adik din sa'tin? Up to the point na gumagawa din sila ng blog tungkol sa'tin, fan pages, accounts, and such. Hanggang sa pagtulog tayo parin laman ng isip nila. Paano kung ginagawa nga nila yan?

Mag-travel sa iba't ibang Anime. Oh 'di naman kaya, mapunta sa Anime World.

Yun naman yung gusto na'tin, diba?

Bakit hindi kaya SILA naman ang bumisita dito sa atin?

Yung tipong naglalakad ka pauwi galing school eh may nakabunggo sayo, magagalit ka na sana kaso nakita mo, si Kuroko pala. Aba naman, si Kuroko yan. Magagalit ka pa ba? Pwede ring, gutom na gutom ka na, tapos ang haba ng pila then may biglang sumingit. Hahampasin mo na ng bag mo, si Tadashi pala, naka-peace sign pa. Oh diba, bongga.

Mga character na hindi naman daw totoo. Wala daw silang kwenta. Alam mo yun? Ang sarap tsinelasin nung mga nagsasabi ng ganun. Kaso wala eh, hindi naman talaga sila mapupunta dito. Kaya kung makita mo sila in person, naku, handa mo na camera mo. Selfie selfie din 'pag may time.

Pero paano nga kung napadpad sila dito tapos hindi lang basta napadpad sa'tin dahil trip nila kundi may misyon din sila dito?

Wait nga, ang daming tanong. Nakakahilo. Ito nalang.

What will you do if things go the other way around?

When Fiction meets RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon