Special Chapter [1]: Bestfriends

4.7K 70 21
                                    

Ericka's Note: (Basahin, wag tamarin. Hehe XD)

This chapter is a flashback. Opo, flashback na naman. Alam ko naman pong may ilan sa inyo ang curious about how was Marcus and Marceline before. Di ba, nakaka-intriga nga naman kung ano yung pinagsamahan nila, di ba ? And parang bonus chapter lang 'to kaya sana wag kayong magalit kung sumingit pa 'to. Hehe.


[Warning: Malande ang chapter na 'to. Haha.]


Bakit ? Kasi po puro crush crush agad pero sana pagtyagaan niyo na rin. (♥_♥)\/


~MissHandsomeGray


~~~

(Thirteen Years Ago)

"Marceline, halika na !" sigaw ni Marcus habang kinakatok ang pinto ng kwarto ni Marceline. "Pumasok ka na ! Bukas yan !" sigaw naman nito kaya ganun na nga ang ginawa niya, pumasok na siya.

Simula ng magbakasyon si Marcus dito sa hacienda nila, si Marceline na agad ang naging kaibigan niya. Ang Hacienda Mendez ay pagmamay-ari ng mga magulang ng kanyang Mommy Vhanessa, at ngayon nga, naipamana na ito. Siya lang naman ang interesadong magbakasyon dito kaya hindi na niya kasama ang mga kapatid niya.


Naabutan ni Marcus na nag-aayos pala ng buhok si  Marceline. "Kahit anong gawin mong ayos diyan, mukha ka pa ring Marceline. Kaya bilisan mo, ang tagal tagal mo," walang ganang sabi niya at naupo pa. Like a boss. XD

Nabato tuloy siya ng unan ni Marceline. "Kuya brace and eyeglasses, wag kang mainipin dyan. Ano naman sayo kung mag-ayos ako ng buhok ? Makikita ko si crush kaya dapat lang na maayos buhok ko," hindi na niya kailangan lumingon kay Marcus para makita ang smirk nito. Yung smirk na kilalang kilala na niya lalo na kapag nababanggit niya ang tungkol sa crush niya.


Tumayo si Marcus at lumapit sa kanya. Pareho sila ngayong nakatingin sa salamin. Nakangiti lang siya at kahit pa nakabrace at eyeglasses pa siya, halatang halata namang napakagwapo nitong bata. Sa edad na labing-isang gulang, matangkad na ito at gwapong gwapo na nga ang dating. Nagsmirk ulit siya at umiling-iling.

"Seryoso ka ba talagang crush mo yung Lexter na yun ? Eh alam mo namang bakla yun. di ba ?" pang-aasar niya na hindi pa rin tinatanggal ang smirk sa kanyang mga labi.


"Che ! Lahat naman ng lalaki para sayo bakla, kasi sa tingin mo, ikaw lang ang straight ! Kala mo ah, baka nga ikaw pa yang bakla e !" pabalik na pang-aasar niya kaya naman nawala ang smirk nito.

Nilingon siya nito at tinignan ng seryoso. "Ako ? Bakla ?"

Agad naman siyang umiling-iling at nag-iwas ng tingin. "Ikaw naman, di ka na mabiro ! Syempre, lalaking lalaki an bestfriend ko 'no !" Sa totoo lang, natatakot siya kay Marcus kapag nagseseryoso ito. Hindi naman niya alam pero parang kinakabahan na lang siya kapag ganun ang tingin nito. "Tss. Tara na," yun na lang ang huling sinabi ni Marcus at nauna ng lumabas.


Naghihintay na pala ang sasakyan nila Marcus sa labas kaya naman sumunod na rin si Marceline sa kanya. Malayo kasi ang mismong resthouse ng mga Ashford sa bahay nila Marceline. Ang pamilya nila ay mga trabahador dito sa hacienda, at bilang isang regalo, binigyan sila ng maliit na lupa dito nga sa loob ng hacienda.

Sa totoo lang, di naman talaga niya makikita si Lexter at hindi niya rin ito hinahangaan, gusto niya lang talagang maayos ang sarili niya sa harap ni Marcus. Sa magdadalawang buwang pagkakaibigan nila, hindi naman niya ikinakaila sa hinahangaan na niya ito. Eleven years old pa lang sila pero kaya nga may crush, di ba ?

Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon