Chapter 1
Dito sa school namin, may isang lalaking pinagkakaguluhan ng mga babae, dahil sa kagwapuhan, pero sige narin kasi matalino naman. Pero ako? Hindi ko siya trip.
James Smith.
Ang lalaking pinaka-gwapo sa school; pero punong puno ng kayabangan. Kilala ko siya bilang playboy o chickboy. Bakit? Eh kung sinu-sino nagiging girlfriend niya dito sa school. Isa pang mayaman. Akalain nyo, sila din may ari ng school na ito. Antonio S. University. Diba? Sabi sainyo eh, nasakanya nadin ang lahat.
"Ayan na si James!"
Sabi ng isang babae nung papasok palang si James sa gate ng school. Well, marami ng babae dito sa gate palang, para hintayin ang kanilang prince charming na si James.
Napansin kong magulo yung laman ng bag ko, so umupo muna ako saglit kung saan ako nakatayo at inayos yung laman ng bag ko.
"Harang ka sa daan."
Napalingon ako sa likod ko tapos napatingala, si James Smith. I looked away and zipped my bag.
"Ang tagal mo naman!"
If he only knew, maliit lang ako at may space sa gilid na pwde niya pang madaanan. Nakakabanas tong lalakeng to ah. Nagmadali akong tumayo at pinadaan ang mahal na hari. Sumandal ako sa pader at dumaan na si James.
"Next time, wag kang harang ha?" Tumingin siya sakin habang ako nakayuko. Yung kunwaring takot. Pero hindi naman talaga. Naiinis lang talaga ako, baka pagtingin ko sakanya matadyakan ko ng di oras, wala akong pake kahit siya may ari ng school. Bakit, kay karapatan ba siyang tratuhin akong ganito?
"Banas." bumulong ako.
Narinig niya yata ako, "May sinasabi ka?" So, nilapit niya mukha niya sakin. No, hindi ako kinikilig. Ew.
Tumingin ako sakanya, "Wala." I said bitterly, trying not to punch his beautiful face.
Infernes, ganda ng mga mata niya, and kissable red lips. Ops.
Umalis na siya at huminga ako ng malalim. Napansin kong may mga babae na palang nakatitig saming dalawa. Tinignan ko sila ng anong tinitingin tingin ko dyan? Magkaklase na. Tama na ang landi. look. Ayan, pasok sila sa kani-kanilang classrooms.
Ang tagal naman ni Casandra. Yung best friend ko. Isa pa yung pagong eh, laging late. Kinuha ko phone ko at minessage nalang siya.
"Canteen nalang. Nabanas ako kay James."
Ako nga pala si Aurora Mae Francisco. Ang senior student ng school na ito. Ang taong nababanas sa mga taong katulad ni James Smith. Imba no? Hindi porket siya may ari ng school na to, pwde niya tratuhin ang mga ibang students dito ng gusto niya.
Pagpasok ko sa loob ng canteen, aba syempre malamig sa loob, naaamoy amoy ko na ang mga pagkain, nakakagutom. And then there's James sa right side ko, nakaupo kasama mga kabarkada niyang mukha namang bading. Tumingin sila sakin pero dumeretso lang ako at umupo sa vacant seat.
Nafefeel kong nakatingin padin sila sakin lalong lalo na si James. Naglalaro nalang ako ng kung anong pwdeng malaro dito sa phone ko habang hinihintay si Casandra.
"Babe." napatingin ako sa right side ko, babaeng nakatayo habang papalapit si James sakanya.
Hindi pa nakakailang months, may iba na agad? Told ya, playboy.
"Nabitin ako kagabe." sabi ni James sakanya habang hinahalik halikan niya yung babae sa forehed. Ew, gross. "Maya ulet?" He smiled at her then he looked at me.
What now?
Inirapan ko siya at pinatuloy ang paglalaro ng Subway Surfer sa phone ko. And finally, dumating si Casandra at umupo sa harapan ko.
Tinapon niya bag niya sa upuan at umupo. "Anong ginawa sayo ng Ja-"
"Shut the mother up, Dara."
Casandra Lui Guia. Best friend and twin since birth. Why? Sabay kaming pinanganak at kababata pa ng mama ko ang mama niya. Small world, huh? I used to call her Dara, kasi ang cute, parang siya. Kasi maliit.
Napatingin si Casandra sa tabi niya, "Oh." nakita niya si James kasama girlfriend na nagyayakapan habang bumibili ng pagkain. Napapansin kong naiinis nadin yung mga nagtitinda sakanila pero hindi makapagsalita dahil si James may ari ng school.
_____
"Kung hindi lang talaga si James may ari ng school siguro kanina ko pa sinampal yung makapal kong Math book sakanya sa sobrang asar!"
Nagstay nalang muna ako sa bahay ni Dara habang hindi pa nakakauwi sila mama at papa sa bahay. Humiga ako sa bed niya.
"Hari ng kayabangan." sabi ni Dara habang naghahanap ng damit sa cabinet niya.
Napabangon ako sa kama at nag thumbs up, "True!" at humiga ulit ako. "Ang landi landi pa nga sa canteen kanina. Feeling masyado yung babae. Nakakaawa."
Mga babae dito bulag sa katotohanan eh. Sinasabi na ngang manloloko, playboy, chickboy si James pero sige padin. Tapos ano nanyare? Hindi nagtatagal ang relasyon ni James sa mga babae, kasi nga ang tingin niya sa babae, cellphone o dikaya accessories, pag nagsawa papalitan o ipagsasabay pa.
"Pero crush ko si James since elementary." Makakatulog na sana ako nang biglang nagising kaluluwa ko nung sinabi niyang yun. Bumangon ako sa kama at nilapitan siya. Nasa likod niya ako.
She's just wearing her pink and black stripes bra niya and jeans. Wala kaming pake. Pero hindi naman sa point na tipong katawan ipapakita na ng bongga.
"Anong sabi mo?"
Humarap sakin si Dara at inulit yung sinabi niya. "Hanggang ngayon crush ko padin. Hehe." ngumiti siya sakin. Pang-asar.
"DARA?! Paano mo nagustuhan ang lalakeng wala namang respeto sa babae?!"
"Oh c'mon. Crush lang." sinuot ni Dara yung damit niya.
"Pag nalaman ni James yan? Ikaw na naman pagttripan niya?" sabi ko sakanya, "Baka kinabukasan buntis kana sakanya!" OA much? Sinasabi ko lang kung ano yung sa tingin kong manyayare tho it is a fact.
Si James pa. Nakukuha niya ang gusto niya, anytime.
"Keep calm and breathe." was all Dara could say. I swear babatukan ko na talaga tong babaeng to. Mainlove na siya sa lahat ng lalaki wag lang talaga kay James.
I'm just being motherly overprotective here.
"Ma-inlove kana sa iba, wag lang sa lalaking yon, I'm begging you."
"Opo." habang in-on ni Dara yung malaki nyang TV. Rich kid kaya to.
"Baka isang yaya lang sayo ni James bumigay kana." humiga ulit ako sa kama.
"WHAT?! Grabe ka! Papayag ako." Malanding pagkasabi ni Dara ng tinapon ko sakanya yung unan niya. Akala ko pa naman madidiri siya ka James, mas lumala pa pala.
"Lagot ka lang talaga sa parents mo."