Chapter 46
Kieran's POV
Binalikan ko siya pero wala na siya dun. Hinanap ko siya kung saan pero hindi ko siya nakita. Tinanong ko siya kay Cha, pero wala akong nakuhang sagot dahil hindi niya ako pinapansin. She's still mad at me. Tinawagan ko siya pero hindi siya sumasagot.
Nakita kong tumatakbo si Lance papunta dito sa kinatatayuan ko. Ano nanaman ba ang problema niya?
"Bro!" sabi niya habang naghahabol ng hininga.
"Ano nanaman? Kung mangiinis ka lang, wag mo ng ituloy dahil baka masuntok lang kita." seryoso kong sabi at akmang aalis na ako ng bigla niya akong pigilan.
"Kieran, hindi ako nagpunta dito para inisin ka o ano. May nakakita kasi kay Kylie sa library.." he paused for a moment and then continued. "Ang weird nga daw ng ikinikilos eh. Tatawa tapos biglang iiyak. Tapos bigla nalang daw nawalan ng malay si Kylie."
"Pupuntahan ko siya sa clinic." tatakbo na sana ako ng bigla syang may sinabi na ikinatigil ko. "Bro, hinatid na siya ni Drake pauwi.." Tumango lang ako at ngumiti pero hindi umabot sa mata ko.
"Nakakatakot si Drake kanina, parang gusto niya ng pumatay sa galit. Isama mo pa yung nangyari kay Kylie. Alam mo, ngayon ko lang siya nakitang ganun. Kingina! Tatahi-tahimik ang kupal na yun, meron palang ugali na tinatago." Kahit ako. Hindi ko inaasahan na sasabihan niya ako ng ganun ng dahil lang sa babae.
"Nag text si Drake, naihatid na daw niya si Kylie. Kaya sige na puntahan mo na siya." Tumango lang ako.
"Bro, hayaan mo na muna si Drake. Sadyang mainit lang ang ulo nyong dalawa. Lilipas din yan." he said and tap my shoulder.
Dumiretso na ako papuntang parking lot at sumakay sa kotse ko. Inistart ko ang makina at agad pinaharurot ang kotse papunta kila Lays. Halos ilang minuto lang ay narating ko na ang Apartment. Pinarada ko na ang kotse ko at bumaba na.
Naglalakad na ako papunta sa apartment ni Lays. Nasa third floor yung room niya. Sa wakas ay narating ko na din iyon at nasa harap na ako ng pinto. Kumatok ako pero walang sumasagot. Kumatok ulit ako ng ilang beses pero wala pa rin.
"Hijo sinong hinahanap mo?" Napatingin ako dun sa nagsalita. Isang matandang babae na may dalang walis at dustpan.
"Si Lays po. Kilala niyo po ba siya?"
"Si Lalay ba kamo?" tumango lang ako. "Aba'y lumabas siya eh kasama yung magandang dalagita." Palihim akong napangiti na parang ewan sa sinabi niya.
"La, may sakit po ba yung magandang dalagita na kasama ni Lalay?"
"Hindi ko lang alam hijo. Mukhang ayos naman yung magandang dalagita nung nakita ko kanina." Tumango ako at nginitian si Lola. "Salamat po, La."
Nagsimula na syang maglakad pero tumigil siya sa at humarap ulit at humakbang palapit sa'kin.
"Bakit po?"
"Anong pangalan mo hijo?"
"Kieran po." sagot ko.
"Kaano-ano mo ba sila Lalay?"
"Mga kaibigan ko po sila, La."
Hinintay ko sila dito sa labas ng room nila. Umupo ako sa sahig at isinandal ang ulo ko sa pader. Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung nangyari kanina. Hindi ko lubos maisip na mag-aaway kaming dalawa dahil lang sa babae.
Naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko kaya napamulat ako. "Kieran? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Lays. Agad namang hinanap ng mata ko si Kylie. "Nasa park siya ngayon, nagpapahangin."
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko.
"Baka mapano siya.." nag-aalala kong sabi sakanya.
"Wag kang mag-alala, wala naman syang sakit eh. Nahilo lang siya kaya daw siya nawalan ng malay. Ano bang nangyari? Umiiyak kasi siya kanina. Hindi naman niya sinasabi kung anong problema niya.." Napatungo ako. Huminga din ako ng malalim.
"It's all my fault. Sorry.."
"Pagkagising nga niya, ikaw agad ang hinahanap niya. Kaya puntahan mo na siya at magusap kayong dalawa."
Pinuntahan ko na siya sa park. Agad ko naman syang nakita. Nakaupo siya sa swing habang marahang dinuduyan-duyan iyon. Nakasandal siya sa isa sa mga tali nito at nakapikit ang mga mata niya.
Nilapitan ko siya tapos pumunta ako sa likod niya at dinuyan-duyan siya. Gumalaw siya ng bahagya at unti unting lumingon sa'kin. Napahinto ako sa ginagawa ko. Nakikita ko na parang maluluha na siya pero pinipigilan niya lang.
Tumayo na siya sa swing. Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Niyakap ko siya pabalik. "I'm sorry. I didn't mean to hurt you.." I paused a moment before I continued my sentence, "I'm sorry that I made you cry. If I lose you, it would be the end of the world. Forgive me." My eyes got teary. I bit my lip to stop them from flowing.
Kumalas na siya mula sa pagkakayakap sa'kin. Nakatitig siya sa'kin. Nahiya naman ako kaya tumungo ako. Narinig ko ang mahina nyang pagtawa. "Anong nakakatawa?" mataray kong tanong sakanya dahil bigla nalang siya tumawa.
Finally, I saw her dorky smile.
"Ang cute mo kasi." sabi niya at pinisil ang magkabilang pisngi ko. "Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak." may halong pagbibiro niya. "Sorry din. Sorry sa mga nasabi ko sa'yo kanina. Alam kong nasaktan kita. Hindi ko naman gustong sabihin yun, nadala lang ako ng feelings ko dahil sa sobrang inis ko sa'yo. Kieran, wala akong pinagsisisihan, hindi ko pinagsisisihan na ikaw ang pinili ng puso ko." hinawakan ko ang kamay niya.
"You changed everything. I'm very thankful and glad that I met someone like you. I thank God everyday for giving you to me." I grabbed her waist and pulled her into a hug.
"I love you." I whisper to her.
Kylie's POV
Napapikit ako nang halikan niya ako sa noo. Nginitian niya ako at nginitian ko din siya. Mahal ko siya. Balang araw masasabi ko din sakanya yun.
Naalala ko yung kantang pinapakinggan ko kanina. Sorang ganda nung kanta at sobra din akong nadala. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng jacket ko. Tapos nilagay ko yung isang piece ng earphones sa tenga niya.
"Pakinggan mo 'tong kantang 'to.." Tumango siya at nakangiti habang hawak niya yung earphone ko malapit sa tenga niya.
Nginitian ko siya bago pinindot yung play button.
I hate you, I love you,
I hate that I love you
Don't want to but I can't put nobody else above youNagbago naman agad ang ekspresyon niya at seryoso syang nakatingin sa'kin.
I hate you, I love you,
I hate that I want you
You want her, you need her
And I'll never be her
BINABASA MO ANG
I'm In Love With An Idiot (Major Editing)
Novela JuvenilYou're weird, obnoxious, crazy and a complete idiot. but you know what? I still love you. Kieran and Kylie's story. ❤