Reminisce (PTIS WE Task #1)

133 9 0
                                    

"All that I am, I owe it to my Angel Mother" -- Abraham Lincoln

Walang umaga ang lumilipas na hindi ako ginigising ni Mommy ng paghalik nya sa aking mga pisngi kasabay ang pagsabing "Gising na anak. Pa-kiss nga". Lagi nang buo ang araw ko sa tuwing ganun ang ginagawa nya sa akin. Iniisip ko na napaka-swerte ko dahil hindi lahat ng batang katulad ko ay may isang Mommy na gaya ng akin. Yung lagi akong pinapaliguan, binibihisan ng magandang kasuotan at binubusog ng pagmamahal.

Ngunit darating talaga sa punto na magkakaroon ng problema sa pamilya. Dahil unti-unti na kaming lumalaking magkakapatid kinakailangan na matustusan ang aming pag-aaral -- kailangan may magsakripisyo.

Birthday ko. Aalis si Mommy at pupunta syang abroad. Umuulan ng araw na iyon. "Anak, gusto mo maligo tayo sa ulan?" nakangiting sabi sa akin ni Mommy.

"Sige po" masayang sagot ko. Kasama ang mga kapatid ko, masaya kaming naligo at nagtampisaw sa ulan. Tumingala ako sa langit at nag-thankyou kay Papa God dahil binigyan nya ko ng Best Mommy in the World. Matapos niyon at masaya kaming nagkantahan at nagsalu-salo sa simpleng handa nila para sa akin. Tandang-tanda ko ang masasaya at puno ng sigla nilang pagkanta sa akin ng Happy Birthday Song.

Pero lahat ng bagay ay may katapusan. Sumapit ang gabi at kinakailangan nang umalis ni Mommy. Pinigilan ko ang sarili ko sa pag-iyak. Gusto ko bago umalis si Mommy makita nya na nakangiti ako at hindi umiiyak dahil para rin naman sa amin ang gagawin nya.

'Basta anak, love ka ni Mommy. Mag-aaral kang mabuti ha. Pa-kiss nga!" pigilan ko man ang pag-iyak pero ganun ata talaga kapag bata, Mommy's girl.

Lumipas ang maraming taon, mga dalaga at binata na kaming magkakapatid, umuwi si Mommy dahil sa sakit. Nagbago ang lahat. Binago ng sakit na iyon ang katawan at lakas ni Mommy. Lahat kami ay nagpapakatatag at umaasa na gagaling sya at magiging maayos na ulit ang lahat.

"Mommy naaalala mo pa ba ko?" tanong ko.

"Oo naman cute kong anak, pa-kiss nga!" Natuwa ako sa sagot nyang iyon, dahil kahit papaano ay naaalala pa nya ang madalas nyang gawin sa akin noon.

Lumipas ang ilang buwan, namatay na si Mommy. Sobrang nasaktan ako at kinuwestyon ko si Papa God kung bakit sa lahat pa ng pwede nyang kunin ay si Mommy pa. Marami namang masasamang tao sa mundo pero bakit si Mommy pa na puro kabutihan at kapakanan namin ang iniisip. Wala na ang Best-Mommy-in-the-World ko.

Sinabi sa amin ni Daddy na kailangan naming tanggapin ang lahat dahil sa bagong lugar na pupuntahan ni Mommy, wala na syang sakit na mararamdaman. Babantayan nya na lang daw kami lagi.

Sa tuwing darating ang birthday ko, lagi kong naalala ang 7th birthday koAng BEST BIRTHDATE EVER KASAMA ANG BEST MOMMY EVER. At ngayon, isang taon na lang ay makakapagtapos na ko ng kolehiyo, matutupad ko na ang isa sa mga pangarap ni Mommy para sa akin,

Reminisce (PTIS WE Task #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon