LDR Chapter 13
Kathryn's P.O.V.
April 12. 8am
"Good Morning teh!!!"
Nagising ako dahil narinig ko ang boses ni Miles.
Nagtakip ako ng unan sa mukha.
"Teh gising na! Ihanda mo na yung mga gamit mo. Nasan na ba yung maleta mo. Uy teh!" sabi niya at tinapik ako
"Bakit ba? Papalayasin mo ba ako? Bakit ka naghahanap ng Maleta?" sabi ko at bumangon na.
"Bes!! We're going on a vacation!!!" masayang sabi nya
"San naman tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa Pampanga!!"
"Bakit biglaan?"
"Tumawag sa akin si Tita Min. Baka daw kasi bored ka na. Sabi nya mag bakasyon daw muna tayo sa Pampanga. Para naman daw madalaw mo na dn dun yung mga kamag-anak nyo." sagot nya
"Sino sino kasama?" tanong ko
"Parking 5 plus me, you and Anikka."
"Kailan tayo aalis?" tanong ko
"Daming tanong teh!! After 10 am aalis na tayo. Kaya bilisan mo kumuha ka na ng gamit mo. 5 days and 4 nights tayo dun."
"Sige. Sandali lang." sabi ko at pumasok sa walk in closet ko.
Kumuha ako ng mga damit at nilapag ko sa kama.
"Sige teh. Lagay mo lang jan lahat. Ako na bahala mag ayos. Tapos maligo ka na okay?"
"Okay." sabi ko
Kumuha ako ng mga tshirt, blouse, shorts, pants, underwears tska pati mga slippers, shoes at sandals ko.
"Ako na bahala dito. Ligo na bilis." sabi niya
"Thanks bes." sabi ko at pumasok na sa CR
Ginawa ko na yung morning rituals ko. Nagsuot lang ako ng plain white v-neck shirt at shorts.
Paglabas ko sinasara na ni Miles yung zipper ng maleta ko.
"Okay na bes." sabi niya at umupo sa kama
"Salamat bes." Sabi ko at umupo sa harap ng salamin. Kinuha ko yung blower at pinatuyo yung buhok ko.
"Bes, may di ka sinasabi sa akin."
"Ha?" nagtataka nyang sagot.
"Kayo na ba ni Les?" tanong ko sa kanya
"Hindi pa bes." sagot nya naman
"Hindi PA? Nanliligaw ba sya sayo?"
"Oo bes. Pero MU na kami."
"Naks naman! Dalaga na yung bestfriend ko!! Kailan pa?"
"Nung birthday mo." sabi nya
"I'm happy for you bes." sabi ko sa kanya
Nginitian niya naman ako.
*pot pot* (busina yan hahahhaa)
"Nanjan na ata sila. Tara na teh!!" excited na sabi ni Miles
"Sige, una ka na. Magsasapatos pa ako. Baba na dn ako agad." sabi ko sa kanya
"Sure ka? Sige, baba ka na ha?" sabi niya at lumabas na siya
Pumasok ako sa walk-in closet ko at kinuha yung black kong converse at sinuot ko na yun. Umupo ulit ako sa harap ng salamin at nagsuklay.
BINABASA MO ANG
Long Distance Relationship (KN)
Fanfiction"Distance means so little when someone means so much."