KATHERINE
"Can I ask you something?"
Tanong ko sa lalaking seryosong naka-tayo sa gilid ng fountain na di kalayuan sakin. Napagod kasi ako kaka-ikot namin ni Nacho sa buong park kaya umupo na muna kami sa ilalim ng puno na katapat lang nung fountain. At dahil sa bored ako ay naisipan kung kunin ang atensyon nung lalaki.
Kanina ko pa kasi napapansin na tahimik lang siyang naka-titig sa fountain. Base sa hitsura ay malalim ang kanyang ini-isip. Bukod naman kasi sa fountain ay wala akong ibang napansin kaya I called his attention.
"Hey!"
Curious lang talaga ako kung bakit parang pasan niya ang mundo kaya gusto ko magtanong. Nakaka-inis na curiousity!
"Naririnig mo ba ko? Yoho!"
Baliw ba ang makipag-usap sa taong ngayon mo lang nakita? Hindi naman niya ko pinapansin. Tao ba yan? Ay malamang Kath. Pareho kayo, T-A-O! Ihalintulad mo pa nga yung mga pisikal na anyo niyong dalawa, malamang sa malamang pareho talaga.
"Excuse me?"
I waved my hands para mapatingin siya sakin pero dahil sa ginawa ko ay nabitawan ko tuloy ang tali ni Nacho na hawak-hawak ko lang kanina.
Tumakbo naman agad ang aso kong parang nakawala sa kulungan kaya I stood up para habulin ito. Ito na naman tayo sa habulan.
"Nacho! Stop running! Goodness."
Nag-ikutan pa kami sa may mga puno ng ilang beses. Hindi ko pa rin siya nahabol. Grabe!
"Nacho naman eh! Ayoko ng tumakbo. Nakaka-pagod kaya."
I pouted. Tumigil ito sa kakatakbo ngunit tiningnan lang ako saglit tapos tumakbo na naman. Hay! Not effective. Kala ko ba parang puppy din kapag nag-pout, bakit hindi effective yung sakin?
Inayos ko muna yung bangs kong halos tapakan na ang mga mata ko at napahinga ng ilang beses bago tumakbo ulit para habulin yung makulit kong aso. Well, nagmana sakin eh. Naman!
"Nacho..."
Napatigil ako kakahabol sa aso ko nung makita ko siyang lumapit at kinukulit nung lalaking snobber kanina. Friends sila?
Nakita ko siyang ngumingiti habang nilalaro si Nacho. Kanina lang ay ang lalim ng iniisip kaya nga hindi ako napansin, tapos ngayon with matching ngiti hanggang langit na siya. Well, mukhang gusto rin naman siya ng aso ko. Siguro, mahilig din ang lalaking ito sa mga hayop.
"Is this your dog?"
Bumalik yung wisyo ko nung may nag-salita. Nilingon ko ang paligid at ng nakitang wala namang ibang tao malapit samin ay nilingon ko ulit siya.
"Huh?" Nagtataka kong tanong.
He frowned.
"I said, is this your dog? Kanina ka pa kasi nakatingin samin."
Ano daw?
Kinarga niya ang aso ko at naglakad palapit sakin. Gusto kong mataranta ngunit hindi ako maka-galaw sa kinata-tayuan ko. I was rooted in place to the point na nagmu-mukha na kong statue.
Dahan-dahang tumaas ang kamay ko papuntang kaliwang dibdib at saka ko naramdamang hindi na normal ang heartbeat ko. Sobrang lakas na kala mo ay halos marinig na ng kung sino ang nasa tabi mo.
Natatakot ka lang, Kath. Relax! Baka kung anong gawin nito sakin. Baka masamang tao to. Sinong niloloko mo, Kath? May masamang tao ba na ganyan ka ano... Well, may itsura?
"Hey,"
I looked at him when he snapped his fingers in front of my face. Natulala ba ko kanina? Ugh! Nakakahiya ka rin minsan, Kath e no?
"Ahh Oo nga pala. P-pasensya na." Kinuha ko agad ang aso ko mula sa kanya at hindi naman ito nag-atubiling ibigay sakin.
"Dj,"
Inabot niya sakin ang kamay niya. Sinundan ko naman iyon ng tingin bago binalik sa mukha niya.
Tatanggapin o hindi? Manners, Kath. Tatanggapin ko na sana ng biglang mag-ring ang phone ko. I immidiately fished my phone out of my back pocket para sagutin ang tawag.
Kahit nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang caller ay hindi ko naman iyon pinahalata sa kaharap.
"Excuse me, I need to take this call."
He nodded while putting his hand back in his pocket. Tumalikod ako sa kanya para sagutin yung tawag ni Ate. Nakagat ko pa ang mga kuko ko sa kamay habang naghihintay ng sasabihin niya.
"Kath, where are you?"
Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"Po? Ate? Nasa ano po... sa ... sa kwarto ko po. Nandito ako sa kwarto ko Ate. Hihi"
Nasapo ko ang noo sa katangahan. Try to be more convincing, Kath.
"Hay nako sayo, Kath! Nandito ako sa kwarto mo ngayon at wala ka dito. Sabi ni Kaden, ginamit mo raw ang family car?"
Naku patay! Nabuking na naman ako. Eh ba't ka ba kasi tumakas-takas ng bahay Kath, yan tuloy. Lalo akong kinabahan sa boses ni Ate. Kapag kasi kalma lang siya ay opposite yung nararamdaman niya.
"Saan ka ngayon? Sino kasama mo?"
Lumingon ako sa likod at nakitang naka-titig lang ng maigi sakin yung lalaki kanina. Tumikhim ako bago tumalikod ulit at nag-salita.
"Nandito ako sa park ngayon, Ate. Pinasyal ko lang po si Nacho."
Totoo naman diba? Hindi na yun kasinungalingan.
"Go home as soon as possible. Malapit ng umuwi sina Mama at Papa. Baka pagalitan ka kapag malaman nila yang ginawa mo kaya umuwi ka na."
Nataranta ako sa sinabi niya.
"Bat mo sinabi sa kanila, Ate?!"
Wala na kong paki-alam kung magpa-padyak ako dito at kung may makakakita. I am panicking.
"Anong sinabi? Hindi mo ba ako narinig kanina. Umuwi ka na para nandito ka pag dumating na sila." She said with finality.
"Oo na. Uuwi na ko, Ate. Wag mong sabihin ah?"
"Okay, basta umuwi ka na ASAP."
"Okay, bye Ate!"
Binaba ko na ang phone ng matapos ang tawag bago humarap sa kanya.
"Sorry, I need to go home. Nice meeting you na lang."
Ngumiti ako sa kanya at tumalikod na papunta sa kotse na ginamit ko papunta dito.
"Teka lang, Miss..."
Naririnig ko pa rin ang tawag niya nung nakalayo-layo na ko pero pumasok na ko agad sa loob ng kotse para umuwi. Nako, lagot ako nito kay Kuya.
Magdasal ka na Kath!
_____________________
to be continued...
Lassie Louise ✨
BINABASA MO ANG
Unexpectedly [KathNiel]
RomanceKatherine entered a famous youth game with the university's popular guy named Dean. Her peaceful life with only goals to think of changed since then. It was added with a lot of unexpected twists. She came to the point wherein the only choice left is...