💘 | Prologue

7.8K 92 0
                                    

If you were asked how to define love or what is love, what would be your answer?

Maraming puma-pasok sa isipan mo kapag nabanggit ang apat na salitang iyon diba? Lalo pa kaya pag tinanong ka, anong isasagot mo? Nagda-dalawang isip ka rin ba o natatagalan ka sa pag-sagot? Ako kasi natatagalan sa pag-sagot.

Pero bakit ko ba nabanggit ang salitang iyon dito? Eh kasi yun ang palaging problema ng mga kaibigan ko at ng halos lahat ng kasing edad ko. Tsaka, wala na rin akong ibang masabi.

Magpapa-kilala na po ba ko? Sayo oh sa sarili ko?

Kath.

Katherine Cian Bautista and pangalan ko at Kath naman ang palayaw.

Proud nerd or shall I say a bookworm. Not the type of nerd you're thinking though. Mahilig lang talaga ako sa libro. Ito nga at nasubukan na ring mag-sulat ng diary. Pinanindigan.

Kailangan ko rin bang sabihin ang mga hilig ko? Saka na siguro. Panimula pa naman ito eh.

No boyfriend since birth. Worst for them, not for me. They actually say it negatively. Pero hindi naman problema ang boyfriend diba? I would rather wish to be successful than wished for a love life. Bata pa naman ako. Aabot din ako sa panahong kailangan ko yun pero hindi muna sa ngayon.

Secret lang natin to ah. Choosy nga pala ako. Medyo may kataasan ng standards. HA HA

Sa friends ko naman, kami lang ni Ariella ang walang boyfriend. Si Jule at si Malia kasi meron na. But they have time for us naman so I wouldn't argue with that. Ang ayoko lang talaga ay ang mga issues ng relationship nila. Hindi naman ako bias pero nahihirapan din kasi ako kapag nahihirapan sila. Bakit kaya may ganun?

And one more thing, wala namang namatay dahil sa walang boyfriend diba? Ba't naman ako magma-madali? Paubos na ba ang mga lalaki? Hmmm...

Gusto ko pumunta ng park. Syempre, mag-isa na naman. My friends are busy, as always. Well, Nacho, my baby is there to accompany me. Aso po siya. Akala niyo naman kung sino na?

Anyway, for me, love comes unexpectedly. How do you define love again, Kath?

Uhm?

May 26, 2014 - 9:45 A.M.

Katherine Cian B. '16

~~~

Pagkatapos kong pirmahan ang weird at magulo kong diary ay tumayo na ako at nilagay na ito sa ilalim ng mga unan ko. Mahirap na at baka makita pa ng mga kapatid ko lalo na ni Kuya. Syempre, magta-taka na naman ang mga yun at mapagkamalan pa kong nakakain ng kung anu-ano.

I don't actually write a diary pero naisipan kong subukan kaya. It seems nice and worth it. May ibang libangan na ako bukod kay Nacho at sa mga kaibigan ko. Summer break pa naman ngayon.

At dahil bihis na bihis na rin lang naman ako ay papanindigan ko na ang pag-punta ng park kasi nasulat ko yun sa diary tsaka mahirap naman kung burahin ko yun. Madudumihan yung first entry ko. Luh! Ang pangit tingnan.

Maganda ang weather ngayon at hindi masyadong mainit kaya naisipan ko kaninang pumunta ng park. Isa-sama ko na lang si Nacho at ng hindi ma-board dito sa bahay.

Napailing ako sa mga naiisip habang nilalagyan ng tali ang aso dahil mukhang mas excited pa ito kesa sakin.

Love is really unpredictable! No?

Hmm... saan na naman galing yun, Kath?

_____________________

to be continued...

Lassie Louise ✨

Unexpectedly [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon