Nang marinig kong bumukas ang pinto ng apartment ay muntik ko ng liparin ang distansya mula sa kusina papunta sa sala.
Katatapos ko lang magluto para sa hapunan. Buong araw akong mag-isa sa apartment. Baka kung magtagal pa ay kakausapin ko na ang mga pinggan sa kusina.
Natuyo na nga ang laway ko dahil buong araw akong hindi nagsasalita. Wala naman kasi akong makausap.
Pagdating ko sa sala ay nakita ko nga si Ethan na pumasok.
Buti naman at isang piraso ka pang nakauwi dito lalaki ka.
Lalapitan ko na sana siya pero natigilan ako ng may nakasunod sa kanyang babae.
She had long, wavy, raven hair. She had naturally smoky-like eyes, what with her thick eyelashes and the perfectly shaped eyebrows to match. Mestisahin rin siya pero hindi 'yung puti na maputla ang dating. Her skin looks radiant and polished. Walang makikitang kahit isang spot sa balat niya.
Nakita ako ni Ethan. Sandali lang niya akong tiningnan.
"Veronica, si Rachelle. We're going to study a case together. Rachelle, si Veronica." pagpapakilala niya sa 'min.
Ngumiti naman agad si Rachelle sa 'kin. Tinanggap ko ang inabot n'yang kamay. We shook hands.
Rachelle? Sa'n ko ba narinig ang pangalang 'yun?
"Should we order some food first?" tanong ni Rachelle kay Ethan. Pati boses niya maganda din.
Pamilyar din ang boses n'ya. I'm sure I heard it before.
"Nagluto ako ng hapunan. Saktong-sakto lang ang timing n'yo." sabi ko.
"Ikaw, okay lang sa'yo kumain ng lutong-bahay?" tanong ni Ethan kay Rachelle.
Ano bang luto ang kinakain niya ng makain nga rin at gumanda ako?
Nainis naman ako kay Ethan na kailangan pa n'yang tanungin kay Rachelle kung okay lang sa babae na kumain ng luto ko.
Kinakahiya ba n'ya ang luto ko?
Chillax lang, Veronica.
Tumango naman si Rachelle. Nauna na akong pumunta sa kusina para mahain ang mga pagkain.
Mamaya ko na lang gigisahin si Ethan kung sa'n s'ya noong nakaraang araw.
While I was preparing the dinner table, I suddenly remembered where I heard Rachelle's name and why her voice was familiar.
Shit. S'ya 'yung babaeng kasama ni Ethan sa scandal noon sa school. At s'ya rin 'yung babaeng minsang naka-anuhan ni Ethan dito sa apartment.
Biglang nanginig ang mga kamay ko. The hot soup poured out from the bowl I was holding.
"Shit." The soup was scalding. Akala ko nga malalapnos ang balat ko. Agad kong inilagay ang bowl sa mesa at pumunta sa lababo para hugasan ang napaso kong kamay.
Si Rachelle ba ang nakasama ni Ethan habang hindi siya umuwi rito sa apartment?
My heart was sinking.
Nauna na silang matapos kumain. May pag-aaralan pa daw kasi silang kaso.
Hindi ko sinasadya pero narinig ko ang pag-uusap nila habang naglalakad sila palayo.
"Sigurado ka bang hindi ka gutom? Ang konti lang ng kinain mo kanina. Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?" si Ethan.
"No, it's okay. Hindi lang siguro ako sanay sa luto n'ya. Buti naman at nasanay ka." sagot naman ni Rachelle.
BINABASA MO ANG
The Girl He Likes To Fuck | COMPLETED
Genel KurguPaano kung hindi ka na makontento sa kung ano ang mayroon kayo? You want something more. Paano kung ang isang bagay na sa simula ay simple lang ay nagsisimula ng maging komplikado? You want something different. Paano kung iba na ang nararamdaman mo...