Nag simula sa isang munting paghanga
Mula ng masilayan ang iyong mukha
Habang ika'y nagsasalita sa gitna
Mata ko'y sayo lng nakatutok sintaMula sa malayo ay inaasam ka
Hiniling ko na sana makalapit na
O sadyang pangarap ka na lng talaga?
Na kahit kaila'y 'di na maabot paAnung nangyari bakit tayo nagkita?
Bakit tayo pinagtagpo ng tadhana?
Kung 'di rin naman pala sa isa't isa
At hanggang pagkakaibigan lang kayaGanun pa man munting puso ay umasa
Bawat kilos mo'y binigyan ko ng halaga
Kahit ang bawat titik ng 'yong salita
At bawat galaw na iyong ginagawaKasalanan ko ba namahal na kita?
Kahit na alam kung gusto mo ay iba
Kasalanan mo ba na ako'y umasa?
Kahit na naging mabait ka lang sintaIkaw???Ako??? Sino sa'tin ang may sala?
Ako na umasa sa maling akala?
O ikaw na syang nagbigay ng pag asa?
Pag asa nga ba? O ako ang umasa??Mga katanungan na nagdulot ng luha
Sa batang sa iyo lubos na humanga
Pinangarap at minahal ka ng sobra
Kahit napakalabong maging akin ka