Sabi nga ni bob ong...
~Baket mo pag-sisiksikan ang sarili mo sa elevator,may hagdan naman.
No more space (Short Story)
Bata pa lang si Loraine pinangako nya na sa sarili nya na magiging asawa pag-laki nya si Nathan.
Nagsimula sa enemy,friends,at puppy love nya ito.Sino nga ba daw ang hindi magkakagusto sa lalaking laging nag-tatanggol at nag-papasaya sayo?.
7 years old pa lang si loraine ng umalis sila sa pilipinas at pumunta ng Amerika.
Ayaw nyang umalis kasi ayaw nyang iwan si nathan.Ayaw nyang umalis kasi baka kalimutan sya na nito.Ayaw nyang umalis kasi hindi nya alam kung makakabalik pa sya.
Pumunta sya sa tambayan nila ni nathan at nakita nya nga ito.Sinabi nya lahat-lahat.
Pumayag na syang pumunta ng Amerika kasi nangako si Nathan na hindi nya makakalimutan ang isang babaeng bukod tanging nakapag-pabago sa kanya.
Nag pinky's swear sila na balang-araw mag-kikita sila at mag-papakasal.
Eto yung nag-hugot ng lakas na loob kay Loraine para makayanan nyang wala sa piling nya si Nathan.
Nawalan sila ng contact sa pamilya ni nathan pero dahil sa pangakong iyon...Alam nyang magkikita at magkikita sila.
Eto yung naging isang inspirasyon nya na makatapos ng kolehiyo at makakuha ng kursong major in business administration na sya pa ang naging una sa klase.
Lahat ng manliligaw nya eh busted dahil si nathan nga lang ang bukod tanging nagpapatibok ng puso nya.
Mas pinili nyang sa pilipinas mag-trabaho para makita nya na rin ang pinaka-mamahal nyang lalaki.
Pumunta sya sa bahay nila Nathan kaso wala ng ganong pamilya syang naabutan.
Una na-down sya pero hindi pa din sya tumigil.Nagpa-imbestiga sya at nalaman nya ngang nalugi na ang kumpanya ng family ni Nathan.
Pinuntahan na nga nya si Nathan sa bagong tirahan nito at natagpuan nya nga tong masaya sa asawa nyang si Nicole.
Hindi nya matanggap na may asawa na nga si Nathan.Umiyak sya ng umiyak nag-wala ng nag-wala hanggang sa magtagpo silang dalawa sa isang bar.
Lasing na lasing na nga si Loraine na hindi sukat akalain ni Nathan na maglalasing ng ganun ang batang babaeng uhugin pa noon.
Nag-usap sila at sinabi na nga ni nathan na 'Mga bata pa tayo nun.Hindi pa natin alam kung ano sinasabi natin' At dun na nga lalong nagalit si Loraine.
Hindi na sya makapag-concentrate sa trabaho nya,mismong campany ng family nya muntik ng malugi.
Kaya inalis sya ng dad nya sa pwesto nya at pinag-pahinga muna.Lumipas pa ang ilang buwan at ang asawa nga ni nathan ay namatay sa panganganak pero yung bata ay nabuhay.
Nakita na ng dad nya kung gaano masaktan at magpakalasing si Loraine.
Pinaka-usapan ng daddy ni loraine na pakasalan ni Nathan si loraine.Kapalit eh tutulungan itong mapabangon ang campany nila.
Nagdalawang-isip si Nathan pero pumayag sya para sa magiging future ng anak nila ni Nicole.
Naging masaya si Loraine dahil natupad na nya ang pangarap nyang maikasal sa pinaka-mamahal nyang lalaki.
Mismong araw dapat ng kasal ni Loraine at Nathan.Ang kinagulat ng lahat eh nag-suicide ito.
Nakita na lang nila si loraine habang suot yung gown eh nakahilata na at sinasak nya sarili nya sa dibdib.
Nagulat ang lahat at ang pamilya ni Loraine eh hindi maka-paniwala na ang unica ijah nila ay na wala na lang ng ganun.
Sinisi ng lahat si Nathan.Umuulan ng gabing yun ay sumugod si nathan sa ulan at bumalik sya sa dating tambayan nila ni loraine.
May nakita syang box dun.Binasa nya lahat ng laman ng box.Diary ni Loraine.Halos hindi nya na mapigilan ang bumubuhos na luha nya.
Tatakpan nya na sana yung box ng may nakita syang papel na bukod tanging basa ng onte.Binasa nya ito.
Dear Nathan,
Malamang pagnabasa mo na to nasa langit na ako este impyerno kasi matigas ulo ko.
Sorry ah! Pasabi na lang sa mga naiwan ko na hindi ko na kasi kaya eh.At mahal na mahal ko silang lahat lalong-lalo na ikaw! Walang nagbago dun at hindi magbabago yun :*
Pagpasensyahan mo na sa basa-basa netong papel,hindi ko kasi mapigilang hindi suminga eh.Hahaha.Hindi luha yan kaya wag kang mandiri.
Pakwento kay baby seven na ang pinakamaganda nyang ninang eh lagi lang nandyan sa tabi nya.
Oy! Wag kang umiyak,hindi bagay sayo! tssss.
Nga pala kaya ako nagpakamatay kasi ayoko na nakikita kang napipilitan lang saka ang drama mo kasi dun sa harap ni baby seven.
Oo narinig ko lahat! tsk.Kaya ko sinasabi to para makunsesya ka naman! Hahaha.I LOVE YOU NATHAN!
Eto tandaan mo ah 'MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA! :*'
osigeh na babye na! Alagaan mo si baby seven kundi mumultuhin ka namin ni nicole ;)
Love,
LORRAINE. (Rest in peace)
Huwag mo nga daw pagpilitan ang sapatos na hindi talaga para sayo kasi magkakapaltos ka lang.
No more space (Short story)
All rights reserved 2014
by.ActLikeMyPrince
BINABASA MO ANG
No more space (Short Story)
Short StoryAno ba mas masakit? Yung nangako sya na hindi natupad o yung maalalang pinilit mo nga lang pala syang mangako?