1
Sa wakas, 4th year student narin ako! Kami na ang nakakatanda sa school namin. Bwahahahahaha! Boss na kami >:)
Kami ang boss niyo! (Noynoy)
Kaso nga lang sa amin naman nakasalalay ang lahat ng events para sa buong school year. Kumbaga, event organizers ang mga senior.
Tokneneng naman oh, at naging president pa ako sa school at sa class. T.T Hagardo na lola niyo, huhuhu!
Ay, reklamo na agad. Di pa pala ako nagpapakilala.
Pangalan: Uriah Mae De Veyra, 17 years old nakatira sa Apple Street, Unicorn Fart Village, Rainbow City.
Bio sheet lang? Sanay na akong ganyan. Ewan, eh sa pinalaki akong robot ng mga magulang ko. Pag mali, palo ang aabutin ko! Militar yun kung maka disiplina. O.A. na, pero the best parin sila.
Paaralan? Einstein's Educational Foundation. Tapos.
Huwag niyo nang alamin kung ano yung cellphone number ko! Comment nalang kayo kung smart ba o globe ka tapos rereply ako. Hahahaha! Biro lang.
2nd week na ng klase namin! Kakasimula lang ng klase last week. Kaya nga di pa ayos ang body clock ko... pano ba naman, umaga na akong nakakatulog kakapanood ng koreanovela o di naman kaya Anime. Sabay basa naman sa Wattpad. Kaya kong sabay sabayan iyan. Ibalik niyo ang summer please!
"Hmm, teka... anong oras na ba? Sunday ba ngayon?" tanong ko sa sarili. Stretch muna, tapos *Yaaaaaaawn*. Uy, napa *yawn* karin ba?
Napatingin ako ng dahan dahan sa cellphone ko. Teka, ang labo! Di ko makita -.-
O.O....-.-....O.O
Ayan, klaro na. Ah... Monday...
MONDAY?! PATAY! Oras? Alas 9 na! Naknang... 'di nanaman ako ginising ng mga ka dorm ko. Psh! Grabe ah, ang 2 yun pag makita ko papasunog ko sila ng buhay!
Dali dali na akong tumakbo papuntang banyo. Malapit pa nga akong madulas, pero nakahawak ako sa bowl, at malapit nang mapasok ang kamay ko sa loob.
"Maygad!"
Hilamos ng konti- ahh, wala nang muta
pitik ng tubig sa buhok- wet look, looking hot Uriah!
sipilyo ng 5 seconds----Oh, model ng Colgate!
Spray spray spray spray spray spray.--- So fressssh! (perfume muna ako bago magblouse, para kahit pawisan, mabango parin!)
(ganyan po ang buhay sa Dorm, perfume lang katapat and you're ready to parteey!)
Sinuot ko na ang blouse ko tapos sinuot ang aking sapatos. Pero hindi napasok ang buo kong paa kaya kinaladkad ko ito palabas. Pero bago lumabas, syempre motivation muna sa salamin!
"Ang ganda mo Uriah, ikaw na!" -wink!
Nakalabas na ako ng kwarto namin. Di ko pa tapos mabutones ang blouse ko. Pati sapatos ko matatanggal na eh! Pag nakita niyo ako, ewan ko nalang. Baka akalain niyong pinalayas ako ng pamilya ko.
Pagtingin ko sa wrist watch ko... 9:20.
9:30 natatapos Math namin. hmm...
Nako! Matatapos na first subject ko! Math pa naman, may quiz lagi after lessons. Huhuhu! Minamalas nga naman oh.
Nagbutones ako habang papalabas ng pinto ng dorm, teka di ko mapasok yung butones sa butas, ano ba ito! Nang biglaang nakaramdam ako ng...
*BAAAAAAAAAMMMM*
BINABASA MO ANG
Ang Alien kong Mahal
Teen FictionMay bago akong classmate. Foreignoy. Actually half Pinoy, half Alien. Di ko alam san siya nanggaling! Alien kasi ang tawag ko sa mga banyaga. Bago palang 'ton story kaya di ko pa alam ang mga mangyayari, so let's fill this description as time goes...