Chapter 22: Her Initiation
Freya's Point of View
"Kumatok ka muna, tapos pumasok ka," with that said, he descended the stairs. I stared blankly at his back as he receded from my sight.
Syempre naman kakatok ako, ano ako tanga?
Hindi na ako kumatok at agad na binuksan ang pinto. Sumilip ako sa loob.
Isang mesa na may rectangular shape at may glass sa itaas na parte ang unang makikita pagpasok ko palang. Nakaayos na naka-compile ang mga folders sa mesa. Naagaw pa ng Minions ng Despicable Me bilang lalagyan ng ballpen ang aking atensyon ko.
I expected to see an old bearded man seated in front of his desk. But what I saw was a swivel chair staring back at me.
"Good morning, Ms. Webb. Please come in," halos mapatalon ako sa gulat dahil sa boses na 'yon. Napatingin ako sa kaliwa. Nakatayo si Professor Fross kaharap ang nakabukas na bintana.
Nakatalikod siya sa'kin. His long gray cloak almost touching the floor. He slowly turned around, a smile forming in his lips. I took a step inside and closed the door.
"Professor, pinatawag n'yo raw po ako?"
He gave me a long look before answering. "Yes, yes..." ngumiti ulit siya. "I actually did." Trust me, ang creepy na ng ngiti niya ha?
Naglakad siya palapit sa kanyang mesa. Natanong ko pa sa isip-isip ko kung nakaboots ba ang matandang 'to, ang ingay kasi ng sapatos niya.
Parang tunog no'ng sapatos ng multo sa horror na 'Feng Shui' ni ate Chris Aquino.
"Freya," inilahad niya ang kanyang kamay sa upuan na nasa harap ng mesa niya. "Umupo ka."
"Thank you po," umupo ako sa upuan na nasa kanan.
"I supposed na wala kang ideya kung bakit kita pinatawag," tumango ako. Professor Fross folded his hands in his desk. "Pinatawag kita dahil gusto kitang batiin sa initiation mo."
Ayan na naman sila sa initiation na 'yan. Kinuha niya ang folder na nasa mesa niya lang at binuksan ito. "Ito ang report ng result sa nangyaring initiation mo."
"Masyadong mahirap at delikado ang ibinigay na test sa'yo, Freya. Dahil kung gaano kalakas ang ability mo, ganoon din kahirap ang ibibigay na test sa'yo." Pakiramdam ko ako ang may kasalanan kung bakit gano'n ang test ko, sa tono palang ng pananalita ni Professor.
"In your test, you killed more than a hundred of Claws, Freya."
Ako? Pumatay ng more than one hundred na Claws? Hindi ko nga kayang pumatay ng isa eh, one hundred pa kaya? Bigla nalang nagflashback sa isip ko ang nangyari sa'kin sa initiation test.
"Prepare yourself for a test," iginala ko ang mata ko sa madilim na paligid at hinanap ang pinanggalingan ng robotic voice ng babae. Tumingala ako at patuloy na hinanap ang boses na 'yon, kahit puro dilim lang naman talaga ang nakikita ko.
Noong tumingin ako sa kaliwa, nangunot nalang ang noo ko. Natagpuan ko ang sarili ko na nakatayo sa isang masukal na gubat. Madilim ang paligid, tanging ang buwan lang ang nagbibigay ilaw sa daan ko.
Halos pigilan ko ang hininga ko, nanatili akong nakatayo. Hinintay ang susunod na mangyayari. Tumingala ako sa malalaki at higanteng puno. Naging kulay itim na ang mga punong ito dahil sa dilim. Tumindig nang bahagya ang balahibo ko sa batok sa kakatingala sa mga sanga at dahon ng puno.
Naalala ko ang sinabi ng babae. 'Prepare for a test.' Tinalasan ko ang pakiramdam ko saka ako naglakad. Lumikha ng pag-crunch ang bawat sanga at tuyong dahon na naapakan ko.
BINABASA MO ANG
Peritia Academy
FantasyAbilities. Beasts. A game. A mind-boggling mystery. An extraordinary twist. Get ready to be enthralled. Fantasy/Mystery-Thriller/Action/Comedy Date Started: June 25, 2017 Date Completed: ___